Ella Cruz, 23, finds kissing scene with Edward co-star Louise Abuel, 15, awkward

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2019
Ella Cruz on using foul language for her role in Edward: "Hindi po ako sanay magmura in front of camera. Nagmumura naman po ako, pero hindi in front of camera. Ayokong yun ang nakikita sa akin ng batang audience, gagayahin nila ako. But since yun ang ni-require sa pelikula, nahirapan ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Natuwa si Ella Cruz nang malaman niyang ipalalabas ang Edward sa mga sinehan sa October 2, 2019.

Ang Edward ang isa sa mga critically-acclaimed movie na official entry sa Cinemalaya Independent Film Festival na naganap noong Agosto.

Memorable kay Ella ang Edward dahil siya ang nanalong best supporting actress para sa pelikula na hanggang ngayon ay hindi pa niya napapanood.

"Hindi ko pa po napapanood ang Edward. One week lang yung Cinemalaya, yung one week po na yun, mahirap habulin kung saan ipalalabas na mga sinehan.

"Hindi ko talaga napanood kasi ginagawa ko yung dalawang television series, every day po ang work ko.

"Mabuti na lang, ipalalabas po sa October 2 ang Edward sa commercial theaters," sabi ng 23-year-old actress sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi nakarating si Ella sa gabi ng parangal ng Cinemalaya 2019 dahil bukod sa walang imbitasyon na natanggap, grand opening ng bagong milk-tea business niya sa Bulacan.

Continue reading below ↓

Nalaman lang ni Ella na nanalo siya ng best supporting actress trophy nang makita niya sa Twitter ang mga balita.

Sinubukan ni Ella na tawagan sa cellphone ang Edward director na si Thop Nazareno, pero hindi niya nakausap dahil mahina ang signal sa Cultural Center of the Philippines, ang venue ng awards night ng Cinemalaya Independent Film Festival.

"Hindi talaga ako nag-expect na mananalo. Konti lang ang shooting days ko, 'tapos dalawang araw lang po na may lines ako," pahayag ni Ella, na ipinagmamalaki ang acting award na napanalunan niya.

KISSING SCENE WITH LOUISE ABUEL

Ang former child actor na si Louise Abuel ang bida sa Edward.

Unang nagkasama sina Ella at Louise sa Aryana, ang 2012 television series ng ABS-CBN na pinagbidahan ng former child actress.

Nine years old pa lamang noon si Louise kaya surreal kay Ella na may kissing scene sila sa Edward.

"Magaling po si Louise, ever since bata pa siya.

Continue reading below ↓

"Nakasama ko po siya sa Aryana [2012], saka lagi siyang sidekick ni Coco Martin.

"Ngayon, 15 years old na siya.

"Sobrang awkward po nang makita ko siya, 'Oh my gosh, baby boy! Iki-kiss kita.'"

Nahirapan din daw si Ella sa mga eksenang kailangan niyang magmura.

Saad niya, "Hindi po ako sanay magmura in front of camera.

"Nagmumura naman po ako, pero hindi in front of camera.

"Ayokong yun ang nakikita sa akin ng batang audience, gagayahin nila ako.

"But since yun ang ni-require sa pelikula, nahirapan ako.

"Nag-second thought ako na tanggapin ang project dahil medyo pokpok na pokpok yung role.

"Alam ko na para sa Cinemalaya yung movie, walang limitations, unlike kapag commercial, sa TV, may MTRCB, bawal magmura."

Hiningi raw ni Ella ang tulong ng isang kaibigan para sa role niya sa Edward.

"Meron akong friend na pinagbasehan. Siya yung inspiration ko.

"Siya yung ginaya ko, laking-Kamuning siya.

"Hindi siya pokpok pero palamura siya. Naturally, ganoon siya makipag-usap.

Continue reading below ↓

"Hindi siya pokpok, tomboy siya.

"Palagi kaming magkasama, nag-uusap kami.

"Angas-angas siya, siya yung ginaya ko. Siya ang peg ko for my character."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz on using foul language for her role in Edward: "Hindi po ako sanay magmura in front of camera. Nagmumura naman po ako, pero hindi in front of camera. Ayokong yun ang nakikita sa akin ng batang audience, gagayahin nila ako. But since yun ang ni-require sa pelikula, nahirapan ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results