Is Alden Richards willing to star in Hello, Love, Goodbye sequel?

by Ruel J. Mendoza
Sep 6, 2019
Alden Richards is open to doing a sequel of Hello, Love, Goodbye. He says GMA-7 is working out a project for him to do a "possible collaboration with an international media outfit."
PHOTO/S: Noel Orsal


To date, ang Alden Richards-Kathryn Bernardo movie na Hello, Love, Goodbye ang maituturing na highest grossing Filipino movie of all time.

Umabot na sa PHP 880,603,490 ang worldwide gross ng Hello, Love, Goodbye as of September 3, 2019, ayon sa Star Cinema.

Kinunan ang malaking bahagi ng pelikula sa Hong Kong.

Nang i-renew niya ang kanyang contract with GMA Network last September 3, tinanong si Alden kung willing ba siyang mag-bida sa sequel ng naturang Star Cinema film.

Sagot ni Alden, "Sa Hello, Love, Goodbye na part two, lahat naman po gustong gawin pero mas mahaba pa pong proseso iyon. Marami pa pong negotiations na kailangang pagdaanan."

Ayon sa Kapuso actor, ang isa pang malaking plano para sa kanya ay ang "possible collaboration with an international media outfit."

Pagkatapos nang makasunod na achievements, magbibida ulit si Alden sa isang GMA primetime teleserye titled The Gift.

Sa The Gift, gaganap si Alden bilang si Joseph or Sep na isang tindero sa Divisoria. Mabubulag ang kanyang karakter pero mabibiyayaan siya ng abilidad na makita ang nakaraan at ang kinabukasan.

Continue reading below ↓

Noong 2018 huling napanood si Alden sa primetime telefantasya na Victor Magtanggol, kaya naman excited ulit ang Kapuso actor na umarte ulit sa isang bago, pero challenging role sa The Gift.

Para maging handa si Alden at ang buong cast, nagkaroon sila ng immersion sa mga taong nagtitinda sa Divisoria.

"Dun mas nakaka-relate yung mga Kapuso natin na manonood ng teleserye na ito kasi nakaka-miss mag-portray ng role na kagaya ng mga Kapuso natin sa Divisoria, yung kargador, nagtitinda. Mas nandun yung puso ko.

"Ang ganda nung dynamics nung characters. Kasi unconventional at di siya yung typical Filipino family.

"Ang nakakatuwa kasi dito, parang…na-realize ko na unting-unti nang pumapasok sa akin yung character ni Sep," pahayag ni Alden sa interview nito kamakailan sa Chika Minute ng 24 Oras.

Makakasama ni Alden sa The Gift sina Jean Garcia, Jo Berry, Mikee Quintos, Betong Sumaya, Christian Vasquez, Elizabeth Oropesa, Rochelle Pangilinan, Martin del Rosario, Mikoy Morales, Christian Vasquez, Divine Tetay, Ysabel Ortega, at ang bagong leading niya na si Thia Tomalla.

Sa tulong din ng Resources for the Blind Inc., isang non-government office na tumutulong sa visually-impaired, nagkaroon ng immersion dito si Alden para mas lalo pa niyang maintindihan ang role niya bilang isang bulag.

"Mas lalo akong na-excite gawin yung role. Nakaka-move lang being here today and experiencing first-hand, kung ano yung pakiramdam ng pagiging bulag.”

Nakipagkuwentuhan din ang aktor sa ilang visually-impaired workers sa naturang NGO at mas na-inspire pa raw siya dahil sa mga ito.

"Life doesn't stop after blindness and there's hope after blindness.

"Sana itong The Gift, magbigay inspiration. Kahit na bulag, kahit walang paningin, the losing of sight, puwede ka pa ring maging blessing sa ibang tao."

Continue reading below ↓

Kaya naman sa kanyang pagiging artista, gusto ni Alden na maging inspirasyon din siya ng marami.

"Yung opportunity na mapunta ka sa industriyang ito para maka-inspire ng buhay. Ang masarap kasi, puwede mo siyang gamitin for the common good, you inspire people, you do projects, you give them hope, you make them happy," sabi pa ng aktor na tinaguriang bilang Asia's Multimedia Star.

HOT STORIES

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards is open to doing a sequel of Hello, Love, Goodbye. He says GMA-7 is working out a project for him to do a "possible collaboration with an international media outfit."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results