Robin Padilla hopes ABS-CBN will allow Kathryn Bernardo to join Bonifacio movie

Off the cuff, Robin Padilla (left) has outlined the story for a reunion movie with Richard Gomez and Aga Muhlach along the line of Bradley Cooper's Hangover series. His choice for director? Cesar Montano because, "Dapat yun lalaking direktor na artista at lalaki yung humor. Gago rin, babaero rin. Siya lang yun!" Robin is joined in this photo by his brother Rommel and nephew Daniel Padilla.


Inamin ni Robin Padilla na kinausap niya ang ABS-CBN para isama si Kathryn Bernardo sa pelikulang ginagawa niya ngayon, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, na isa sa official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Positibo si Robin na papayagan si Kathryn ng ABS-CBN dahil maganda ang pelikula nila, pati na ang role ng ka-loveteam ng kanyang pamangkin na si Daniel Padilla.

Saad ng aktor, "May experience naman ako, itong huli, nung nagkakagulo na, nakiusap kami ulit sa ABS.

"Parang may liwanag ngayon... pero ang problema, e, kapag sumwak sa schedule."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin, kasama ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez, pagkatapos ng semifinal round competition sa Talentadong Pinoy sa TV5 noong Linggo, September 28.

Paano niya nakuha para sa pelikula niya si Daniel nang walang hassle sa ABS-CBN management?

"E, kasi nakakontrata sa akin yun... family contract," sambit ni Robin.

Ilang taon?

Nakangiting sagot niya, "Buong buhay niya.

"Lahat 'ata ganoon... si Kylie [Padilla] rin ganoon kasi pamilya yun, ‘di ba?

"May tawag doon, nakalimutan ko.

"Ano nga bang tawag doon? Nasa dulo ng dila ko," pag-iisip pa niya.

YOUTH-ORIENTED. Ano ang role ni ni Kathryn, kung sakali, sa Bonifacio?

Ayon kay Robin, "Siyempre ibibigay namin kay Kathryn yung magre-represent ng youth.

"Yung pelikula namin para sa youth kaya hindi kami mahihirapan.

"Etong pelikulang ‘to, finormat siya para sa kabataan, manamnam ng kabataan, ‘A, eto pala.’

"Kasi ayaw naming mangyari yung gumawa ka ng historical movie na ginawa mo para sa matatanda at intelektuwal, hindi po.

"Hindi man nila ma-appreciate ‘to ngayon, pero kapag sila ay may mga anak na, sila mismo ang hahanap ng pelikula.

"Para ipapanood nila sa mga anak nila.

"Eto yung pelikula na hanggang patay na ako na matagal, e, ginagawa pang file ng mga Pilipino."

LOVETEAM. Kasama rin sa Bonifacio si Jasmine Curtis Smith sa Bonifacio. Magkaperaha ba rin sila ni Daniel sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Robin, "Naku, baka hindi na panoorin kapag sinabi naman natin.

"Hayaan mo na lang muna natin na sakyan nila na loveteam, hayaan mo sila.

"Hindi naman tayo nasa mercy ng fans kaya hindi tayo puwedeng diktahan.

"Mamahalin natin sila buong buhay natin, pero hindi nila tayo puwedeng diktahan, ‘di ba?

"Kailangan tayo, nagbibigay tayo, lalo na ako.

"Kaya nga ako gumagawa ng makabuluhang pelikula.

"E, di sana gumawa na lang ako ng baduy na pelikula, ‘di ba?

"Kaya nga ako gumagawa ng Bonifacio, inuubos ko ang kinikita ko na pera para sa mga makabuluhan na pelikula.

"Para ‘pag tanda-tanda nila, maintinidhan nila kung ano yung ginagawa ng Tito Robin nila para sa kanila.

"Para sa kanila ‘to, ang pelikulang ‘to at ang mga ginawa ko pang pelikula.

"Para kapag may mga anak na ang mga tagahanga na ‘yan, sila ang magsasabi na, 'Panoorin ninyo ang pelikula ni Robin Padilla. Kasi may matutunan kayo diyan.'

"Sa ngayon, talagang hindi ko mapagbibigyan kung kabaduyan din lang, hindi.

"Kung malalagay si Kathryn sa pelikula, hindi rin sa puntong sila ni Daniel at hindi na pag-uusapan si Andres Bonifacio.

"Kung ilalagay namin si Kathryn, may kinalaman pa rin kay Andres at hindi may kinalaman kay Daniel.

"At kung anuman ang role ni Jasmine at ni Daniel, may kinalaman din yun kay Andres.

"Dahil ang pelikulang ‘to ay in honor of the greatest hero of this country, at yun ay si Andres Bonifacio," pahayag ni Robin.

THOROUGH FILMMAKING. Si Robin lang ba ang producer ng pelikula?

"E, dati, fifty-fifty. E pumasok na yung mabibigat, 10 [percent] na lang!" tawa niya.

"Hindi, kasi ano, maraming pumasok, maraming tumulong."

Gaya ni Daniel?

"Hindi, hindi," mabilis na tanggi ni Robin.

"Si Daniel naman, yung kanyang pangako lang sa Papa [Rommel Padilla] niya saka sa Tito Robin niya, inu-honor niya. Mabait na bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede naman siyang magsabi na wala rin siyang schedule, e.

"Pero humihingi pa ng isang araw ‘yon kasi nabitin siya.

"Tapos na siya pero nakita niya kasi yung style ng production.

"Si Jericho [Rosales] din, nung nasubukan niya yung style ng production, humihingi rin ng isang araw.

"Kasi lahat naman kami, nung na-experience yung style na ganoon, natuwa.

"Kasi nasanay na tayo sa bilisan, dito sa Pilipinas.

"Nasanay na tayo sa, ‘Puwede na ‘yan.’

'"Eto ngayon, nakatagpo sila ng producer na...

"Unang-una, kung hindi one sequence a day, two sequences a day.

"Binubusisi, hindi puwedeng, 'Puwede na yun."

EVERY DETAIL MATTERS. Ito rin daw ang style ng direktor nila sa Bonifacio na si Enzo William.

Kuwento ni Robin, "Parang commercial, apat yung nakaupo doon sa harap ng monitor.

"Producer, producer, director, at yung sa sound.

"Kasi yung sound, napakaimportante.

"Kapag may pumasok na foreign sound, ulit yun.

"Kapag aprub dun sa isang producer, hindi aprub sa isang producer, ulit kami.

"Kaya umaabot kami ng Take 14, 15, 16. Pero walang nagrereklamo na artista.

"Si Jericho, tanungin ninyo, abot kaming dalawa, Take 20.

"Pero walang nagrereklamo kasi naiintindihan namin, e.

"Merong eksena, good na lahat.

"E, hindi nagustuhuhan nung aming director of photography, yung ilaw. Inulit namin yun."

BUDGET. Magkano ang budget nila for the movie?

"Siguro, siyempre ang producer naman, kapag nag-budget ‘yan, yung akalain nila na reasonable lang.

"Pero dahil sa shooting na kami, wala na silang pakialam.

"Nasira nga yung ano namin na worth P5 million yung set sa Pagsanjan [Laguna], yung ‘El Polvorin’

"‘Di ba, alam naman natin nilusob ni Bonifacio yun?

"Humanap yung director namin noon, wala.

"So, napagdesisyunan nila na gumawa ng ‘El Polvorin’ sa Pagsanjan.

"E, may dumating na bagyo, si Mario. Winipe-out!

"Nagpagawa sila ng bago.

"Kinukuwento ko nga kay Mariel, 'Alam mo, Babe, ngayon lang ako nakatagpo ng producer na walang mainit ang ulo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRODUCERS. Ano pangalan ng company ng co-producers niya?

"E, halu-halo, paano kaya tatawagin yun?

"Meron kaming... masamang sabihin na leftist, e.

"Pero ano rin kasi kami, parang sa mga labor unions, meron kami doon.

"Meron din kaming mga mason, kasi mason si Andres Bonifacio, mason si [Emilio] Aguinaldo.

"Ayaw din nila na may lumabas na unfair.

"So, kailangan maging fair dahil parehong mason yung dalawa.

"Si Ortigas, pumasok din diyan at ako."

Naka-ilang shooting days na sila?

"Thirteen, pero wala pa kami sa kalahati.

"Kasi one sequence, two sequence lang kami, e.

"Bago lang kami nagsimula. Nung June, nagre-research pa lang ako sa Spain noon."

Sa ganitong sistema ng shooting nila, sa tingin niya ay aabot naman sila sa deadline ng submission ng pelikula sa MMFF committee?

Sagot ni Robin, "E, yun ang ipapakiusap namin nga, yung kay Kathryn.

"Kasi gustung-gusto kong makasama talaga si Kathryn.

"Makikiusap kami sa Metro Manila Film Festival."

RESEARCH. Siya mismo nag-research ng buhay ni Bonifacio?

Sabi ni Robin, "Oo, pero hindi mismo sa Bonifacio yun. Personal ko lang na ano yun, sa history.

"Philippine history ang nire-reaserch ko doon, kasi doon balanse.

"Kapag sinabi mong balanse, walang halong pulitika.

"Dito sa Pilipinas kasi, kapag nagtanong ka, depende sa kausap mo.

"Kapag Bonifacio, niyayari si Aguinaldo.

"Kapag maka-Aguinaldo, niyayari si Bonifacio.

"At least doon sa Spain, maka-Español nga lang."

Sa dami ng mga bayani, bakit ang buhay ni Andres Bonifacio ang napili niyang gawin?

Saad niya, "Ang katunayan, marami akong gustong gawin na kuwento ng mga bayani.

"Sinasabi ko nga kay Mariel ‘yan, kay Bossing [Bethcay Vidanes, his manager], lagi kong sinasabi sa kanila.

"Sana merong malakas ang loob na producer na katulad ng Star Cinema or ABS-CBN, or TV5 or GMA-7 na gumawa ng teleserye tungkol sa ating mga bayani. Yun ang lagi kong sinasabi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HAIL TO BONIFACIO. Sabi pa ni Robin, "Hindi naman ako one-sided na Andres Bonifacio lang.

"Nagkataon lang na si Andres ang pinaka masasabi ko na walang nakuhang justice.

"Na talagang injustice ang nangyari sa kanya.

"Inapi dahil siya ay isang masa, siya ay hindi ilustrado.

"Sa mga ilustrado naibigay lahat ng glory. Naibigay lahat ang masasabi nating justice.

"Pero 'eto si Bonifacio, na utang nating lahat, lahat tayo, yung kalayaan natin.

"Dahil kung hindi sa rebolusyon niya, wala ‘to.

"Nung namatay si Gat Jose Rizal, wala namang ipinangakong kalayaan.

"Binaril, at yung iba pa, wala namang nakapag-deliver ng rebolusyon, si Andres Bonifacio lang.

"Isa lang ang kinatakutan ng Español, si Andres Bonifacio lang.

"Hindi siya puro tapang kasi kung puro tapang lang, hindi siya magiging ka-successful at hindi siya mamamatay.

"Tandaan natin, kung pinairal ni Andres Bonifacio ang katapangan, hindi siya mata-traydor.

"Si Andres Bonifacio ay matalinong tao.

"Isa lang ang pagkakamali niya, nagtiwala siya sa kapwa niya Pilipino.

"At yun ang patuloy na pagkakamali ng mga tao ngayon."

Sa tingin niya, bakit pinapatay ang mga bayani?

"Hindi naman siguro pinapatay, nagkataon lang siguro na ipinaglalaban nila at handa silang mamatay.

"Kapag may ipinaglalaban ka at hindi ka naman handang mamatay, hindi ka puwedeng tawaging bayani.

"Ang tawag doon, pekenis, ‘di ba? Oo!" sabay tawa ni Robin.

Gusto ba niyang maging bayani?

"Bayaning buhay, ha. Huwag naman bayaning patay."



MOVIE WITH NORA. Bukod kina Jericho, Daniel, Jasmine, Vina Morales na gaganap bilang si Gregoria ‘Oryang’ de Jesus, and hopefully si Kathryn, marami pa raw artista ang lalabas sa Bonifacio.

"Si Eddie Garcia," dagdag niya.

Kasama rin ba ang Superstar na si Nora Aunor?

"E, hindi," mahinang sabi niya.

"Si Ate Guy, sa ibang pelikula.

"Ayaw pumayag ni Bossing [Betchay].

"May sarili kaming pelikula ni Ate Guy.

"Gusto namin ganoong klaseng pelikula, yung malapit sa puso ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kailangan kapag gumawa ka ng konsepto, malapit sa puso ni Ate Guy.

"Hindi ka puwedeng gumawa ng konsepto, 'Wow, far-out!

"Kasi kailangan mo siyang ma-inspire.

"Lahat ng tagahanga ni Ate Guy, kahit saang lupalop ka, pumunta ka sa abroad, si Nora Aunor ang kanilang hinahanap."

FPJ BIOPIC. Napanood ba niya ang epic movie noon ni Fernando Poe Jr. na Aguila na idinirek ni Eddie Romero?

Sagot ni Robin, "Oo, napanood ko ngayon.

"Okay din yun. Pero gusto ko kasi yung mga heroes na.

"Siguro balang-araw, buhay din ni FPJ.

"Para sa akin kasi, hero si FPJ, oo.

"Balang-araw siguro kapag malamig na yung nangyari sa kanya, puwedeng gawin."

Nabanggit na ba niya ‘yan sa anak ni FPJ na si Senator Grace Poe?

"Hindi pa, pero isa yun sa mga gusto kong gawin.

"Kahit sa mga post ko, e. Lagi ko yun nilalagay.

"Masyadong fresh pa lang. Mahirap pa gawin kasi marami pang maghahabol.

"Kasi marami akong teorya tungkol kay FPJ."

HANGOVER MOVIE. Isa sa dream movie ni Richard Gomez ngayon ang magkasama-sama sila nina Robin at Aga Muhlach.

Napag-usapan na ba nila ang tungkol dito?

Ayon kay Robin, "E, sinabi ko rin sa kanya ‘yan nung nag-guest siya sa Toda Max [dating sitcom ni Robin sa ABS-CBN].

"Napag-usapan namin, aba, malaking posibilidad yun basta gusto niya. Gusto rin ni Muhlach siyempre."

May naisip na siyang ideya kung anong konsepto ng pelikula na pagsasamahan nila?

"Aba, may title na ako, ‘Ang Alak Mas Masarap Kapag Matanda Na.’

"Hindi naman matandang-matanda, pero matanda na kami.

"Kung ako ang tatanungin, sasabihin ko kay Richard at saka kay Aga, gusto ko Hangover style.

"Kasi kung gagawa pa kami ng action, sakit sa katawan yun.

"Ako yung pinakamabait. Si Richard yung pinaka-playboy."

Sino ang magdidirek?

"O, e, di si Cesar Montano ang gawin nating direktor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nila kukunin si Cesar na makasama sa pelikula bilang artista?

"Ipapakiusap namin kay Buboy yun... mahirap din kasi na yung artista, direktor. Mahirap yun, e.

"Kasi mas gusto ko na naka-focus yung direktor doon sa project para nakakatulog ako nang mahimbing.

"Kasi mahirap kapag involved, e."

Bakit hindi ibang director?

"Dapat yun lalaking direktor na artista at lalaki yung humor.

"Gago rin, babaero rin. Siya lang yun!"

Sino leading ladies nila?

"Huwag na yung mga bata. Magmumukha lang kaming matanda kapag bata ang kinuhang leading ladies namin.

"Dapat meron kaming mga anak. Ganoon dapat ang istorya noon.

"May mga anak na kami 'tapos nagkasundo kami na magsama-sama.

"‘Ano naman tayo, total nung bata tayo hindi tayo nakapag-boy’s ano, subukan nga natin ‘yan.’

"Dapat nag-abroad....kasi kung dito lang hindi masyadong ano, e.

"Sige ngayon pa lang habang pinaguusapan natin ‘yan.

"Ipapa-follow-up ko kay Goma," excited na sabi ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN