Kathryn Bernardo hopes this ABS-CBN actress will be Daniel Padilla's new leading lady

by Nikko Tuazon
Sep 9, 2019
Kathryn Bernardo expressed her gratitude to everyone who supported Hello, Love, Goodbye. PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) had the chance to interview Kathryn during the September 4 Pond's Women Speak event held at the Maybank Theater, Bonifacio Global City.
PHOTO/S: Star Cinema

Sobrang laking pasasalamat ng ABS-CBN actress na si Kathryn Bernardo sa lahat ng sumuporta sa kanyang pelikula na Hello, Love, Goodbye, kunsaan katambal nito sa unang pagkakataon ang GMA-7 actor na si Alden Richards.

Noong nakaraang linggo, umabot na sa mahigit PHP880 million ang worldwide earnings ng nasabing pelikula ayon sa Star Cinema, dahilan upang hirangin ito bilang highest-grossing Filipino film of all time.

Nataasan ng Hello, Love, Goodbye ang worldwide box-office earnings ng The Hows Of Us na pelikula rin ni Kathryn kasama ang reel-turned-real-life partner nito na si Daniel Padilla. Kumita ang pelikula ng PHP810 million noong nakaraang taon.

Nagpapasalamat si Kathryn sa pamilya ni Daniel lalo na sa ina nito na si Karla Estrada dahil sa suportang ipinakita ng mga ito sa kanyang unang film project na hindi kasama ang aktor.

Ani Kathryn, "The Hows of Us will always be special sa amin ni DJ. And itong Hello, Love, Goodbye ganun din.

Continue reading below ↓

"Si Tita Karla sabi niya super happy siya sa nangyari ngayon, and isa si Tita Karla sa mga unang nagtext na sobrang happy siya for me.

"And yung buong family ni DJ, hindi yung nagkulang ng pagsuport sa movie. They’re so sweet. I love Tita Karla.

"Of course, yung The Hows of Us and Hello, Love, Goodbye, hindi ko alam na puwede siyang mangyari so ngayon sinasabi ko lang na nao-overwhelm ako .

"And I’m just really thankful kasi ito, nangyayari siya ngayon. Pareho naman yung Star Cinema and pareho yung espesyal sa ating lahat, si Ethan-Joy, iba rin si George at Primo."

Nakausap ng press kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn noong Miyerkules, September 9, sa Pond's Women Speak event na ginanap sa Maybank Theater, Bonifacio Global City.

Continue reading below ↓

DANIEL PADILLA'S NEW LEADING LADY?

Ngayong nakagawa na si Kathryn ng pelikula na hindi katambal si Daniel, inaabangan na rin ng KathNiel fans kung gagawa rin si Daniel ng pelikula na may ibang leading lady.

Noong nakaraang taon, ipinahayag ni Daniel ang pagnanais nitong makatrabaho si Sarah Geronimo sa isang pelikula.

Buo din naman ang suportang ibibigay ni Kathryn kung sakaling magkaroon nga ng proyekto ang dalawa.

Aniya, "Kung meron man ipa-partner kay DJ, I’d love Sarah to be his leading lady. I’m a big fan of Sarah so kung meron man, I will support that one hundred percent."

HELLO, LOVE, GOODBYE SEQUEL?

Samantala, marami ang umaasang magkakaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye lalo't open-ending ang pelikulang ito. Bukas naman si Kathryn sa posibilidad na magkaroon ng sequel ang pelikula o kaya naman ay gumawa sila ng panibagong istorya.

Aniya, "Ang daming possibilities but it’s too early to tell kung ano man. Sabi ko nga, I’m very open kung magkaroon man ng part two or kung payagan ulit.

Continue reading below ↓

"Kung si Direk Cathy [Garcia-Molina] bumalik, I’d love to do a part two or maybe a different movie naman. But, I’m happy with the ending kasi parang ikaw yung mag-iisip as a viewer kung ano yung nangyari kay Joy at Ethan.

"Ikaw yung bahala kung, ‘Okay, naging sila ba?’ o ‘Nag-usap pa ba sila?’"

Gusto ko yung ganung type of movie, e, yung parang you write your own ending."

Dagdag pa nito, "Wala pa kasi matagal na proseso yan but if ever it’s gonna happen, I will look forward to that and let’s see."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo expressed her gratitude to everyone who supported Hello, Love, Goodbye. PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) had the chance to interview Kathryn during the September 4 Pond's Women Speak event held at the Maybank Theater, Bonifacio Global City.
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results