Newcomer Saczhna to star in remake of Vilma Santos's Tagos ng Dugo: "Ha? Ako talaga?"

by Rommel Gonzales
Aug 23, 2019
Newcomer Saczhna on being chosen to play the lead role in Tagos ng Dugo remake: "Parang kinukuwestiyon ko pa yung sarili ko, ‘Ako talaga?’ Kinabahan ako."
PHOTO/S: Rommel Gonzales / File photo

Gagawin ng 21-year-old social media influencer na si Sachzna ang lahat-lahat upang mabigyan ng justice ang remake ng pelikulang Tagos ng Dugo (1987).

Ang Tagos ng Dugo ay pinagbidahan ng Star For All Seasons na si Vilma Santos mula sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.

Saad ni Sachzna, “Ngayon po, siyempre pinaghahandaan ko talaga kasi pressure yun, Ate Vi yun!

"Hindi po yun kung sinu-sino lang. Kaya pinaghahandaan ko ngayon!

“'Tsaka, bakit sa akin binigay pa, di ba? Kaya talagang kailangan paghandaang talaga.

“Marami kayong aabangan!”

Sino ang nais niyang maging main leading man kung sakali?

“Gusto ko pong maging leading man, sana nandun si Aljur [Abrenica], kasi okay siya din, e, 'tsaka crush ko rin yun.

“'Tsaka bahala na po sila,” pagtukoy ni Sachzna sa grupo ng RS Films ni RS Francisco, na producer ng Tagos ng Dugo remake.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sachzna sa launch niya bilang bagong endorser ng Frontrow, sa Dampa Seafood Grill, Quezon City, noong Linggo, Agosto 18.

Continue reading below ↓

Ayon kay RS, malamang na sa last quarter ng 2019 o first quarter ng 2020 nila bubuuin ang cast ng pelikula.

TAGOS NG DUGO REMAKE

Ano ang nararamdaman ng baguhang si Sachzna sa pagbibida niya sa remake ng Tagos ng Dugo?

“Ang totoong naramdaman ko talaga, kinabahan ako!

"Iyon talaga na, ‘Ha? Ako talaga?’

“Parang kinukuwestiyon ko pa yung sarili ko, ‘Ako talaga?’ Kinabahan ako.

"After nun, siyempre natuwa na ako!

"Sabi ko, hindi biro yung film na ‘to at hindi biro yung gagampanan kong role.

“Pinanood ko ang Tagos ng Dugo. Matindi talaga.

“Kaya iyon ang pinaghahandaan ko talaga ngayon, sa buong buhay ko, iyon ang pinaghandaan ko talaga nang sobra...

“Talagang nagda-diet ako nang bongga, nagpapaganda talaga ako nang bongga.

“'Tsaka siyempre, yung pag-acting din talaga. Kasi, dun talaga mabe-base lahat, e, sa acting.

"Kasi dun, maraming... alam ko, dun maraming natanggap na awards si Ate Vi."

Handa ba si Sachzna na kuwestiyunin ng publiko, lalo na ng Vilmanians na, ‘Sino siya? Bakit sa kanya ibinigay?’

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Naisip ko na yun! Kaya nga sabi ko, ‘Sino ba ako?’ Di ba?

“Ang number one na gagawin ko, hindi ako magko-comment pero ang number one na gagawin ko, gagalingan ko talaga!

"Ibibigay ko talaga lahat ng best ko.

“Hindi na ako magko-comment, basta gagawin ko na lang kung anong dapat kong gawin talaga.

“Doon ko ibibigay buung-buong puso ko. Kasi hindi biro talaga yung gagampanan kong role.

"Ate Vi, sino ba naman ako?”

Handa ba si Sachzna na makaharap nang personal si Congresswoman Vilma?

“Kinakabahan na ako, kinakabahan ako!” at tumawa si Sachzna.

“Blessed ako pag nakaharap ko si Ate Vi dahil hindi naman lahat, puwede siyang makita, makausap.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newcomer Saczhna on being chosen to play the lead role in Tagos ng Dugo remake: "Parang kinukuwestiyon ko pa yung sarili ko, ‘Ako talaga?’ Kinabahan ako."
PHOTO/S: Rommel Gonzales / File photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results