Sunshine Cruz comments on ghosting scene shot for Cinemalaya 2019 entry Malamaya

Sunshine Cruz gets asked if she hesitated shooting pumping scenes in the Cinemalaya 2019 entry Malamaya.


“Gala night na,” ang excited na bulalas ni Sunshine Cruz na nakausap namin kagabi, August 6, sa  Cultural Center of the Philippines (CCP) Main Theater.

Si Sunshine ang bida sa Cinemalaya 2019 entry na Malamaya kunsaan leading man niya si Enzo Pineda.

Kasama ni Sunshine ang anak niyang si Angelina sa gala night kaya tinanong namin ang aktres kung gaano kahanda ang anak niya na mapanood ang mga mapangahas na eksena nila ni Enzo.

“Sabi ko nga, ready naman ito, very excited! Actually, even… she’s seventeen turning eighteen. PG-13 [ang movies]. Gusto nga kahit nung thirteen ko and fourteen [year-old daughters] ko kaya lang nasa school pa sila.

“Walang pasok sa Vermosa, Cavite. Sa Cavite suspended ang klase kaya siya lang ang nakasama.”

Tinanong naman namin si Sunshine kung totoo ang tsika na nagdalawang-isip siya na gawin ang mga daring at intimate scenes nila ni Enzo dahil may mga love scenes sila with matching pumping scenes sa Malamaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No! No, that’s not true. Kasi when we had our script-reading, sinabi na agad kung anong mga kailangan, kung anong kailangan kong ipakita, kung anong kailangan kong gawin.

“So dun pa lang, sabi ko nga sa mga directors ko, puro din naman kayo mga babae and I know that you will take care of me.

“E, aarte pa ba ako? Cinemalaya ito and I have been dreaming being part of Cinemalaya.

“And dream come true for me ito kaya I’m very blessed and lucky to be a part of Cinemalaya.”

Sa Malamaya ay may tema na “ghosting” dahil bigla na lamang hindi nagpakita si Migs (Enzo’s character) kay Nora (Sunshine’s character). 

Ang ghosting ay ang biglaang hindi pagpapakita o pagpaparamdam ng isang tao sa kanyang ka-relasyon.

Bago pa man sumikat ang ghosting, na sikat ngayon dahil sa issue nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, ay nakunan na ang ghosting scenes nina Sunshine at Enzo sa Malamaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang karakter ni Enzo ay humingi ng paumanhin kay Sunshine dahil "na-ghost" niya ito nang dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon. 

Ani Sunshine, “Matagal na, una pa, ginhost na ako ni Enzo, grabe!”

So sila ba ang orihinal na ghosting couple?

“Ganun ba iyon? Malay ko,” at natawa si Sunshine. “Ayoko!”

Sa tunay na buhay ba ay nakaranas na si Sunshine ng ghosting?

“Hindi… ako lagi gumo-ghost,” at muling tumawa ang aktres. “Joke lang yun, joke lang yun.”

Ano ba ang comment niya sa issue ng ghosting?

“Ayoko nga! Ayoko!” at muling tumawa si Sunshine. “Wala akong naging experience na ginhost ako.”

Siya ba ay walang na-ghosting?

“Kasi di ba isa lang naman ang naging ano ko, yung ex ko tapos sumunod na si Macky, so wala namang ghosting-ghosting na nangyari. Ngayon lang nauso yan!

“A few weeks ago, di ba?”

Pero sila nga ang nagpauso ng ghosting dahil sa Malamaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Enzo kasi, e.”

Pagpapatuloy pa ni Sunshine: “Pero yeah. Very excited ako and nervous kasi ngayon ko pa lang din mapapanood, actually.”

Speaking of Macky Mathay, wala sa gala night ng Malamaya ang boyfriend ni Sunshine. Hindi raw talaga manonood si Macky ng pelikula nila ni Enzo. 

“Deal na namin yun, huwag na lang! Huwag na lang. Kasi, of course, kahit papaano, hindi naman showbiz yan si Macky so… sabi ko nga sa kanya, ‘If you wanna get hurt, then watch. But if you don’t wanna get hurt, just don’t be a part of it na lang.’

“Sabi niya, he’s proud of me and congratulations sa akin, pero sabi ko, ‘I’m so sorry, I can’t invite you!’”

Paano kung biglang dumating si Macky?

“E, di okay lang! Nasa kanya yun. Kaya nga sabi ko sa kanya, it’s his choice.

“Kung gusto niyang masaktan manood siya, kung ayaw niyang masaktan, hindi na lang, mag-support na lang siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi dumating si Macky sa gala.

Paano ilalarawan ni Sunshine ang kanyang pinakaunang Cinemalaya journey?

“Ay, ang sarap! Gusto ko kung puwede nga sana every year, e. Sana maging parte na ako kahit naman hindi ako yung bida, okay lang basta maging parte kasi iba talaga.

“Ang sarap! At saka kahit naman nung nagsu-shooting kami, napakagaan ng environment, yung mga directors namin sobrang cool, mga bata kasi.

“And masaya, masaya talaga!”

Sina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez ang mga direktor ng Malamaya na produced ng ALV Films (ni Arnold Vegafria), Spears Films (ni Albert Almendralejo), at Cine Likha.

Umaasa ba si Sunshine ng acting award para sa Malamaya?

“The mere fact that… itong Malamaya is a part of Cinemalaya, para na rin akong nanalo ng award.

“So kung bibigyan pa tayo, kung magkakaroon pa tayo ng another blessing din, thank you! Kung hindi, thank you pa rin dahil kasama ako sa Cinemalaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

PEP Guide to Cinemalaya 2019
PEP Guide to Cinemalaya 2019


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close