LOOK: Aga Muhlach shoots remake of Korean film Miracle In Cell No. 7

by Ruel J. Mendoza
Sep 20, 2019
In Miracle in Cell No. 7, Aga Muhlach plays a man who is wrongfully imprisoned because of a rape charge.


Nagsimula nang mag-shoot ng kanyang mga eksena ang award-winning actor na
si Aga Muhlach para sa kanyang Metro Manila Film Festival 2019 entry na Miracle In Cell No. 7.

Ito ang Philippine remake ng 2013 Korean film na pinagbidahan nila Ryu Seung-ryong, Kal-So-won at Park Shin-hye. May alternate title ito na A Gift From Room 7.

Gaganap dito si Aga bilang single father na naakusahan na nang-rape ng isang batang babae. Ang Philippine version na ito ay produced by Viva Films.

Sa Facebook page ng Kapamilya Online World, pinost nila ang behind-the-scenes look ni Aga sa loob ng courthouse at sa bilangguan.

Si Xia Vigor ang gaganap na young daughter ng karakter ni Aga at si Bela Padilla naman ang gaganap bilang older version.

Si Nadine Lustre ang gaganap bilang anak ni Aga ngunit nag-back out siya due to medical reasons.

Sina Arjo Atayde, JC Santos, at Joel Torre ang ibang co-stars nila sa drama movie na ito na pinili mula sa script submissions sa 45th Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Ito ang pang-limang pelikula na ginawa ni Aga na naging official entry sa
Metro Manila Fim Festival na ginaganap tuwing December 25.

Ang mga pelikulang ito ay Irosin: Pagputol Ng Araw…Babaha Ng Dugo (1989)
with Anthony Alonzo and Ricky Davao; Bakit Labis Kitang Mahal? (1992) with
Lea Salonga and Ariel Rivera; May Minamahal (1993) with Aiko Melendez at
RPG Metanoia (2010) na isang animation at si Aga ang nagbigay ng boses sa
character na Daddy.

Dalawang beses ding nanalo ng Best Actor award si Aga sa MMFF for Bakit Labis
Kitang Mahal? and May Minamahal.

RELATED STORY

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Miracle in Cell No. 7, Aga Muhlach plays a man who is wrongfully imprisoned because of a rape charge.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results