Susan Roces to receive Lifetime Achievement Award at 11th Golden Screen Awards

Susan Roces received the Lifetime Achievement Award during the 11th Golden Screen Awards organized by the Enpress.


Malalaman na ang mga natatanging pelikula at pagganap sa paghahatid ng Entertainment Press Society (ENPRESS, Inc) ng 11th Golden Screen Awards na gaganapin mamayang gabi, October 4, Sabado, sa Teatrino Greenhills, San Juan City. Magsisimula ang awards night sa ganap na 7 p.m.

To be hosted by John “Sweet” Lapus, ang Golden Screen Awards ay magbibigay pugay sa pinakamahusay na filmmakers at mga artista sa isang natatanging gabi ng parangal.

Up for grabs ay mga tropeyo sa 20 kategorya, kabilang ang best motion picture drama na pinaglalaban ng On The Job, Transit, Ekstra, Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap? at Norte, Hangganan ng Kasaysayan.

Contenders naman sa best motion picture (musical or comedy) ang Four Sisters and A Wedding, It Takes a Man and Woman, at Instant Mommy.

Ang eternal movie queen na si Ms. Susan Roces ang siyang tatanggap ng Lino Brocka Lifetime Achievement Award bilang pagkilala sa kanyang husay bilang aktres at film producer during her prime.

Inaasahang magiging memorable ang 11th Golden Screen Awards dahil sa kakaibang format ang magiging presentation nito. Sa halip ang nakasanayan na usual podium style, si John Lapus ay aaktong isang entertainment talk show host sa programang tatawaging “Unli Night of Laughter and Honor” – kombinasyon ng malikhaing set-up ng isang talk show at pomp ng isang awards night pero light ang setting.

Si Sweet, bilang talk show host, ay sasabak sa isang freewheeling conversation sa mga magwawagi kung saan tatanungin niya ang mga ito kung ano ang kanilang saloobin sa kanilang pagkapanalo ng award. Isang kakaibang experience ito sa mga magwawagi dahil first time itong magaganap sa isang awards presentation.

Kabilang sa maghahandog ng musical numbers ay ang dalawang Breakthrough Actor nominees ng 11th Golden Screen Awards na sina Ruru Madrid (nominado para sa “Bamboo Flowers”) at Adrian Cabido (nominado para sa period film na Lauriana) who will render song-and-dance numbers. Magpe-perform din sina Hazel Faith Dela Cruz, who interpreted the song “Everything Takes Time” sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs; TJ Agustin, a recording artist under PolyEast Records at film producer din. Siya ang nag-produce ng Cinemalaya entry na 1st ko si Third.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakanta rin si Edgar Allan Guzman, ang best actor for comedy winner sa Golden Screen Awards noong 2011 para sa Ligo na U, Lapit Na Me.

Inaasahang mahigpit ang labanan sa Best Performance by an Actress in a Lead Role (Drama) kung saan contenders sina Cherie Gil (“Sonata”), Irma Adlawan (“Transit”), Lorna Tolentino (“Burgos”), Lovi Poe (“Sana Dati”), Rustica Carpio (“Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?”) at Vilma Santos (“Ekstra”).

Sa kategoryang Best Performance by An Actor in a Lead Role (Drama), finalists naman sina Arnold Reyes (“Ang Tag-araw ni Twinkle”), Dingdong Dantes (“Dance of the Steelbars”), Jhong Hilario (“Badil”), Joel Torre (“On the Job”), at ang yumaong actor na si Mark Gil (“A Philippino Story”).

Contenders naman sa Best Performance by An Actress in a Lead Role (Musical or Comedy) sina Angel Locsin at Bea Alonzo (“Four Sisters and A Wedding”), Eugene Domingo (Instant Mommy), Sarah Geronimo (“It Takes A Man and A Woman”) at Tuesday Vargas (“Ang Pabo Man ay Turkey Rin”).

Sa Best Performance by An Actor in a Lead Role (Musical or Comedy), nominado naman sina Enchong Dee (“Four Sisters and A Wedding”), John Lloyd Cruz (“It Takes A Man and A Woman”), Rafael Rossel (“Gaydar”) at Tom Rodriguez (“Gaydar”).

Sina Angel Aquino (“Ang Huling Chacha ni Anita”), Coney Reyes (“Four Sisters and A Wedding”), Jackie Lou Blanco (“Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?”), Ruby Ruiz and Tart Carlos (“Ekstra”) naman ang magkakatunggali a kategoryang Best Performance by An Actress in a Supporting Role (Drama, Musical or Comedy).

Para sa For Best Performance by an Actor in a Supporting Role- Drama, Musical or Comedy, ang mga finalists ay sina Dick Israel (“Badil”), Joey Marquez (“On the Job”), Joey Paras (“Dance of the Steelbars”), Marlon Rivera (“Ekstra”) at Ping Medina (“Transit”)

Ang Best Breakthrough Performance by an Actress ay matinding pinaglalaban nina Krystle Valentino (“Purok 7”), Isabelle Daza (“Lihis”), Jasmine Curtis Smith (“Transit”), Max Collins (“Bamboo Flowers”), Teri Malvar (“Ang Huling Chacha ni Anita”), at Yeng Constantino (“Shift”).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa Best Breakthrough Performance by An Actor, finalists naman sina Adrian Cabido (“Lauriana”), Chino Jalandoni (“Sonata”), Marc Justine Alvarez (“Transit”), Mimi Juareza “Quick Change”) and Ruru Madrid (“Bamboo Flowers”)

Mahigpit din ang labanan sa Best Direction kung saan contenders sina Erik Matti (“On the Job”), Hannah Espina (“Transit”), Jeffrey Jeturian (“Ekstra”), Jose Javier Reyes (“Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?”), at Lav Diaz (“Norte, Hangganan ng Kasaysayan”).

The 11th Golden Screen Awards ay sponsored by by Dr. Tam Mateo and Nash Coffee by Manila Golden Archer Group. Major sponsors naman sina Sen. Nancy Binay, PomePure Nexus 7P, Manila City Councilor Yul Servo, CML Beach Resort (located at Brgy. Nonong Casto, Lemery, Batangas), Dong Juan (located at 72 Mother Ignacia St., Q.C.) at Manila City Vice Mayor Isko Moreno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN