Jessy Mendiola on John Lloyd Cruz: "Bucket list ko talaga makatrabaho si John Lloyd. Pumasok ako ng showbiz para makatrabaho siya."

John Lloyd Cruz (right) explains how he tackled his role as a mentally challenged person in The Trial. His co-star, Jessy Mendiola (left), says that she entered showbiz to get the chance to work with the box-office actor.


Kakaiba ang naging relasyon ng mga karakter nina Jessy Mendiola at John Lloyd Cruz para sa Star Cinema family drama na The Trial.

Umiikot ang istorya ng pelikulang ito sa isang 27-year-old mentally challenged guy named Ronald Jimenez (played by John Lloyd). Inakusahan siya ng salang rape o panggagahasa sa kanyang grade school teacher na si Bessie (played by Jessy Mendiola).

Kasama rin sa pelikula sina Richard Gomez at Gretchen Barretto bilang mag-asawa na gusto nang tapusin ang kanilang kasal. Si Julian (played by Richard) ay isang abogadong magdedepensa kay Ronald sa korte samantalang si Amanda (played by Gretchen Barretto) ay isang developmental psychologist at ina ni Martin (played by Enrique Gil).

Ang mga magulang ni Ronald ay ginampanan nina Vince de Jesus at Sylvia Sanchez (na gumanap bilang lesbian mom).

Directed by Chito Roño, ang The Trial ay magkakaroon ng premiere night on October 14 sa SM Megamall. Nakatakda itong mapanood sa mga sinehan simula October 15.

Ayon kay Jessy Mendiola, ang karakter niya ang source of conflict ng pelikula dahil sa mga pangyayari sa pagitan niya at ng karakter ni John Lloyd.

Sa press conference ng pelikula na ginanap kagabi, October 2, sa Dolphy Theater, tinanong si Jessy tungkol sa experience niya na makatrabaho si John Lloyd.

Inamin ng ABS-CBN actress: "Bucket list ko talaga makatrabaho si John Lloyd. Pumasok ako ng showbiz para makatrabaho siya.

"Nanood ako ng Maging Sino Ka Man [referring to the 2006 teleserye of JLC].”

Nang tanungin si Jessy tungkol sa love scene sa pelikula, mabilis niyang sinabi, “Wala pong ilang…

“Mas kinakabahan kasi napakagaling niyang aktor kaya dapat ikaw rin. Titingnan ka niya wala siyang sasabihin pero sinusuportahan ka niya.

“He has that look that says: ‘You got this.’”



JOHN LLOYD AS MENTALLY CHALLENGED GUY. Natuwa si John Lloyd sa papuri na binigay ni Jessy at maging ng kanyang co-star na si Gretchen Barretto. Sambit tuloy ni John Lloyd, “You made my day, girls!”

Ano ang naging challenge ng The Trial para kay John Lloyd?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung tema ng pelikula ay ibang-iba sa lahat ng mga nagawa ko, bihira akong mabigyan ng ganitong klaseng role.

“Mahirap yung role kasi ang dami nang nakagawa nito. Ang dami nang nag try, mapa-pelikula man or telebisyon, madami nang gumawa ng role na ganito. I want to do something new and something different, away from previous na nagawa na.”

“Nalaman ko na mahirap pala yung mild ang pagka-mentally challenged. Yung role ko kasi rito, yung role kasi ni Ronald rito, mentally challenged, yung mild na mental disorder lang. Mental disorder na nasa 5% or 10% away lang from the normal IQ.

“Kung ang average IQ ng normal na tao is 80% to 85%, yung sa kagaya ni Ronald na may mild mentally challenged case ay 70% to 75%. Medyo maliit lang yung mental disability. Kung titingnan mo siya, para lang siyang normal. So, para sa akin mas mahirap i-arte yung mild mental disability. It is not yung typical na mentally retarded.

“Yung proseso medyo mabigat para sa ‘kin, saka sa Star Cinema, kasi marami akong hiningi para mas magampanan ko yung role ko ng maayos, na ibinigay naman nila. Isa dun, nag consult ako sa isang psychologist doctor, siyempre with the help of Direk Chito rin, nabuo namin yung puso ni Ronald.”

May nagtanong naman kay John Lloyd tungkol sa sinabi ni Dennis Trillo na maswerte siya na nakatrabaho niya si Richard Gomez sa The Janitor. Kamusta ka trabaho si Richard Gomez sa pelikulang ito?

Ani John Lloyd, “Sorry kay Dennis, pero mas maswerte ako, dahil bata pa lang ako ay nakatrabaho ko na si Richard Gomez. Palibhasa Lalake days yun, lagi niyang tinataas yung t-shirt ko.”

Natatawang biro pa ni JL, “Ang ganda kasi ng katawan ko noon.

“Napaka swerte ko na nakaabot pa ako sa mga generation ng mga tinitingalang artista ng generation ngayon. Kasi maituturing mo talaga silang mga classic na mga artista…parang mali yata yung classic ah (sabay tawa)!

“Honestly, maswerte lang talaga ako na naabutan ko yung mga katulad niya.”

Sa TV show na Budoy, gumanap si Gerald Anderson bilang mentally challenged person at sa pelikulang 24/7 in Love, si Piolo Pascual naman ang gumanap bilang karakter na may mental capacity ng isang bata.

Paano iniba ni John Lloyd ang portrayal niya kay Ronald sa mga nagawa na dati?

“Napanuod ko ang mga iyon. Yung isa dun naging parte pa ako [sa 24/7 In Love]. Pero sa pag-iingat ko sa karakter, kailangan mong iwasan ang mga ganun na mapanuod uli, kasi ayaw mong ma-corrupt yung process mo. Ayaw mong ma-corrupt yung ini-invest mong oras at research, sa pagbibigay ng puso at pagkatao sa karakter na gagampanan mo. Siguro mas pinili ko na huwag silang balikan para mas ma-internalize ko ng maige ang karakter ko nang iba sa kanila.”

Nang tanungin kung may “peg” siya mula sa Hollywood sa pagganap ng mentally challenged person, sinabi ng actor na na-impress siya sa pagganap ni Daniel Day-Lewis sa pelikulang My Left Foot kunsaan isang cerebral palsy patient ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN