Dennis Trillo on Richard Gomez: "Adonis talaga!"

Dennis Trillo says about his The Janitor co-star Richard Gomez (shown in both photos): "Isa siya sa mga artista na pag nakita mo, maii-starstruck ka talaga sa physique niya. Adonis talaga!"


Ang action-drama film na The Janitor ay humakot ng limang awards sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong August.

Ngayong October 8, ipapalabas na ito sa mainstream cinema.


Si Richard Gomez ay gumanap bilang former superior ni Dennis Trillo sa police force. Inutusan ni Richard si Dennis na hanapin at iligpit ang mga suspects sa isang heinous crime. Ang The Janitor ay binigyan ng grade A ng Cinema Evaluation Board.

Mas exciting ba kapag sa mainstream na mapapanood ang ginawa niyang indie movie?

Sagot ni Richard Gomez, “Mas exciting kasi, mas marami na ang makakapanood ng movie especially kung ganito kaganda ang pelikula. Napanood nila sa Cinemalaya, nakita nilang maganda ang mga reviews. It’s a good opportunity for them to experience and watch this film.”

Sa Cinemalaya X, nanalo ang The Janitor ng Best Screenplay, Editing and Sound, Best Director para kay Direk Michael “Mike” Tuviera, at Best Supporting Actor para kay Nicco Manalo.

(Read: CINEMALAYA 2014 REVIEW: Dennis Trillo displays brute force in The Janitor's riveting action scenes)

Unang pagkakataon naman na makatrabaho ni Richard si Dennis Trillo sa The Janitor. Karamihan pa ng mga eksena nila ay sila ang magkasama.

Sa general press con, inamin ni Dennis na na-intimidate siya kay Richard.

“Ngayon ko lang po sasabihin, talagang noong nalaman ko na magkakatrabaho kami ni Mr. Richard Gomez, kinakabahan ako nung araw na yun,” ani Dennis. “Mula noon pa man, pinapanood ko na at hinangaan ang ginagawa niyang pelikula. Para makatrabaho siya sa isang proyekto na ito, napakalaking honor para sa akin.

“Nasabi ko na dati na noong una ko siyang makita, isa siya sa mga artista na pag nakita mo, maii-starstruck ka talaga sa physique niya. Adonis talaga!

“Kahit sinong lalaki manliliit pag nakita siya. Napakalaki pa niyang tao. Sobrang saya talaga na makatrabaho siya.”

Para kay Richard, kamusta naman ang experience?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, masarap ka-trabaho si Dennis dahil number one, mabait siya. He’s always there on the set. Kung ano ang demands ng director, binibigay niya. Kung ano ang demands ng character niya, ginagampanan niya.

“It’s really nice to work with Dennis, hopefully in the future, makatrabaho ko siya ulit.”

Nagpahayag si Dennis na kinabahan daw ito sa mga unang eksena nilang magkasama.

Na-intimidate yata sa kanya si Dennis?

“Hindi,” natawang sagot naman ni Richard.

“Sa isip lang ng tao yun kasi, eventually, mawawala rin ang intimidation na yun.”

Naramdaman niya na na-intimidate nga si Dennis sa kanya?

“Hindi naman, natatawa lang ako kapag sinasabi nila na na-intimidate nga sila sa akin. Pero, kadalasan ganun naman. Siguro, dahil ang laki kong tao, kapag first time na nakikita nila ko, akala nila suplado ako. Yun nga ang palaging impression ng tao.

“Pero, after a while, nawawala na yun.”

Tuloy-tuloy na kaya ang paggawa niya ng indie films?

“It really depends on the material. Kapag maganda yung material, gagawin ko.”

Ang kuwento ng The Janitor ay umiikot sa kuwento ng mga kapulisan. Tila sakto ang timing ng pagpapalabas ng pelikula nila dahil sa isyu ngayon sa pinaka-pinuno ng mga pulis.

Hindi kaya marami rin pulis ang mag-react sa pelikula nila?

“Dito, marami… kasi, totoo naman. ‘Eto munang The Janitor, nangyayari sa totoong buhay ‘to, bakit hindi niyo bigyan ng pansin? Buhay ang pinapatay rito, bakit hindi niyo pagtuunan ng pansin, ‘di ba?

“Kung makakatulong sa mga election nila ito.”


Sa press con, natanong si Richard para sa opinion niya tungkol sa kontrobersiya na kinakaharap ngayon ng police force.

Ani Richard, “Natataon talaga ang pelikula sa tunay na sitwasyon natin sa lipunan. Maraming lumalabas na mga issue about katiwalian sa pulisya kaya siguro madaling maka-relate ang mga tao.”

Ayon sa actor, masasabing komentaryo na rin ito sa gawain ng mga pulis dahil mapapaisip ang mga manonood kung bakit mga pulis mismo ang nagiging vigilantes o nilalagay ang hustisya sa kanilang mga kamay.

“We’re hoping that by October 8, people will still have that interest na makita na may mga pulis na ganun ang ginagawa. Bakit ba ginagawa ng mga pulis ang ganitong klase ng trabaho?

“Para ba dumali ang trabaho o dahil mabagal ang hustisya? Dahil pag hinuli mo pa yung mga sira-ulo sa kalsada, makakalabas rin sila eventually at gagawa uli ng kasalanan. All of that are shown here sa The Janitor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN