"Enteng Kabisote 4" premiere jampacked at SM Megamall

by Ruel J. Mendoza
Dec 28, 2007
Kristine Hermosa plays Faye, the fairy from Engkantasya, who falls in love with the taga-lupa Enteng played by Vic Sotto. In Enteng Kabisote 4: Okay Ka, Fairy Ko...The Beginning of the Legend, viewers will learn more about the background of Faye.


Hindi kami magtataka kung maging numero uno sa takilya ang Enteng Kabisote 4: Okay Ka, Fairy Ko...The Beginning of the Legend ng OctoArts Films at M-Zet Films. Sa naganap na premiere night ng pelikula last Saturday, December 22, ay napuno ng husto ang dalawang sinehan ng SM Megamall kung saan ito sabay na pinalabas.


Ayon sa PEP article na nilabas noong December 27, may unoffficial and unconfirmed reports na nagsasabing ang Sakal, Sakali, Saklolo at Enteng Kabisote 4 ay ang mga pelikulang nangunguna sa ongoing 2007 Metro Manila Film Festival.

Sa pag-abang pa lang sa mga artista na dadaan sa red carpet, nagsisiksikan ang maraming tao para makita ang buong cast ng naturang pelikula. Sa sobrang dami ng tao it was as if first day showing na ang Enteng Kabisote 4, isa sa siyam na official entries sa 33rd Metro Manila Film Festival.

Masayang-masaya na dumating ang bida ng EK4 na si Vic Sotto kasama ang kanyang ladylove na si Pia Guanio. Natutuwa itong sabihin na ginawa nila ang Enteng Kabisote series nang dahil sa walang sawang suporta ng maraming tao sa kanila.

Continue reading below ↓

"Hindi magiging successful ang Enteng Kabisote kung hindi dahil sa mga taong parating sumusuporta at hindi nagsasawa sa bawat istorya na bigay namin. Gusto namin na tuwing Pasko ay masaya ang maraming pamilya," wika ni Vic Sotto.

"Nakakataba ng puso dahil parang isang malaking pamilya na kami sa Enteng Kabisote at lalong lumalaki pa. But, of course, malaki ang utang na loob ng aming pelikula sa mga fans. Hopefully kahit na umabot kami sa ika-sampung Enteng Kabisote, nandiyan pa rin sila," sabi ni Bossing Vic.

Dumating din sa premiere night ang ibang co-stars ni Vic na sila Kristine Hermosa, Oyo Sotto, Francine Prieto, Arthur Solinap, Jose Manalo, Eunice "Charming" Lagusad at Aiza Seguerra, na kahit late ay humabol sa advance screening ng pelikula.

Read Next
Read More Stories About
Metro Manila Film Fest, movies
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristine Hermosa plays Faye, the fairy from Engkantasya, who falls in love with the taga-lupa Enteng played by Vic Sotto. In Enteng Kabisote 4: Okay Ka, Fairy Ko...The Beginning of the Legend, viewers will learn more about the background of Faye.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results