Model-turned-actor Kerbie Zamora says Tumbang Preso boasts of different generations of great actors

For his new indie film Tumbang Preso, Kerbie Zamora (in photo) is proud to have worked with some of the best stars from different generations, including Ronnie Lazaro, Shamaine Buencamino, Jaclyn Jose, Dominic Roco and Kean Cipriano.


Pinagmamalaki ng commercial model-turned-actor na si Kerbie Zamora ang natapos niyang indie film na Tumbang Preso.

Mula sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda, ang Tumbang Preso na nanalo bilang IFC Best Pitch sa 2013 Manila Film Financing Forum ay tungkol sa human trafficking at ang matinding pang-aabuso sa mga kabataan para magtrabaho at ikulong sa isang pabrika ng sardinas.

Ipapalabas na ito sa October 8 sa piling SM Cinemas.

Kinuwento ni Kerbie nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last September 27 sa Cafe Via Mare along Tomas Morato Ave., Quezon City na nag-audition pa siya para sa role niya sa naturang indie film.

Ayon kay Kerbie, “Marami kaming nag-audition para sa gaganap na parang kuya ng mga batang nakakulong sa factory.

“Natuwa naman ako na ako ang napili. Yung role ko kasi, siya yung pinakamatagal nang nagtatrabaho sa sardines factory.

“Naranasan na niya ang lahat ng pagpapahirap. Kaya gusto naman niya na siya naman ang gagawa ng paraan para matapos na ang maling gawain na ito sa mga bata.”

WORKING WITH THE BEST. Nagkaroon nga ng pagkakataon si Kerbie na makatrabaho ang mga mahuhusay na veteran actors na kasama sa cast ng Tumbang Preso. Kabilang na rito sina Ronnie Lazaro, Shamaine Buencamino at Jaclyn Jose.

Patuloy pa niya, “Malaking karangalan sa akin na mapasama ako sa isang pelikula kunsaan naroon ang mga mahuhusay na veteran stars natin.

“Pakiramdam mo rin kasi na magaling na rin dahil napapaligiran ka ng magagaling na artista.

“Kahit na yung mga bata rito ay magagaling rin tulad ni Teri Malvar at bida ng istorya na si Kokoy de Santos. Nakakagulat ang galing nila.

“Kasama rin sila Dominic Roco at Kean Cipriano. Kakaiba ang mga roles nila dito sa Tumbang Preso.

“Kaya ang sarap na gawin ang pelikulang ito kasi marami akong natutunan sa mga artista mula sa iba’t ibang henerasyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEGINNINGS. Noong 2007 pinasok ni Kerbie ang showbiz via the model search na Be Bench na umere sa ABS-CBN. Umabot siya sa Top 12 at ang naging winner ay si Carl Guevara.

Gumawa ng magkakasunod na TV commercials si Kerbie after Be Bench. Ito ay para sa Emperador Light, Globe at Datu Puti.

Taong 2010 noong mag-fulltime na siya sa showbiz.

“Noong sumali kasi ako noong Be Bench, nag-aaral pa ako sa Centro Escolar University [CEU]. I was taking up Tourism.

“Gusto ko munang magtapos ng pag-aaral bago ako mag-fulltime sa showbiz. May mga offers na noon pero mas naging priority ko ang school.

“Kaya noong makatapos na ako, nag-showbiz na ako. At least wala na akong ibang iintindihin dahil nakatapos na ako ng pag-aaral ko,” pagmamalaki niya.

PAST MOVIES. Ang unang pelikulang ginawa ni Kerbie ay ang indie comedy na D’Survivors. Nasundan ito ng critically-acclaimed indie comedy na Zombadings 1: Patayin sa Syokot si Remington.

Ginawa rin niya ang indie dramas na Burgos at Sitio Kamkam.

Nakalabas na rin sa ilang mainstream films si Kerbie tulad ng Tiktik: The Aswang Chronicles, Boy Pick-Up, Aswang, The Mommy Returns at Somebody To Love.

Sa TV naman ay lumabas na si Kerbie sa ilang teleserye sa GMA-7 (My Beloved), ABS-CBN (Hiyas) at TV5 (Valiente, Obsession).

NEW MANAGER. Dating manager ni Kerbie si Jonas Antonio Gaffud ng Mercator Models. Ngayon ay nasa management na siya ng DMV Entertainment Inc. ni Manny Valera.

Saad pa niya, “Maayos naman akong nagpaalam kay Mama Jonas.

“Nag-usap naman kami at binigay naman niya ang blessing niya. Kaya walang samaan ng loob noong mag-decide akong mag-iba ng manager.

“Noong mag-usap naman kami ni Direk Manny, maganda ang mga plano niya para sa career ko.

“He’s building me up as a character actor na puwede sa kahit na anong mga roles. Yun din naman ang gusto ko. Gusto kong maging versatile actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So far, okey naman ang mga nagiging trabaho ko. Wala akong reklamo sa mga projects na binibigay ng DMV.”

PLANS. Turning 25 na si Kerbie sa November at may ibang mga plano rin siya para sa kanyang sarili.

“Alam ko naman na hindi panghabambuhay itong showbiz. Unless big star ka talaga tulad nila Coco Martin, Piolo Pascual or Dingdong Dantes—pangmatagalan sila, e.

“In my case, thankful ako na may mga projects. Pero siyempre, iniisip mo rin kung hanggang kelan ganito?

“Kaya may sarili rin akong mga plano. Iniisip ko rin naman ang isang solid future. Yung alam mong kahit na wala ka sa showbiz, may ikabubuhay ka.

“Nasubukan ko namang mag-work sa isang company noong wala akong mga projects. Related naman sa natapos kong kurso yung naging work ko outside of showbiz.”

Binibigyan ni Kerbie ang sarili niya ng dalawang taon pa sa showbiz. Pagdating nga raw sa edad na 27, baka ituloy na niya ang kanyang long-term plan.

“By that time kasi, siyempre, gusto ko na rin na may sarili na akong pamilya.

“At doon ko na ituloy yung pangmatagalang career. Para rin naman yun sa magiging future family ko.

“Pero habang nandito pa naman ako sa showbiz at may dumarating na mga trabaho, i-enjoy lang natin lahat,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN