PPP 2019 best actress Angie Ferro asks for more theaters for best picture Lola Igna

by Jerry Olea
Sep 16, 2019
Veteran actress Angie Ferro, 82, wins Best Actress at the PPP 2019 awards night for her performance in Lola Igna, her first title role ever. She is joined on the stage by her young co-stars Royce Cabrera and Yves Flores.
PHOTO/S: Jerry Olea

Kung anong tagal at bagal ng Sine Sandaan noong Setyembre 12, Huwebes, sa New Frontier Theater, Quezon City, siya namang bilis ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 Gabi ng Parangal at Pasasalamat nitong Setyembre 15, Linggo, sa One Esplanade, Pasay City.

Best Picture ang Lola Igna, na nakamit din ang tropeyo para sa best actress (Angie Ferro), best screenplay (Eduardo Roy Jr. & Margarette Labrador), at best musical score (Andrew Florentino).

“Sayang naman ang best picture kung walang sinehang dagdag,” sabi ng 82-anyos na best actress sa entablado.

Palakpakan ang mga tao.

Dagdag ng beteranang aktres, “Panoorin naman. Ahh, hindi kayo magsisisi. Panoorin lahat.

“May audience ba dito? O mga artist lang?

"Siguro, mag-ano tayo sa TV—invite everyone. Press, isulat ninyo, ha?

"Kasi, sayang naman, best picture, o?! Maraming salamat!

"Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Mabuhay ang mga artistang Pilipino!"

Hiyawan, sipulan at palakpakan ang mga tao.

Panawagan pa ni Angie, “Mga kabataan, ipagpatuloy ninyo... kayo ang pag-asa.

Continue reading below ↓

"Walang ano, ha? Hindi puwedeng papayag kayo na... pag hindi maganda.

“Kailangang hubugin ang talino. Kahit kayo’y... ochenta y dos [82] na ako, ha?

"Ngayon lang ako naging leading lady sa pelikula."

Lahat ng entry ay nominadong best picture.

ACTING WINNERS & NOMINEES

Kinabog ni Angie Ferro (Lola Igna) sa pagiging best actress sina Anita Linda (Circa), Sue Ramirez (Cuddle Weather), Arci Muñoz (Open), at Jean Garcia (Watch Me Kill).

Continue reading below ↓

Best actor si Martin del Rosario at kaagaw niya sa tropeyo ang co-stars sa The Panti Sisters na sina Paolo Ballesteros at Christian Bables, maging sina Khalil Ramos (LSS: Last Song Syndrome) at McCoy de Leon (G).

Best supporting actress si Tuesday Vargas (LSS: Last Song Syndrome). Taob sa kanya sina Ina Raymundo (Open), Nova Villa (I’m Ellenya L), Jaclyn Jose (Circa), at Maria Isabel Lopez (Lola Igna).

Best supporting actor si Gio Alvarez (I’m Ellenya L) pero waley siya sa awards night, kaya ang tumanggap ng kanyang trophy ay ang direktor na si Boy2 Quizon.

Ang iba pang nominadong best supporting actor ay sina John Arcilla (The Panti Sisters), Vance Larena (Open), Jameson Blake (G), at Rodolfo Muyuela (Watch Me Kill).

AWARDEES PA MORE

Natamo ng Watch Me Kill ang parangal para sa best director (Tyrone Acierto), best cinematography (Marcin Szocinski), at best editing (Colorado Rutledge).

Continue reading below ↓

Parehong banyaga sina Marcin at Colorado.

Natamo ng LSS (Last Song Syndrome) ang awards para sa best sound design (Aurel Claro C. Bilbao & Arnel M. Labayo), best theme song ("Araw-araw" by Ben & Ben), Audience Choice (online voting), at Special Jury Prize.

Maliban sa best actor (Martin del Rosario), wagi ang The Panti Sisters bilang Audience Choice (box office) at best production design (Marxie Maolen F. Fadul).

Nasa ikatlong taon na ang Pista ng Pelikulang Pilipino, pero ito ang unang pagkakataong nagdaos sila ng gabi ng parangal.

Party-party na agad matapos ihayag ang huling award na best picture. Hindi na nag-photo op sa entablado ang lahat ng winners.

Masayang ibinalita ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, “In the last two days, the total gross box office of Pista ng Pelikulang Pilipino has gone up to PHP60M already.”

Nang tanggapin ng Ben & Ben ang kanilang tropeyo para sa best theme song na "Araw-araw" ng LSS, sabi ng isang Ben, “Doon sa song na 'Araw-araw,' iyong lyrics kasi niya ay, ‘Mahiwaga, pipiliin ka sa araw-araw.’

Continue reading below ↓

“At ngayong gabi, ang realization namin, at nating lahat hopefully—ang mahiwaga ay sining. Ang mahiwaga ay pelikula. Ang mahiwaga ay musikang Pilipino.

“At ang mahiwaga ay ang pagka-Pilipino. At pipiliin natin iyong mga iyon araw-araw.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Angie Ferro, 82, wins Best Actress at the PPP 2019 awards night for her performance in Lola Igna, her first title role ever. She is joined on the stage by her young co-stars Royce Cabrera and Yves Flores.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results