Chynna Ortaleza narrates spooky incident on the set of Dementia

In Dementia, Chynna Ortaleza (in photo) is cast as the ghost who has a mysterious connection with the character played by Nora Aunor. (To view behind-the-scenes photos of Dementia in Batanes, CLICK HERE)


Masaya si Chynna Ortaleza matapos niya mapanood ang Dementia kunsaan nagampanan niya ang tinatawag niyang “dream role.” Ginanap ang premiere noong Linggo ng gabi, September 21, sa Trinoma, Quezon City.

Marami ang bumabati at pumupuri sa ipinakita nitong performance bilang supporting cast member ng pelikula at kung paano niya nagampanan ang karakter ni Olivia Fabre sa pelikula. Si Chynna ang “multo” sa pelikula at malaking-malaki ang kaugnayan ng karakter niya sa karakter ni Nora Aunor bilang si Mara Fabre.

Kumusta nga ba siya pagkatapos niyang mapanood ang kabuuan ng pelikula at ang ibinigay niyang performance?

“Siyempre, palagi namang may room for improvement every time na may performance. Pero, masaya naman ako at nakapag-portray ako ng dream role ko. Masaya naman ako. Siyempre, ano, aside sa ghost siya, meron pa siyang darkness.

“Yung sakit niya talaga, talagang may problema siya sa authority. Kaya nga noong na-device ni Mara yung laro namin, doon niya napasunod. Doon lang siya nagkaroon ng sense of normalcy. Kaya noong mawawala na si Mara sa buhay niya, hindi niya kaya.”

Nagugulat din ba siya kay Olivia Fabre tuwing lalabas sa screen?

“Nagulat ako kasi, hindi ko naman alam na ganyan ang magiging end result niya. Noong ginagawa namin ang film, hindi naman nai-imagine na ganoon siya magso-solidify with the music, editing and the effects. Proud ako sa pelikula namin, sobra.

“Graded A pa, so sana mapanood nila. Kasi, alam ko namang maraming Filipino ang gustong magkaroon ng good film but how can we make good film if we don’t support this kind of films? Yun lang naman ang hinihingi namin sa kanila.

“Itong effort nila Direk Perci [Intalan], independent talaga ‘yan. Sila talaga ang nagpursige diyan.”

Marami na rin namang kinu-konsider si Chynna na mga challenging roles na nagawa na niya. Pero sa pelikula, masasabi raw niyang isa sa pinaka-mahirap na niya itong ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s definitely hard because if the presence of Ms. Nora [Aunor] and other cast member na hindi mo naman talaga puwedeng sabihin na balewala lang sila.”

Dalawang magkasunod na pelikula ang pinagsamahan nila ng Superstar na si Nora. Ang Dementia at ang Hustisya na isang entry sa Cinemalaya 2014. Sa dalawang pelikulang yun, pareho pang ang halos lahat ng eksena, ang Superstar ang madalas niyang ka-eksena.

Bukas ay ipapalabas na ang Dementia sa mga sinehan, ano ang pakiramdam niya na hindi na niya ito makakasama?

“Oo nga, sobrang naging close kami ni Inay. Sabi ko nga sa kanya, kasi, noong nag-uusap kami, parang she has plans of making a directorial debut. So, sabi ko sa kanya, kapag ganyan, puwede mo akong asahan, suportahan kita.

“Sana, ‘di ba, one of these days, ma-bless muli with a movie with her since tuloy-tuloy rin naman ang initiative niya na buhayin ang cinema.”

SPOOKY INCIDENT IN BATANES. Naging malapit daw sila halos lahat lalo nan nang mag-shooting nga sila ng Dementia sa Batanes.

Inamin naman ni Chynna na noong nasa Batanes sila at nagsu-shooting, totoong may mga “nagparamdam” daw sa kanya.

Sabi niya, “Meron… meron. Kaya nga nagdasal ako ng nagdasal every time na pinapasok ko ang character kasi, nakakatakot, e. Well, sa bahay, sila ang natatakot sa akin. Palagi akong pina-pack-up ng maaga ni Direk Perci.

“Sabi niya, umuwi ka na. Actually, pareho kami ni Direk Perci na may experience sa Sabtang, pati yung isang wardrobe [staff] namin. Outside our scenes, during our rest period.”

Ano ang naranasan niya?

“Merong nagsasalita sa tabi ko ng mga 3 a.m. Tapos sinasabi na pumunta raw ako sa dagat. Akala ko, nag-iimagine ako. Nakita kasi ako ng handler ko na nagising daw ako ng 3 a.m. Tinatawag daw niya ako ng ‘Chynna, Chynna’ tapos ako raw, yung position ko, nakaupo lang ako at hindi ko siya pinapansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whereas ako naman, noong time na yun, naririnig ko lang, pumunta raw ako sa dagat tapos, complete darkness na siya.”

Anong ginawa niya, hindi ba siya natakot?

“Nagdasal… natakot naman ako, pero sabi ko, my God is bigger than anything. So, nagdasal na lang talaga ko. Tapos, sabi ko nga, my faith is strong naman. Hindi ako matatakot diyan. At saka sabi ko nga, ever since you are fascinated in this thing, tapos hindi mo kaya?”


Ang isa sa co-star nila, si Jasmine Curtis Smith ay aminadong na-intimidate kay Nora.

Siya ba, nagkaroon din ng ganoong pakiramdam?

“Oo naman, siyempre at the beginning, hindi ko alam kung paano siya ia-approach. Lalo na yung mga eksena namin. Ayoko namang mag-feeling close. Pero kasi, siya yung unang nagri-reach-out. So, ikaw na yung, ah, okey naman pala. Puwede kaming magbiruan, puwede kaming magkuwentuhan.

“Tapos, after a while, siya pa yung—alam niyo yung eksena sa sementaryo, yung may cross, piniktyuran pa nga ako nila Kuya Boy [Palma] noon kasi, naiyak talaga ako after ng scene. Sabi niya kasi, Anak, mahusay ka ron. Umiyak ako. Kasi, coming from her, sobrang laking compliment sa akin.

“Parang salamat po, naiyak na ko ng naiyak.

“After nun, naging maganda ang relationship namin.”

Ngayong sama-sama silang nanood ng premiere night, ano ang sinabi sa kanya ni Nora?

“Sabi niya nga, naka-tatlo ka ha. Kasi, magkatabi kami tapos, nagugulat siya ng nagugulat. Tawa kami ng tawa kasi, kahit ako. Sabi ko, ‘Nay, ano ka ba naman, parang hindi mo ginawa ang eksena. Tapos, tawa siya ng tawa, sabi niya, oo nga, ginawa ko yung eksena. Siguro, medyo matagal na rin kasi.”

Naging malapit nga siya kay Nora dahil kahit noong tumanggap ito ng award sa Gawad Plaridel, siya ang nahingan ng manager nito na gumawa ng testimonial para sa Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami raw siyang natutunan dito.

“Basta marami siyang naibilin sa akin sa three months na magkasama kami. Sinasabi niya na be truthful always, keep it simple. Galing sapuso, laging ganoon siya pagdating sa kahit ano raw na gagawin ko. Yun, nakaka-inspire.

“Kasi, makikita mo naman how old is she, pero when she’s at work, she’s at work. At saka, nakita niyo naman na sobrang intense niya. Yung eksenang pinalakpakan siya, nandoon ako.”

Ano ang natutunan niya rito?

“Na simple lang naman talaga ang mga bagay. Una sa lahat, kailangan mong malaman kung saan ang pinanggagalingan mo at saan ka patungo at hindi mo kailangang mag-prepara, mag-prepara at hindi laging maging technical.

“Ang importante ay to be as honest as you can and as organic as you can. Kasi, alam mo yun, hindi naman siya nag-prepare ron, wala nga siyang lines dun. Kinukuwentuhan lang siya. Galing, ‘di ba, hanep!”

Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon sa industriya, kahit daw kasing-edad na siya ni Nora, papangarapin daw niyang mabigyan pa rin ng mga karakter na katulad nito.

“Sabi ko nga, kung mabi-bless ako ng ganun, bakit hindi. Sabi ko nga, kung puwede akong umarte hanggang pagtanda ko, bakit hindi. Aside sa kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makapag-contribute gaya ni Direk Perci, bakit hindi.

VACATION IN JAPAN. Kinailangan namang magpa-book ni Chynna nang flight pabalik ng Manila noong Linggo mula sa pagbabakasyon niya sa Japan ng isang linggo. Dapat daw ay Lunes pa ang balik nila, pero, dahil ayaw niyang ma-miss ang premiere night nila kaya nagpa-change flight daw siya.

Kumusta ang bakasyon?

“Ay ang saya! I was with my cousin, si Nikka [Aquino]. Tapos, meron kaming friend there na friend ni Nikka from childhood. Si Lester at saka ang wife niya, si Bing. Wala, winelcome nila kami sa home nila, sa Osaka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time ko sa Japan at ang dami kong nakita. I get to travel naman, pero this time, first time ko to travel with my cousin. Kaming dalawa lang, ang saya lang din. Random lang din. Hindi kami gaanong nag-iisip. Kung saan kami mapunta, adventure. Na-survive naman namin siya at ang bait ng Japanese.

“Refresh naman and it’s time for something new after this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN