Maris Racal on parting ways with Inigo Pascual: "Iba ang gusto namin, career-wise."

by Rommel Gonzales
Aug 24, 2019
Maris Racal on her fans with Inigo Pascual: "Nag-stay sila kahit alam nilang hindi kami, you know, hindi… I mean hindi nagkatuluyan na maging kami."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi naman raw nag-alala si Maris Racal na sa kasagsagan ng promo para sa pelikula niyang I’m Ellenya L ay dun pa sila nagkaroon ng “falling out” ni Iñigo Pascual.

Magkasama silang dalawa sa pelikula, pero nilinaw ni Maris hindi sila mag-love team dito. Ang movie na ito ay isa sa mga entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan simula September 13.

Lahad ni Maris, “Sa akin naman po, parang sa changes ng mga nangyari, parang mabilis ko siyang na-accept, e."

Ang tinutukoy ng aktress ay ang tema ng pelikula na umakma sa kanyang naunsyaming love life.

Aniya, “It’s not a love story, romance. Parang more of comedy. And thinking na kung pinalabas ito at the height of our… kung pinalabas ito sa time na may ano na sobrang uminit talaga, okay din.

“But now it’s actually better kasi yung direction nung film nag-iba and mas nagkaroon ng... parang mas nagkaroon ng meaning yung movie.

“Na hindi lang siya about like love team. Parang it’s very relevant kasi ngayon nag-timing lang din na lahat ng tao, halos nagba-vlog na, nagyu-YouTube na.

“Parang blessing na, ‘Oh my God, relevant yung topic namin!’

Continue reading below ↓

"Kasi it’s all about being an influencer. So confident pa naman ako. Sana.

“Natuwa din ako with the support of the management, yung prod, yung promo.

"Parang in-assure naman nila sa akin na yung direction ng promo ng movie, hindi siya yung love team talaga."

MARIS ON WHAT WENT WRONG WITH MARNIGO

Ano ba talaga ng nangyari sa kanila ni Iñigo?

“Hindi ko po maalaala kung ano yung specific na nangyari kasi, siyempre, di ba parang life lang. Like away-bati, away-bati. Ganun.

“Pero walang super-serious na away and yun lang naman, never naman kaming nag-overboard na super-away talaga."

So nag-away sila?

“Hindi naman, usap lang. Ganun, parang idinaan lang namin dun.”

Dahilan rin ba ang pagpo-focus nila sa kani-kanyang career?

Sambit ni Maris, “Yes. And differences! Yung iba yung gusto namin. Wala namang iba pang may worse pa na nangyari.

"Parang natanggap lang talaga namin na, I think iba talaga ang gusto namin, like career-wise.”

Continue reading below ↓

Sambit pa ni Maris nang matanong kung intact pa ang Marnigo love team nila ni Iñigo nang umpisahan nila ang pelikula, "Oo naman!"

Paliwanag niya, "Siguro ginawa namin ito, mga May of last year. So napagdaanan namin yung mga... habang ginagawa namin.”

Nag-usap ba muna sila bago nila sinimulan ang pelikula para hindi maapektuhan ang working relationship nila?

“Automatic po kasi sa amin yun; pag nasa shooting place kami hindi kami naglalabas na parang… hindi kami nag-aaway on the set, hindi kami nag-aaway, parang usap lang.

“Ganun kasi ako din personally, gusto ko pinag-uusapan lang, ayoko yung nag-aaway.”

MARIS, INIGO AS PROFESSIONAL CO-ACTORS

So, paano ang naging sitwasyon habang nagsu-shoot sila ni Iñigo ng I’m Ellenya L?

Tugon niya, “The moment na nagsu-shoot kami, wala, okay kami, e.

“Yung gusto kasi namin, yung gusto ko sa tambalan namin ni Iñigo, ano kami, parehong sine-set aside namin yung personal problem.

"Pag nasa work kami, like nagho-hosting kami, shooting kami, never namin pinag-uusapan yung problem.

Continue reading below ↓

"Like, wala, parang, professional, ganun. And never namang nakaapekto.”

Hindi ba nahirapan si Maris sa sitwasyon?

“Hindi talaga, hindi naman. Kasi thankfully sa shooting days ng I’m Ellenya L malalayo yung gap.

“Yung may mga two weeks, after parang shooting and then two weeks yung gap, parang meron ulit shooting so naka-help naman yun, na pag sa mga days na yun nag-uusap din kami.

“Last year ito, ha? So para okay na talaga, para pagdating namin sa set, thankfully parang wala kaming problem.”

Sino ang gumawa ng hakbang para maayos ang anumang problema nila ni Iñigo?

“Wala naman, automatic naman yun sa aming dalawa. Like si Iñigo, knowing him, ayaw niya talaga yung may bad blood sa kasama niya.

"So before that, or before pa lang yung shooting, he made sure na parang, okay kami.”

Nawala ba o nabawasan ang special feelings nila para sa isa’t-isa?

“Special in a way na may spot din talaga, like may care naman talaga.

Continue reading below ↓

"Like hindi din naman biro yung friendship namin dati and yung mga blessings na dumating.

“Ang daming blessings na dumating dahil sa love team namin.

“May movie, endorsements, so hindi naman kami parang ayaw na namin talaga sa isa’t-isa.

“So andun pa rin naman yun.”

Nag-uusap pa ba sila?

“Yes, of course! Ngayon part siya ng Coke Studio, parang pinarinig pa niya yung song niya, parang ganun pa rin, same pa rin as before.”

May chance pa ba na mabalik sila sa dati?

“Hindi ko po alam, e. Depende na lang sa kung ano talagang mangyari in the future.

"Ayoko lang magsabi ng kung ano ngayon and then iba pala yung [mangyayari].

“Natuwa din ako with the support of the management, yung prod, yung promo, parang in-assure naman nila sa akin na yung direction ng promo ng movie, hindi siya yung love team talaga."

MARIS THANKFUL TO FANS

Kahit naudlot ang tambalan nilang Marnigo, ano naman ang mensahe ni Maris sa mga fans and supporters nila ng binatang anak ni Piolo Pascual?

“Of course, very thankful ako dahil andyan pa din sila.

“Na nag-stay sila kahit alam nilang hindi kami, you know, hindi… I mean hindi nagkatuluyan na maging kami, biglang ganun,” at tumawa muna si Maris, “parang na-accept nila yun.

“And then they’re still there, to support us, kung anong movie.

“And then ang daming blessings ding dumarating, natutuwa din sila.

“So ang saya-saya na andiyan sila for us. And Marnigos, they’re the best. Ang gusto nila, mag-grow kami, like sa career namin, supportive sila sa career ni Iñigo, supportive din sila sa akin, kaya ang saya. Thank you!”

“So ang masasabi ko lang is, thank you talaga! You deserve the best!”

May pinaghihinayangan ba si Maris na hindi nagtuluy-tuloy ang Marnigo?

“Wala naman po. To be honest wala naman akong pinanghihinayangan talaga.

Continue reading below ↓

"Like we did all our best. Like if hindi talaga para sa iyo, huwag na lang pilitin. I mean, you know, accept things and learn from it.

“And kasi we remained friends, we didn’t burn our bridges, like okay pa rin kami pag nag-meet kami, and then may mga work in the future na game pa rin naming gawin so okay naman.”

Gusto pa rin ba ni Maris na magkaroon ng ka-love team?

Tugon niya, “Hindi naman ako nagno-no talaga, e. Parang if love team, parang ayaw ko lang siyang pilitin.

“If mangyayari siya for me, mangyayari siya. If may makaka-partner ako, may mapa-partner sa akin.

"Work lang, okay lang sa akin, I won’t force it na magiging love team kami, like magiging kami, ganun.

“So parang ano lang, go with the flow lang talaga sa buhay,” at tumawa si Maris.

Sabi pa niya, “Ganun. Kasi iyon lang din naman ang nangyayari before, e, like yung mga love teams before, sa akin never naging plano din. Parang nangyari lang.”

Continue reading below ↓

Ang I’m Ellenya L ay directorial debut ni Boy2 Quizon at produced ng Spring Films, N2, at Cobalt Productions Company.

Kasama rin si Maris sa cast ng ABS-CBN TV series na Pamilya Ko.

Nakausap namin si Maris sa blogcon ng I’m Ellenya L kamakailan sa Cornerstone Studio sa Quezon City.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal on her fans with Inigo Pascual: "Nag-stay sila kahit alam nilang hindi kami, you know, hindi… I mean hindi nagkatuluyan na maging kami."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results