Will newbies Royce Cabrera, Kokoy de Santos let their families watch F#*@bois?

IMAGE Jerry Olea / Noel Orsal

F#*@bois stars Royce Cabrera, Kokoy de Santos, and Ricky Davao talk about their daring movie.


Pinakamapangahas sa 10 full-length films na nagtatagisan sa 15th Cinemalaya indie filmfest ang F#*@bois (aka Fuccbois) na pinagbibidahan ng mga baguhang sina Royce Cabrera at Kokoy de Santos, sa direksiyon ni Eduardo Roy Jr.

Tampok din sa pelikula si Ricky Davao na ang paglalarawan sa kanyang ginampanang papel, “Para akong tumalon sa swimming pool na pagkalalim-lalim, walang tubig... una ang ulo!”

Ipapanood ba ni Ricky ang pelikula sa kanyang mga anak at pamangkin?

Gala premiere ng F#*@bois ngayong Agosto 4, Linggo, 6:15 P.M. sa CCP Main Theater.

Napapikit si Ricky at todo iling, “Sinabi ko na sa kanila, ayaw nila! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Sila na ang nagsabi... Iyong Ani ang papanoorin nila.

“Kasi, mabait akong lolo doon. Pero dito... ito, ano... talagang ano, for myself.

“Ginawa ko ito para sa sarili ko bilang aktor.”

Ang Ani ay kabilang din sa 10 full-length films na nagko-compete sa Cinemalaya 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BARING THEIR BODIES AND SOULS

Inurirat din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kokoy at Royce kung inimbitahan ba nila ang kani-kanyang pamilya, partikular ang kanilang mga magulang, para manood ng F#*@bois.

Natatawa ring tugon ni Kokoy, “Ako po, yung nanay ko... andiyan po siya! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Uulitin ko po, andiyan siya!

“Medyo ngayon pa lang po nagsi-sink in sa kanya iyong mga ginawa ko rito...

"Ayun po, siya, yung nakapula! Ha! Ha! Ha! Ha!" sabay turo ni Kokoy sa inang nagngangalang Cheenee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha ni Ricky ang mic at sinabihan ang ina ni Kokoy, “Mommy, Mommy, mabait itong anak ninyo,” sabay akbay kay Kokoy.

Dagdag ni Ricky, “Kasi, bunso ko, mabait ito. Pag napanood po ninyo ang pelikulang ito, magiging very, very proud kayo.

“Sobrang hirap ng pinagdaanan nila, and the characters na ginampanan nila, sobrang complicated...

“Sa unang basa ng script, parang simple lang. Pero noong ginagawa na, sobrang lalim pala.

“Iyon ang aabangan natin sa pelikulang ito. Sobrang lalim. Matatawa ka, magagalit ka.

"'Tapos, may mga matutunan ka. ‘Ahh, ganoon pala.’

“And at the same time, nakakatawa.

"It’s reality. It’s... picture ng buhay ngayon ng mga millennial, sa isang side ng mga millennial ito.

“So, ‘yun, mommy... you’ll be very, very proud of bunso!” sabay baling ni Ricky kay Royce at pinanggigilan kunwari ito.

Pahayag naman ni Royce, “Noong una, siyempre nag-aalangan ako. Kasi nga, grabe iyong ginawa ko rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero gusto ko silang manood, kasi gusto kong makita nila kung anong klase yung pag-arteng ginawa ko rito.

“Hindi lang basta yung paghubad ko or anumang ano ko rito.

"Iyong gusto kong makita kung paano ko ibinigay ang pag-arte ko rito, paano ginabayan ng production para ibigay ko ang...

“Pinatunayan ko talaga sa sarili ko na kaya ko. Na may mga taong nagtiwala sa akin para ilagay ako bilang lead, na pinatunayan ko na karapat-dapat talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang katawan ang ibinilad ng mga artista sa F#*@bois, kundi maging ang kanilang kaluluwa.

Lahad ni Direk Edong, “Well, siguro, noong simula pa lang nang tinanggap nila iyong project, iyong role nila... dumaan kasi kami sa workshop.

“And doon pa lang, sa acting workshop pa lang, na-guide by Miss Ruby Ruiz, nag-open up na sila.

“In a way, binuksan na nila iyung pagkatao nila, yung kaluluwa nila, para maukilkil namin yung mga itinatago nila, yung mga limitasyon. Kasi, ang hirap nung role, e.

“Kailangan, dapat walang bakod. Walang limitation kapag ginawa ito.

"Kasi, kapag mayroon kang takot sa paggawa ng role, kahit hindi mo sabihin sa direktor, or sa staff, o sa buong group... mararamdaman at mararamdaman namin.

“So, noong umpisa pa lang, in-open up na nila ang sarili nila para maging kampante, makilala namin ang isa’t isa. And magampanan nila iyong role nila.

“Hindi lang actually iyong katawan, kundi iyong buong puso, at buong dedikasyon nila ang ibinigay nila sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil naniniwala sila sa materyal, sa akin, at sa buong produksiyon.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close