Vance Larena prefers to do a love scene for theater instead of doing it for a movie

by Julie E. Bonifacio
Sep 11, 2019
Vance Larena is paired with Ivana Alawi in the Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 entry Open.
PHOTO/S: Noel Orsal

Medyo markado ang papel ni Vance Larena sa pelikulang Open na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at JC Santos, sa direksyon ni Andoy Ranay.

“Malaki po ang role ko sa movie as a support. Sa katotohanan nga po, yung karakter ko po yung magiging malaki po yung impluwensya sa magiging takbo ng relasyon nina Arci at JC,” lahad ni Vance.

In real life, papayag ba siya na pumasok sa isang open relationship?

“Ako po, personally, hindi po,” pakli niya.

“Kung kailangan ninyong maghiwalay para makapagrelasyon sa ibang tao o magkaroon ng intimate relationship with other people, kailangan ninyo po muna sigurong maghiwalay. Pero yung konsepto ng ‘open’ sa akin, sa ngayon po, ha, hindi ko pa po siya kayang gawin.”

Ano sa tingin niya ang advantage ng isang open relationship?

“Ayan po ang ipapakita ng pelikula. Sana po, ahh, ayun nga po, sana ma-realize din ng mga tao yung cons and pros po or yung advantages and disadvantages po of having an open relationship.”

Continue reading below ↓

Ka-partner ni Vance sa pelikula ang model-turned-actress na si Ivana Alawi.

“Kami po iyung magkasintahan doon at ang klase kasi ng relasyon namin, yun po actually yung makakaimpluwensya sa magiging klase ng relasyon ni Arci at ni JC sa pelikula.”

Pinag-uusapan ang maiinit na love scenes nina JC at Arci. Meron din ba silang love scenes ni Ivana?

“Si ano, abangan ninyo, si Arci, saka si JC.

“Gusto ko nga, e. Kaya lang, wala, e.”

May ipapakita naman kaya siya?

“Yun nga, e, wala akong ipapakita. Hahaha! Hindi, joke lang.”

Bakit di niya sinubukang maglambing kay Direk Andoy sa love scene na gusto niyang gawin?

“Hindi naman ako direktor. E, wala. Wala sa script, e.”

Pero willing ba siyang gumawa ng mga daring na love scenes sa movie?

“Pakita ng butt, ganyan?” balik-tanong niya.

“Okay naman. Nagawa ko na naman dati pa. So, okay lang. Nagawa ko na po dati sa stage po.

Continue reading below ↓

“Pero kung papapiliin ako kung gagawa ako ng sex scene or hubad scene sa teatro o sa pelikula... Mas gugustuhin ko sa teatro!” diin niya.

Bakit?

“Para live, hahaha! Saka take one lang yun at ayun pa, pwedeng idilim ang ilaw. Hindi pa recorded.”

Okay ba sa kanya na maghubad sa pelikula?

“Kaya ko naman. Kung kailangan. Pwede naman. Kaya naman yun. Pero syempre, maraming pwedeng i-consider...

“Kung malamig ba yung aircon. Hahaha! Hindi, hindi. Joke lang.”

Taun-taon, may entry si Vance sa Pista ng Pelikulang Pilipino: Bar Boys noong 2017, Bakwit Boys last year, at Open ngayong 2019.

Tanggap ba niya na tawagin siya bilang PPP Prince?

“Si JC din po, laging may movie sa PPP,” sagot ni Vance.

Ka-level niya si JC kung ganoon?

“Hindi naman po,” tanggi niya.

“Malayo po ako kay JC. Sobrang idol ko po ‘yan, si JC Santos.

Continue reading below ↓

“Si JC ang king, ako ang prince. Pwede po yun, huh?!”

Gusto na ba niyang maging isa sa mga bigating leading men sa showbiz?

“Kung ako yung tatanungin marami po kasi akong insecurities, e.

“So, kung ako yung tatanungin, hindi ako ready. Pero may mga tao po kasi na naniniwala na kaya ko, na pwede ako.

“Tapos, doon mo lang mare-realize ‘pag nagawa mo na, ‘Oo nga, 'no.’ Katulad din nung MMK [Maalaala Mo Kaya]. Takot na takot po ako noon na magbida doon. Pero nagawa ko.

“Nung nagawa ko po siya, parang salamat sa mga naniwala sa akin. Kasi, kahit papaano, na-push ka na gawin yung dapat.”

Maliban sa Open, may dalawa pang natapos na movie si Vance, ang Resbak directed by Brillante Mendoza at Dead Kids directed by Mikhail Red.

“Biro ninyo, sunud-sunod po ‘yan. Nagkaroon po ako ng MMK, Ipaglaban Mo. Bida pa po sa MMK. Dati, pangarap ko lang. Tapos, nagka-teleserye, Nang Ngumiti Ang Langit.

Continue reading below ↓

“Meron pa po akong iWant series, yung Story of my Life po with Zaijian Jaranilla.

“Nagkaroon din po ako sa Smart Communications ng Find Her na series po. YouTube naman po yun. Kaya sunud-sunod po talaga yung nangyayaring maganda.”

Ilang taon siyang naghintay bago magkaroon ng mga ganitong proyekto?

“Ay, matagal po! Ten years po. More than ten years po akong naghintay.

“Kasi, nagsimula ako sa teatro, 15 pa lang po ako. Basta nagsimula ako sa teatro, bata pa po ako. Kaya sorang tagal ko po naghintay. Dekada po ako naghintay.

“Ngayon ko lang po nararanasan yung ganitong klase at sana, magtuluy-tuloy po. Kasi, yung artista kasi, kapag nagpunta ka sa mall, lahat, tititig sa ‘yo.

“Ayun po, pag sikat. E, ako naman po, hindi po ako sikat. Pero at least, napapakita ko po ang talent ko sa maraming tao.”

Sa dami ng projects niya, may naipon na ba siya?

Continue reading below ↓

“Bahay? Hindi po, wala pa. Kotse, ano, nag-loan ako sa bangko, para sa father ko.

“Tapos, the rest ng income ko, sa pamilya ko.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vance Larena is paired with Ivana Alawi in the Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 entry Open.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results