Snooky Serna co-stars with Ejay Falcon in Homeless, an indie film about Yolanda victims

Snooky Serna is one of producers of Julie Anne San Jose's upcoming concert. Snooky says she wants to become a movie producer in the future.


Nanghihinayang si Snooky Serna dahil sa hindi pagkakatuloy ng pagiging bahagi niya ng nagtapos na TV series na Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA-7.

Nabanggit ito ni Snooky kamakailan sa presscon ng pelikula nilang Homeless ng BG Productions.

“Ako dapat iyong best friend ni Maricel [Soriano], actually, na-revise kasi iyong script, e. But originally, dapat yung role ni Susan Africa ang gagampanan ko roon,” pahayag ng aktres nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bakit hindi natuloy iyong pagiging part ninyo ng naturang TV series?

“Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari, e. Kasi noong time na iyon, I was being handled by a different manager.

“Actually ngayon, to be very honest, I’m managing myself. Pero noong time na iyon, there were people who were managing it. So, I really don’t know kung ano talaga ang nangyari sa show.

“Siyempre ay nanghihinayang ako sa nangyari, nakakahinyang din. Pero gaya nang nasabi ko kanina and I mean it with all my heart, I’m happy still pa rin dahil nakabawi si Maricel.

“I’m happy watching her every night and I can see that she is still the Diamond Star.”

Idinagdag pa ni Snooky na idol niya si Maricel, noon pa man daw.

“Ay oo, idol ko talaga iyon! Grabe! Idol ko iyong ate kong iyon.

“Kasi, she’s so versatile, ‘di ba? Let’s face it. She can dance, she can sing, she can do comedy, she can do drama. Nag-a-action-action pa rin ang kapatid kong iyan, dahil maliksi ang katawan ni Maria, e.”


ON HER INDIE FILM HOMELESS. Isa si Snooky sa mga tampok sa pelikulang Homeless na pinagbibidahan ni Ejay Falcon. Ito’y mula sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan at ang ibang bida dito ay sina Dimples Romana, Hayden Kho, Chokoleit, Ynna Asistio, Rico Barrera, Mico Aytona, at Martin del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pelikula ay tungkol sa lagay ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

Nagkuwento rin si Snooky ng papel niya rito.

“I played the role ng mommy ng ating bida,

“Actually ang movie na ito kasi, ang advocacy nito ay tungkol sa mga taong nawawalan ng pag-asa. Dahil medyo na take-advantage of ng mga tao from higher places, dahil nga nasalanta sila ng Bagong Yolanda.

“So, ang makikita rito ay ang aftermath ng Yolanda, na dito ay isa kami sa mga pamilya na kumakapit sa patalim,” saad pa niya.

Dagdag pa ng 48-year-old na aktres, “Ang gusto naming palabasin sa movie, iyong Filipino spirit is a very resilient one. Na tayong mga Pilipino, kahit gaano katindi ang mga dumarating sa ating trials, may pag-asa pa rin.

“Ipinapakita rito sa Homeless na tayo ay marunong mag-rebound, no matter how much trial we go through, no matter the magnitude ay nalalampasan natin ito.”

Nasabi pa niya na naaawa siya sa lagay ng mga biktima ng Yolanda dahil sa hindi magagandang mga nangyayari sa kanila, kahit matapos silang hagupitin ng matinding bagyo.

“Biktima na, nabibiktima pa sila, e, kaya nakaka-awa talaga ang kalagayan ng mga kababayan natin doon. Nakakalungkot talaga, e, na-down na nga sila, pero yung mga donasyon sa kanila ay napupunta pa sa corruption yung iba.”



SNOOKY THE PRODUCER. Nabanggit pa niyang nakatanggap siya ng mana kaya plano niyang mag-produce ng concert at pelikula.

Gaano po ba kalaki iyong nakuha ninyong mana, milyon-milyon po ba?

“Ay hindi naman! Iyong tama lang, galing sa mother side ko iyon,” mabilis na saad niya patungkol sa kanyang namayapang ina na dating aktres na si Mila Ocampo.

“Actually, nag-invest lang kami ng kaunti doon sa concert ni Julie Anne San Jose, but I’m not the main producer here. The main producers here are GMA-7, Robbie Tarozza, Faith Cuneta, at iba pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit niya naisipang pumasok sa pagpo-produce ng concert ni Julie Anne San Jose?

“Idol ko kasi siya, e, sobra!

“Kasi iyong bata ay very talented, very musically inclined. I mean not only in terms of may magandang boses, but she also plays instruments.

“She knows how to play the guitar, nagda-drums din siya, tapos ay nagpi-piano. And I think she also took up violin playing.

“We’re going to expose all of that in the coming concert ni Julie Ann sa MOA,” nakangiting banggit pa ni Snooky.

Nasabi rin niya ang planong pagsabak sa pagpo-produce ng pelikula.

“Hopefully, kung ipagkakaloob ng Ama, God willing, that’s my prayer. I’m hoping also na gusto kong makatrabaho sina Direk Joel Lamangan, si Ma’am Baby Go, Dennis Evangelista… na isa itong advocacy film din gaya ng Homeless.

“Bale, naging inspiration ko ang producer namin dito sa Homeless na si Ms. Baby Go. Isa siyang real estate broker, businesswoman na walang masyadong background sa showbiz.

“Pero may puso siya para sa mga artistang tulad ko na gumawa ng mga makabuluhang movies at magbigay ng trabaho sa mga taga-movie industry.

“So, what more sa akin na taga-showbiz talaga? And gusto ko, na at this point in my life, na gumawa ng pelikulang may kabuluhan. I’m not saying that the movies I did before ay nonsense or useless. Hindi naman, they served their purpose and they entertain people, which is very good.

“Pero this time naman, ang gusto ko ngayon, this time ay yung entertainment with a cause, iyong with a deeper cause, parang ganoon.

“Kasi ang media, yung television at the big screen ay may malaking influence sa people, e. And para bang, if it’s a nice vehicle talaga, I’m thinking na why not use it to educate the people. To enlighten the people para sa ikabubuti ng marami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN