Jimuel Pacquiao receives offer to do Hollywood action film

by Jerry Olea
Aug 30, 2019
Talent manager Arnold Vegafria on Hollywood action film being offered to Jimuel Pacquiao (in photo): "Because of the videos yata niya, iyong mga boxing niya. About boxing yata iyong film. So, nakikita iyong boxing skills niya, saka iyong action skills niya. So, nagkainteres."
PHOTO/S: Glenn Regondola

May offer na Hollywood action movie kay Jimuel Pacquiao, ang panganay na anak ni Senador Manny Pacquiao sa asawang si Jinkee Pacquiao.

“Ang shoot daw ay Manila, Japan and US,” sabi ni Arnold L. Vegafria (ALV) nang makatsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Agosto 29, Huwebes ng hapon, sa Novotel Hotel, Araneta Center, Quezon City.

Si ALV ang business manager ng Pambansang Kamao, at ito ang nakikipag-usap kaugnay sa nasabing Hollywood project.

Kuwento pa ni ALV, “Kung ma-confirm, malalaman natin by this year.

"Wala pa iyong final script, e. Then, siyempre, ano iyong package.

“Kasi siyempre, stop sa pag-aaral, sa pagte-train.”

Usap-usapan noon na posibleng gumawa si Manny ng action movie sa Hollywood, lalo pa’t hinahangaan ito ng ilang action stars sa Amerika.

“Si Jimuel ang may offer, nabigla rin kami,” sambit ni ALV.

“Kasi, because of the videos yata niya, iyong mga boxing niya. About boxing yata iyong film.

Continue reading below ↓

“So, nakikita iyong boxing skills niya, saka iyong action skills niya. So, nagkainteres.

“E, guwapo naman si Jimuel!

“Sana, matuloy. Pag natuloy, better for us.

“Di ko pa alam kung papayag si MP [Manny Pacquiao]. Ha! Ha! Ha! Ha! Kung papayagan niya iyong anak niya.

“Kasi, nasa college na si Jimuel. Nasa La Salle na, e.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talent manager Arnold Vegafria on Hollywood action film being offered to Jimuel Pacquiao (in photo): "Because of the videos yata niya, iyong mga boxing niya. About boxing yata iyong film. So, nakikita iyong boxing skills niya, saka iyong action skills niya. So, nagkainteres."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results