Benjamin Alves agrees to do butt exposure in Misterio de la Noche

IMAGE Noel Orsal

Is Benjamin Alves expecting an acting award for his performance in Misterio de la Noche?


Gaya ni Solenn Heussaff, naghubo’t hubad si Benjamin Alves sa supernatural horror movie na Misterio de la Noche (Mystery of the Night).

Bakit siya pumayag na magkaroon ng butt exposure sa pelikula?

Sagot ng Kapuso actor, “No, ang tanong, bakit ako umoo sa script.

"Because dahil kay Jonas [Gaffud], he’s one of the producers.

"RS Francisco, I know that he’s trying to push on doing really good films.

“'Tapos, si Direk Adolf Alix Jr. ang director.

"'Tapos, ka-partner ko si Solenn [Heussaff], I always want to work with her in a project.

“So that’s why I didn’t have to say yes to nudity only.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa Philippine premiere ng Misterio de la Noche noong Agosto 4, Linggo, sa CCP Little Theater.

Bahagi ito ng programa ng 15th Cinemalaya indie filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maituturing ni Benjamin na pinakamahirap sa lahat ang ginawa niya sa Misterio de la Noche.

“Siguro yes, in the movies, mahirap po talaga siya. Sa Tagalog lang, mahirap na,” saad niya.

May expectation ba siya na makasungkit ng acting award dahil sa pelikulang ito?

“I think, kung award, for one is the make-up artist, production design, and the script is really good.

“And acting wise, I think, it would really be Solenn,” sagot ni Benjamin.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close