Christopher de Leon originally wanted "Banal" titled as "Thou Shall Not Murder"

by Mercy Lejarde
Dec 30, 2007
(L-R) Paolo Paraiso, Alfred Vargas, Christopher de Leon, and Paolo Contis star in Banal, a suspense-action film that is based partly on true-to-life events. This Metro Manila Film Fest entry will open in theaters nationwide starting January 1, 2008.

Noong Biyernes, December 28, ang premiere night ng pelikulang Banal na pinagbibidahan nina Christopher de Leon, Paolo Contis, Alfred Vargas, Paolo Paraiso, Ina Alegre, Cass Ponti and Evangeline Pascual sa direksiyon ni Cesar Apolinario, isang reporter ng GMA News.


Sa January 1, 2008, pa ang opening ng Banal pero ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ito ng marami, lalo na sa showbiz world dahil may pagkakontrobersyal ang tema ng istorya.

"Tinatalakay ng Banal ang police work sa paraang casual at makatotohanan. Sa pagiging casual ng istorya, hindi maiwasang makanti ang corruption ng men-in-uniform, gayundin ang asal ng taga-media na parang art imitating life. Tulad ng nangyaring siege sa Manila Peninsula nina [Senator Antonio] Trillanes kamakailan lamang at pang-aabuso ng mga diyos-diyosan ng lipunang Pinoy kung saan ang mga banal at makasalanan ay napakabilis magpalit ng kulay. In short, balimbing!" Ito ang tahasang sinabi ni Direk Cesar Apolinario sa unang presscon ng Banal.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Christopher de Leon kung bakit Banal ang title ng pelikula gayong sa poster nila ay nakalagay ang Thou Shall Not Kill at sa trailer naman ay pulos ratratan ng bala at patayan ang ipinakita.


"Papalitan ko sana. Thou Shall Not Murder sana dapat. Kaya lang gahol na sa panahon. Pero meron kasing mga dahilan para pumatay. Kumbaga, there is a time to kill, a time to protect your country and your people and also to protect yourself. Iba kasi yung 'Thou shall not kill' sa salitang 'Thou shall not murder'. Kasi yung murder pumapatay ka ng walang kadahilanan. Yun ang masama," paliwanag ni Christopher de Leon.

Continue reading below ↓

Ang Banal ay kuwento ng mga Special Weapons and Tactics (SWAT) officers na nakadiskubre ng death threat laban kay Pope John Paul II nang bumisita siya sa Pilipinas. Magsisimulang ipalabas ang Metro Manila Film Festival entry ng Comguild Production Co. sa January 1, 2008.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Paolo Paraiso, Alfred Vargas, Christopher de Leon, and Paolo Contis star in Banal, a suspense-action film that is based partly on true-to-life events. This Metro Manila Film Fest entry will open in theaters nationwide starting January 1, 2008.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results