Ai-Ai delas Alas says she has nothing to prove; chillax with latest film

IMAGE Rose Garcia


Kampante si Ai-Ai de las Alas sa pagpapalabas ng pelikula niyang And Ai, Thank You sa Agosto 14. Hindi raw siya nakakaramdam ng pressure.

“Sobra noon,” pag-amin niya.

“Siguro, noong nasa 20 years pa lang ako or after ng Tanging Ina, stressed ako kapag meron akong pelikulang lalabas.

“Masyado akong pressured na kailangan, mahigitan yung Tanging Ina or kailangan mapantayan yung Tanging Ina.

"E, ngayon, iba na ang panahon, millennial na.”

Dumating na raw si Ai-Ai sa punto ng kanyang career na sa tingin niya, wala na siyang dapat pang patunayan.

“Modesty aside, matagal na rin naman ako sa industriya. Yun ang pinanghahawakan ko na lang.

“Kumbaga, lahat ‘to, nadaanan ko na. Wala na akong ipu-prove sa mga tao.

"Kasi, lahat, nagawa ko na.

"Kumbaga, itong lahat, ine-enjoy ko na lang ‘to na gift ni Lord sa akin, extension ng career ko.

“For so many years, God is so good.

"Kasi, sa edad kong 35,” pagbibiro ng 54-anyos na comedienne, "marami pa rin akong projects, marami pa rin akong pelikula, and God is so good to me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumpara noon, mas relaxed at mas masaya raw ngayon na hindi na siya kailangang makaramdam ng pressure palagi.

“Oo, kasi nagagawa mo na yung gusto mong gawin. Hindi ka na napi-pressure.

"Kumbaga, ginagawa mo na lang ang gustong gawin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa pocket presscon niya nitong Agosto 2, Biyernes, sa Aisian Fusion Restaurant, Cloverleaf Ayala Mall, Balintawak, Quezon City.

PLAYING A STAR FOR THE FIRST TIME

Anong bago at puwedeng abangan sa kanya sa And Ai, Thank You na idinirek ni Joven Tan?

Saad ng Kapuso star, “Doon ko nga na-realize na ang dami kong ginagawang pelikula sa taong ito.

"Nakakatuwa rin naman kasi yung mga naaalok na character sa akin, iba-iba.

“Yung Feelenial, iba, 'tapos ito, iba rin.

"Kahit na artista ako, first time kong gaganap na artista.

"Kaya tuwang-tuwa ako, kasi palagi akong naka-make-up.

“Usually kasi sa shows at sa pelikula, lalung-lalo na sa indie, hindi ako nakaayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito, kahit sa bahay, naka-make-up talaga ko. At mayaman ako."

May peg siyang artista sa karakter niya?

“Iba-ibang klaseng artista. Iba-ibang klaseng peg.

"Konting ako, konting si ganito, konting si ganyan,” sabi niya.

Ayon kay Ai Ai, yung pagiging iyakin ng karakter niya sa And Ai, Thank You lang siguro ang pagkakapareho sa kanya bilang isang artista.

Pero sa ugali, malayo.

REUNION WITH RUFA MAE QUINTO

Magkasama silang muli ni Rufa Mae Quinto sa And Ai, Thank You. A

ng huli pa nilang pinagsamahang pelikula ay ang Booba noong 2001.

Sabi ni Ai-Ai, “Baligtad naman ‘to.

"Sa Booba, ako ang kontrabida niya. Dito, parang siya naman ang kontrabida.”

Na-miss daw niyang katrabaho si Rufa Mae.

“Ayun, nakakatuwa kasi pareho kaming artista rito.”

Sa pelikula, isang sikat na artista si Ai-Ai na may anim na buwan na lang para mabuhay.

Kung sa totoong buhay ay anim na buwan na lang siyang mabubuhay, ano ang top three na gusto niyang gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ai-Ai, “Kung mabiyayaan kami ni Gerald ng anak, siyempre ibubuhos ko lahat sa baby ko.

"Mag-a-around the world kaming mag-asawa.

“Aayusin ko ang finances ko. Yung iba, ibibigay ko sa charity. Yung iba, sa pamilya ko.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close