Paolo Ballesteros admits, "Mas nahihirapan akong mag-emote na panlalaki."

by Rey Pumaloy
Aug 27, 2019
Paolo Ballesteros plays a drag queen in the PPP 2019 entry The Panti Sisters that will be screened in cinemas starting September 13.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ayon kay Paolo Ballesteros, mas madali sa kanya ang gampanan ang role na isang bakla kumpara sa pagiging lalaki onscreen.

Inamin niya ito sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa presscon para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 entry niyang The Panti Sisters na ginanap sa Dong Juan Resturant, QC.

Hindi itinanggi ni Paolo na nahihirapan siyang umarte bilang lalaki o straight guy kaysa kumilos ng bakla.

"Oo, mas nahihirapan akong mag-emote na panlalaki. Mas mahirap na i-acting.”

Paano niya hina-handle yung pressure na hinahanapan siya ng mga tao na umarte bilang straight guy?

“E, depende naman sa movie. Kung ano yung character siyempre yun ang gagawin. Pero kung panlalaki, e, di kahit mahirapan, e, di, panlalaki.

“Mahirap din naman yung pangbakla…pero mas mahirap kasi yung panlalaki," pag-amin ng Eat Bulaga host.

Balewala na kay Paolo ang anumang sasabihin nang iba tungkol sa kanyang pagiging bakla.

“Ano mai-insulto tayo sa trophy? Charing!” saka siya tumawa nang malakas.

Continue reading below ↓

Ganito naman ang paglalarawan ni Paolo sa kanyang karakter sa The Panti Sisters: "Ako si Gabriel Panti, si Gab. Ang pinakabakla. Charing!

"Ako yung pinakapanganay, ang unang bakla sa pamilya.

"Siyempre, bilang pinakamatanda, siya yung pinaka-fierce.

"Ang karakter ko dito isang drag queen. Yun ang trabaho ko sa gabi."

Nang tanungin kung may intimate scenes sa The Panti Sisters, biro ni Direk Jun Lana: "Sobrang bulgar!"

Pagpapatuloy niya, "Comedy ito, e. Gusto namin cross-section ng society ang makapanood.

"Maraming pasabog. Maraming sexy scenes pero hindi naman sobrang sexy na hindi na mapapanood ng pamilya. Kasi target namin ang families."

Ang The Panti Sisters ang isa sa PPP 2019 entries na mapapanood simula September 13.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros plays a drag queen in the PPP 2019 entry The Panti Sisters that will be screened in cinemas starting September 13.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results