Gloria Sevilla not expecting to win best actress at PPP 2019 awards night

by Rommel Gonzales
Sep 12, 2019
Gloria Sevilla on having daughter Suzette Ranillo as director: "E, kung minsan, kapag mali siya,’ Hmmm, hindi tama ‘yan!’ Pero hindi ko siya sinisigawan! Binubulong ko lang, ‘Mukhang hindi ata tama ito, ah.’”
PHOTO/S: Noel Orsal

Natural na natural ang pag-arte ni Gloria Sevilla sa pelikulang Pagbalik, kung saan co-star at direktor niya ang anak na si Suzette Ranillo aka Maria S. Ranillo.

“I just played the role na hindi umaarte!” at tumawa ang beteranang aktres.

Ang Pagbalik ay entry sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino (September 13-19).

Umaasam ba si Tita Gloria ng acting trophy sa awards night sa Setyembre 15, Linggo, sa One Esplanade?

“Hindi, hindi ako nag-e-expect!

"Basta maligaya ako na napasali ang aming pelikula na isang Visayan movie."

Napakasaya ni Tita Gloria na sa wakas ay nabigyan ng pagkakataon ang isang Visayan film na mapasali sa isang local film festival.

“Iyan ang dream ko talaga, na mabigyan ng importansiya ang Visayan movies because Visayan movies is a part of Philippine movies.

“Gusto ko may Davao, may Cebu, may Samar and, of course, Luzon.

“Kasi sa mga Bisaya, maraming mga artistang magagaling, of course, buong Pilipinas magagaling ang mga artista natin, may talent sila, hindi tayo nagpapahuli sa mga artista sa ibang bansa.”

Continue reading below ↓

Ikinatutuwa rin ni Tita Gloria, na tinaguriang Queen of Visayan Films, na marami na ngayong film festivals kaya mas lumawak ang sakop ng mga ito sa mga pelikulang Pilipino.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tita Gloria sa premiere ng Pagbalik nitong September 11, Miyerkules, sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

VISAYAN FILM NOT SHOWN IN PUBLIC

Isa sa maituturing na pinakamalaking Visayan film na ginawa ni Tita Gloria ay ang Palad Ta Ang Nagbuot noong 1969 kung saan ang leading man niya ay ang boxing legend na si Gabriel “Flash” Elorde.

“'Tapos ni-revive ni Dandin, ang kinuha si Nonito Donaire 'tsaka an actress from Davao, andun ako as the mother,” banggit ni Tita Gloria.

Noong 2013 ginawa ang remake ng Palad Ta Ang Nagbuot (Our Fate Decides) kung saan ang leading lady ng boxing champ na si Nonito Donaire Jr. ay si Krissel Valdez, sa direksiyon ni Dandin Ranillo na anak din ni Tita Gloria.

Continue reading below ↓

Hindi raw naipalabas sa mga sinehan ang remake ng naturang pelikula.

“Hindi kami nabigyan ng playdate sa mga theaters, e. Hindi binigyan ng pagkakataon na maipalabas ang aming Visayan movie. ”

Sa auditorium sa mga eskuwelahan lamang at special screening sa mall sa Cebu naipalabas ang naturang remake.

Umaasa si Tita Gloria na simula na ang Pagbalik para patuloy na mabigyan ng pagkakataon ang Visayan movies at hindi lamang tuwing may filmfest.

“Sana, I hope! Na tuwing magkakaroon tayo ng istorya na Visayan movie, I’m very sure mapapasali 'yan, mga magagandang istorya na may lesson.”

Ang Pagbalik ay kuwento ng tatlong henerasyon ng isang pamilya, tungkol sa tuwa at dusa ng isang OFW (overseas Filipino worker) at ng kanyang ina at anak, at kung paanong hindi dapat pabayaan ang sinumang miyembro ng pamilya, bata man o matanda.

Kasama rin sa pelikula ang baguhang aktor na si Vince Ranillo, na pamangkin ni Suzette at apo ni Tita Gloria.

Continue reading below ↓

Gloria Sevilla with daughter Suzette Ranillo and grandson Vince Ranillo

DAUGHTER SUZETTE AS DIRECTOR

Pangalawang beses nang naging direktor ni Tita Gloria ang anak niyang si Suzette.

Una ay sa Carehome (2006) na kinunan sa Amerika at pinagbidahan ni Nora Aunor.

Kumusta kapag anak niya ang direktor niya?

Continue reading below ↓

“E, kung minsan, kapag mali siya,’ Hmmm, hindi tama ‘yan!’

“Pero hindi ko siya sinisigawan!” at tumawa ang aktres. “Binubulong ko lang, ‘Mukhang hindi ata tama ito, ah.’”

Marami ang pumuri sa Pagbalik, lalo na sa mga eksena nila ni Suzette, na tila hindi umaarte ang dalawa at napakanatural bilang mag-ina sa tunay na buhay.

Ayon kay Tita Gloria, “I like the role kasi madaming nangyayari na ganun, na old people needs understanding, love, isang yakap lang, ang sarap na.

“Yun, kaya ang mga tao sana, huwag ninyong kalimutan ang matatanda, give them importance.

“That’s our happiness. Hindi pera ang happiness. Ang pagmamahal, ipakita ninyo.

“We feel good, we feel good.”

Ang Pagbalik ay produced ng Nuances Entertainment Production at PRO.PRO in cooperation with Wildsound.

Bukod sa pagiging aktres ay aktibo si Tita Gloria bilang Board Member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gloria Sevilla on having daughter Suzette Ranillo as director: "E, kung minsan, kapag mali siya,’ Hmmm, hindi tama ‘yan!’ Pero hindi ko siya sinisigawan! Binubulong ko lang, ‘Mukhang hindi ata tama ito, ah.’”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results