Child actress Therese Malvar portrays human trafficking victim in Tumbang Preso

Tumbang Preso, written and directed by Kip Oebanda, will open in cinemas by October 8, 2014. In the film, Therese Malvar (in photo) is cast as a victim of human trafficking.


Muling magbibida sa panibagong indie film ang batang aktres na si Therese Malvar (formerly known as Teri Malvar).

Sa unang pelikula pa lang na ginawa ni Therese, ang Ang Huling Cha-Cha ni Anita, nanalo na siya ng Best Actress award sa Cine Filipino at naging maingay ang pagkaka-panalo niya dahil ang isa sa tinalo niya sa kategoryang yun noon ay walang-iba kung hindi ang Superstar na si Nora Aunor.

(Read: Newcomer Teri Malvar on beating Superstar Nora Aunor for Best Actress)

Ang bago niyang pelikula ay ang Tumbang Preso, isang suspense-thriller na pelikula sa ilalim ng direksiyon at panulat ni Kip Oebanda. Tumatalakay ito sa human trafficking.

Sabi ni Therese tungkol sa karakter niya sa Tumbang Preso, “Ako po rito si Jea, kasama ko ang pinsan ko sa movie na si Cocoy. How we went to the factory is—I don’t say if I can say the story, they should watch it po siguro.”


Sa pelikula, naging forced laborer at slave si Therese sa isang sardines factory.

Sa October 8 ipapalabas ang Tumbang Preso sa SM cinemas.

Grade 9 na si Therese, pero ngayon daw, nagho-home school na siya kumpara dati na sa isang regular school siya nag-aaral.

Masyado na ba siyang busy at mas pinili na niyang mag-home school?

“Hindi naman po, pero mas cheaper po. Kasi po, ayaw po ng school sa akin sa mga indie films,” sabi niya.

Kakapirma pa lang din daw niya sa GMA Artist Center ng isang taong kontrata.

Pero, sabi niya, nag-iisip pa raw kung saang proyekto siya ilalagay.

“I’m fourteen po kasi and I’m thin and small.”

Sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita raw talaga siya nagsimula sa showbiz na masasabing aksidente pa ang pagkakapasok niya.

“Bago pa lang po kasi ako, actually po, yung sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita, nag-audition lang po ako with my Mom. Kasi, yung mom ko po, nag-o-audition po talaga because my mom is a theater actress, commercial model, ganun po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just went with her for fun. Tapos, biglang na-accept po ako, tapos siya hindi.”

At pagkatapos nga, nanalo pa siya ng Best Actress at natalo niya ang Superstar.

Kapag naiisip niya yun, ano ang pumapasok sa isipan niya?

“Parang surreal, unbelievable, parang ganun po,” nakangiting sabi niya.

Dahil Best Actress na siya sa una pa lang niyang pelikula, may pressure ba sa tuwing gagawa siya ng bagong proyekto para hindi masabing, tsamba lang ang una niya?

“I don’t want to feel the pressure. I don’t want it to rule over me. I want to enjoy yung lahat ng roles na ibigay sa akin and I’ll do my best naman for someone to be proud of me, for my friends to be proud of me, not because of the award.

“Maybe also, because of the award.”

Bakit siya magaling umarte?

“Maybe because of my mom din. And I act in declamation din. And Direk Kip said, I act sincere and raw raw which is good. Kasi raw, bata pa raw ako.”

DREAM GOALS. Si Anne Curtis ang idolo ni Therese sa mga artista ngayon.

Nang tanungin namin siya kung bakit si Anne, “ang dami niya po kasing sponsors.”

Yun lang talaga ang dahilan kung bakit niya ito naging idolo?

“Successful din po kasi siya, e,” natawang sabi niya.

Pero, bilang isang Kapuso artist, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera naman daw ang isa sa mga gusto niyang makasama.

“Kasi po, parang siguro, when you meet her, sobrang starstruck. And I want to work with her din and I want to work din naman with everyone.”

Wala raw siyang crush at hindi siya tomboy katulad ng character niya sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

Natatawang sabi niya, “Dati po, One Direction, pero, normal lang. Hindi kagaya ng iba na sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa local showbiz industry, mayroon bang guy na cute para sa kanya?

“May mukha lang,” nakangiti niyang sabi.

“Lahat naman ng lalaki, may mukha. Dati po kasi, I’m inspired like kay Anne Curtis, sa mga bloggers, fashionista kasi, I want to be like them. Kasi, parang it’s weird to be inspired with a boy. Kasi, ano yun, you want to be a boy?

“At saka, hindi po kasi talaga ko ganun.”

Ngayong nakapasok na siya sa mainstream dahil nasa GMA-7 na siya, ano pa ang mga gusto niyang gawin?

“Dream ko po talaga—well, sana po maging indie princess or yung pinaka-dream role ko po, sana GMA or any challenge would give me food and travel show. Hindi ko po alam, parang favorite ko po yun. Okay rin po ang acting, pero, it’s nice to show your real self to them.

“At least, you can speak English o kahit anong language na dire-diretso. Hindi parang tagalog lahat. At saka, favorite ko po ang mga pagkain.”

Pero sa larangan ng pag-arte, paano niya gustong makilala, bilang aktres o bilang isang star?

“Actress po. Magaling na aktres, ganoon po. Sa star po kasi, parang Kim Kadarshian na puro ganda lang.”

Sa local entertainment scene, sino ang nakikita niyang puro ganda lang?

“Ay, hindi ko po alam,” natawang sagot na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN