Nora Aunor and Brillante Mendoza begin shooting for Taklub, a film about Yolanda victims

(Left frame) Taklub director Brillante Mendoza with real mother-and-daughter survivors of Yolanda to be portrayed by Nora Aunor (seated) and Shine Santos (wearing brown). They are shooting this drama film in Tacloban, the area devastated by supertyphoon Yolanda.


Tuluy-tuloy ang shooting ng bagong indie film, titled Taklub, na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor. Ikaapat na araw ng shoot ang ginanap nitong Miyerkules, October 1, sa vicinity ng Tacloban, ang capital city ng Leyte.

Ang Taklub, mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza, at base sa screenplay na sinulat ni Honee Alipio, ay magsasadula ng mga totoong pangyayari sa likod ng pagkasalanta ng buong island province (at mga karatig-bayan sa buong kapuluan) nang humagupit simula noong Nobyembre 8, 2013, ang super typhoon Yolanda (Hai Yan).

Si Ate Guy (Nora) at mga kasamang artista, taga-produksiyon (staff and crew) ay dumating sa Tacloban, Leyte noong September 26. Sinalubong sila ng mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines Security and Intelligence Service (CAAP-CSIS) na nag-escort din sa aktres sa courtesy call nito sa local government capitol ng Tacloban, Leyte.

Kasama ni Ate Guy sa location shoot niya ang kanyang personal manager na si Boy Palma at kaibigang aktres na si Glenda Kennedy, na mayroon ding papel sa Taklub.

Si Manay Glenda ang unang nagbalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanilang pagdating sa Tacloban noong September 26 kung saa'y pinagkaguluhan si Ate Guy ng mga residente ng Tacloban, sa City Hall.

"Ang daming tao! Nagkakagulo sila at nagtitilian, grabe!" bulalas ni Glenda.

Bukod sa mga taga-Tacloban, marami ding mga taga-kalapit bayan ang dumayo sa dakong pinag-shooting-an, sa malawak na kabisera kung saan naroon ang malaking Astrodome.

Mayroon ding mga tagahanga ni Ate Guy na dumayo sa location mula sa Cebu City.

Bukod kay Glenda Kennedy, kasama rin ni Nora sa cast ng bago niyang pelikula sina Lou Veloso, Julio Diaz, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, John Rendez, ang newcomer na si Aaron Rivera, Rome Mallari, at ang young star na si Shine Santos, bilang kanyang daughter na survivor ng kalamidad.

September 27 ang naitakdang petsa ng unang shooting day; pero ito ay ginugol nina Direk Brillante, Nora at mga kasamang aktor sa natatanging immersion upang higit nilang maunawaan ang kanilang gagampanang mga papel, ayon sa hinihinging sitwasyon sa kapaligirang kanilang gagalawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON LOSING A LOVED ONE. Noong Linggo, September 28, ang siyang pagsisimula ng shooting sa Tent City, ayon naman kay Boy Palma base sa mensahe ipinadala niya sa PEP.

"Unang scenes pa lang, mabibigat na," sabi ni Boy. "Nora's character si named Bebeth Ralyostan."

Ang character ay hango sa totoong buhay ng isang ginang na survivor; kilala siya sa Tacloban sa taguring Ate Baby, may teen daughter na tulad niya'y survivor din ng killer typhoon.

Sa naunang panayam ng PEP, nabanggit ni Nora ang pinaka-buod ng kuwento ng Taklub, at ang papel na gagampanan niya.

"'Yung totoong nangyari doon [sa Tacloban, Leyte]; may tatlo akong anak na nawala du'n, pero hindi ako naniniwalang nawawala sila..."

Bawat isang mahahalagang tauhan ng kuwento ng Taklub ay mayroong dinaramdam na pagkawala ng mahal sa buhay.

Si Nora, bilang si Bebeth (o Ate Baby sa totoong buhay) ay nawalan ng tatlong anak, pero tila "in denial" ito sa pangyayari and chooses to go on with her life, kapiling ang isang natirang anak na babae na gagampanan ng baguhang teenage actress na si Shine Santos.



Nora Aunor


Si Julio Diaz ay gagampanan ang character na nawalan ng asawa.

Sina Aaron Rivera at Romalito “Rome” Mallari (a deaf-mute actor na nagbida sa Dinig Sana Kita by indie filmmaker Mike Sandejas) ay magkapatid na nawalan ng mga magulang.

Kasama rin si Lou Veloso bilang isa sa mga taumbayan.

Mga supporting cast members naman sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Glenda Kennedy, at John Rendez, bilang isa sa mga (military) officers sa rescue operations.

DISAPPOINTED. Bago mag-shooting, nagpahayag naman si Ate Guy ng saloobin niya sa media interview na pinalabas sa Bandila noong September 26.

Ni-report ni Ces Orena-Drilon na umano'y nangangalap ng pondo ang ilang grupo ng Noranian supporters ni Ate Guy para makatulong sa Yolanda survivors.

Pero dismayado daw ang Superstar sa mga itinayong bunkhouse para sa mga survivors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita ko sa TV, may mga itinayong bahay, na ang liliit. Siguro, matutulog ka, nakatayo; magpa-pamilya," saad ni Nora.

"Ang itinatanong ko lang kasi, nasaan yung mga donations--ang dami noon [billions of pesos, as reported] na nanggaling sa ibang bansa?"

Matinding devastation ang nilikha ng bagyong Yolanda at totoong kalunus-lunos ang nadatnan nilang kapaligiran doon, ayon din kay Glenda Kennedy.

Para sa mga karagdagang impormasyon, nagpadala ng mensahe ang PEP sa screenwriter ng Taklub na si Honee Alipio.

Narito ang Q & A ng PEP with Ms. Alipio who is currently taking up (Master's degree) Southeast Asian Studies at the University of the Philippines-Diliman:


PEP: Taklub. Is this the final title of 'Yolanda'?

HONEE ALIPIO: Taklub ang title, hango sa pangalan ng Tacloban. It also connotes 'takluban' o 'napagtakluban.’

PEP: How did you come up with the story of this new indie film by director Brillante Mendoza?

HONEE ALIPIO: Nagpabalik-balik ako sa Tacloban, para sa research, maging close sa mga references at mag-immerse sa way of life ng mga taga-Tacloban, mag- observe sa kanilang dynamics bilang constituents; at ng kanilang pananaw sa state at civil society at NGOs na kumikilos o hindi kumikilos.

In-between research, ginagawa ko na ang fact sheet... ito ang tool na ginagamit namin sa “found story” approach in writing... ng mga characters. Si Armando “Bing” Lao [indie writer-director/producer], na mentor ko, ang script consultant.

PEP: About Ate Guy's character, ito ba ay base sa totoong kuwentong buhay ng iisa lamang tao o ng higit pa sa dalawa bilang composite characters?

HONEE ALIPIO: Isang reference lang po para sa character ni Ate Guy... based on real life events ng nanay na namatayan o missing ang mga anak. Kung paano na sila ngayon, yun ang makikita sa pelikula.

May ilan pang major characters, tulad ng gagampanan nina Lou Veloso, Aaron Rivera at Julio Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa laki ng Yolanda event, nire-require sa pagsasadula nito na isalamin ang iba pa; asawa o anak, etc. Interrelated sila, pero kawing sila sa character ni Ate Guy.

Sa buhay ni Bebeth Ralyostan [played by Nora] naka-sentro ang pelikula. Ang pinanggagalingan ng mga kuwento ay real life events at communal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN