Alden Richards overwhelmed by box-office success of Hello, Love, Goodbye

IMAGE Nikko Tuazon

Alden Richards also wants a sequel for Hello, Love, Goodbye: "I'm looking forward to it. I hope that there will be a part two of the movie."


Hindi pa rin makapaniwala si Alden Richards sa box-office sucess ng Hello, Love, Goodbye kung saan katambal niya ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Kasalukuyang nasa second week na sa mga sinehan ang pelikula ng Star Cinema na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.  

As of August 7, umabot na sa PHP319.4 milion ang kinita ng pelikula, ayon sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong Martes, August 6, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden matapos ang Facebook Live interview nito para sa Watsons Philippines.

Dito ay inusisa namin ang Kapuso actor tungkol sa box-office gross ng Hello, Love, Goodbye.

Kuwento ni Alden, "We have a group kasi, we have a Viber group.

"Nandun yung promoting, nandun yung cast, and everyone who was involved in the movie.

"So they announce kasi every 2 A.M. last week, every 2 A.M., so we get to see the progress of the gross earnings of the movie.

"When I saw that figure, parang I couldn't believe it, kasi that's the highest gross that any of my movies, na naging part ako, has ever reached.

"So, parang cloud-nine feeling yun for me."

Patuloy niya, "I was on bed, parang hindi ako makabangon kasi sobra akong stunned.

"Na-stun ako with those figures na, 'Am I really part of this movie? Ito na ba talaga yung kinita na kasama ako?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi hindi pa ako naka-experience ng ganito in my life.

"So I'm just really thankful, overwhelmed sobra."

Makailang ulit na rin napanood ni Alden ang Hello, Love, Goodbye, ngunit hindi raw ito magsasawang panoorin ito nang paulit-ulit.

Paliwanag ng Kapuso actor, "Four times, but I want to see it more, kasi being able to see the movie as much as [I can], meydo you get into details dun sa story, how it was directed.

"Kasi, when we shot it, parang mabibilang lang sa daliri yung times that I went behind the camera to see the playback.

"Majority of it, hindi ko talaga pinapanood 'cause I wanna see it as a whole para hindi lang ma-spoil."

HELLO, LOVE, GOODBYE SEQUEL?

Dahil sa box-office success ng kanilang pelikula, marami sa fans nina Alden at Kathryn ang umaasang magkakaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye. 

Sabi ni Alden tungkol dito, "Sana. But, as of now, we all know naman na Direk Cathy will go on a break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then she'll be doing two or three more movies before she rests, pero I'm looking forward to it.

"I hope that there will be a part two of the movie and, of course, it's still on the... may mga negotiations pa po between parties that we need to settle before that.

"Siyempre, kung papayagan ba ako ng GMA ulit.

"Of course, if Star Cinema wil through sa second installment."

ALDEN'S FUTURE PROJECTS

Tinanong din si Alden kung magiging mapili na ba siya sa mga proyektong tatanggapin ngayong successful ang kanyang pelikula sa Star Cinema.

Ayon sa aktor, bukas ang kanyang pinto sa movie projects na maaaring ibigay sa kanya basta maganda ang istorya ng mga ito.

"Kasi siyempre, yung sa blockbuster, parang yun nga po yung sinabi nila sa akin na yung gross is just a number.

"It's really how we were able to tell a great story. It's really the material.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kahit sino pa pong production houses or to anyone na mag-offer ng movies, of course, we will still look into the material.

"Ako po, personally now, Hello, Love, Goodbye inspired me to do more films na mas current, mas maraming tina-tackle about the daily lives ng mga tao.

"Kasi being an actor, being seen on TV and cinemas, that's our way of telling a story.

"Parang that's our way to showcase the lives of people here in the Philippines and around the world.

"So it's really up to the material po, kung maganda talaga."

Sa ngayon, isa sa pinagkakaabalahan ni Alden ay ang upcoming primetime series niya sa GMA-7, kung saan makakasama niya sina Jo Berry, Mikee Quintos, Martin del Rosario, Rochelle Pangilinan, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi pa maaaring magbigay ng ibang detalye si Alden tungkol dito.

"We're currently taping it and it's gonna be on primetime.

"And sa ngayon, we really can't reveal much kasi yun po yung instruction. Secret muna.

"And then, everything will be discussed on the presscon, but abangan niyo po iyan."

Magkakaroon din kaya sila ng project ng ka-love team niyang si Maine Mendoza?

Sagot ni Alden, "Sa ngayon po, wala pa.

"Kasi Maine will be doing a movie din with BlackSheep, Star Cinema production din. So, yun po muna yung uunahin.

"And then, of course, we will see each other pa rin sa Eat Bulaga.

"Pero as of now po, wala pang projects."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close