Dennis Trillo recalls being offered illegal drugs in Cambodia

by Rose Garcia
Aug 19, 2019
Dennis Trillo on accepting Mina-Anud: "Sabi ko, hindi ko puwedeng palampasin itong project na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea

Tungkol sa cocaine ang tema ng pelikulang Mina-Anud.

Inamin ni Dennis Trillo na may nag-alok sa kanya ng droga nang magpunta siya noon sa Cambodia.

“Bumaba kami sa isang lugar, 'tapos pababa pa lang kami sa sinasakyan naming sasakyan, marami nang lumalapit para mag-alok ng iba’t ibang klaseng mga.... hindi lang cocaine, kung anu-ano pa,” lahad ni Dennis.

“Pero siyempre, nasa ibang bansa yun, nakakatakot naman na i-entertain yung mga ganun, so iniwasan na lang namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Mina-anud noong Agosto 2, Biyernes, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Gustung-gusto ni Dennis ang tema ng Mina-Anud kaya tinanggap niya agad ito nang mabasa ang script.

“Isa ito sa matagal ko nang inaantay na kuwento,” saad ni Dennis.

“Kasi, unang-una, matapang siya, pero kahit sobrang bigat ng tema niya, ang light ng pag-atake ng direktor na ginawa niya sa pelikula.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, hindi ko puwedeng palampasin itong project na ito.”

Kahit matapang ang pelikula, hindi natakot ang Kapuso actor.

“Hindi naman ako na-bother na inatake rito yung illegal na droga.

"Mas binigyan ko ng importansiya yung aral na matutunan pagkatapos mapanood yung pelikula sa pag-highlight ng masamang element na yun sa pelikula.

“Natuwa ako na kahit ganoon kabigat yung tema niya, may magandang aral kang mapupulot sa bandang huli.”

Ang Mina-Anud ay nanalong Basecamp Colour Prize sa Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum noong 2017.

Ipalalabas na ito sa mga sinehan simula sa Agosto 21.

Read Next
Read More Stories About
Denis Trillo, mina-anud
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo on accepting Mina-Anud: "Sabi ko, hindi ko puwedeng palampasin itong project na ito."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results