Nagmula sa pamosong Ranilllo clan sa showbiz, pamangkin si Vince ng actress-director na si Suzette Ranillo.
“First cousin po siya ng mom, si Joji. Kasi yung dad ng mom ko at saka yung dad ni Tita Suzette, magkapatid.”
Apo si Vince ng Queen Of Visayan Films na si Gloria Sevila. Si Suzette ang kumuha kay Vince para gumanap na anak niya sa Pagbalik, ang nag-iisa at pinakaunang Visayan film na nakasali sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019, na nagsimula noong September 13 at matatapos sa September 19.
Sa direksyon ni Suzette (Maria S. Ranillo), ang Pagbalik ay mula sa Nuances Entertainment Production at PRO.PRO in cooperation with Wildsound.
Noon pa nais ni Vince na mag-artista.
“Pero parang hindi pa ako ready talaga, nag-aaral ako,” pahayag pa ng 20-year-old De La Salle University student.
Nasa second year college sa kursong Early Childhood Development si Vince, at pasukan na nila sa Lunes, September 23.
Pinag-iisipan ni Vince kung tatapusin niya ang naturang kurso o lilipat siya sa Business Management dahil nais rin niyang magtayo ng sarili niyang negosyo balang araw.
Aniya, “Gusto kong maging businessman in the future, I want to build my own business.”
FLUENT IN BISAYA
Taga-Cebu si Vince, kaya hindi siya nahirapan sa role niya sa Pagbalik bilang isang binatang Cebuano. Purong Bisaya ang dialogue sa naturang pelikula.
“Mas fluent ako sa Cebuano kaysa sa Tagalog.”
Nanonood ng Tagalog teleserye at movies si Vince para mas mahasa pa sa Tagalog.
“'Tsaka lagi raw akong makipag-usap sa Tagalog para hindi ako mabulol,”ang nakangiting wika pa ng binata.
Sa Cebu ipinanganak at lumaki si Vince, at 17 years old siya nang tumira sila sa Maynila.
“Bale three years na ako sa Manila.”
Pinupuri si Vince ng mga nakapanood na ng pelikula, napaka-natural raw ng acting na ipinakita ng binata kahit never pa siya nakagawa ng pelikula before. Hindi rin daw siya nagpunta sa kahit anong training o acting workshop.
“Salamat po sa kanila. Dito po sa movie, wala po akong alam, hindi po ako nag-workshop, after nitong movie dun pa ako nag-workshop.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vince sa Gateway Cinema noong Miyerkules, September 11, sa premiere ng Pagbalik, na isa sa tatlong pelikulang napili sa ilalim ng PPP’s Sandaan showcase para sa ika-100 na anibersaryo ng Philippine Cinema.
Sa tanong naman kay Vince kung sino ang idolo niyang artsta, ang sagot niya, “Idol ko si Mat Ranillo III.”
Sikat na matinee idol at aktor noong 1980s si Matt, na kapatid ni Suzette.
"Siya yung nakikita ko before sa TV noong bata pa ako, siya ang inspiration ko sa pag-arte.”
Sa mga female stars ay crush niya si Liza Soberano. “Maganda siya, cute siya, cute siya, kahit saang angle.”
Desidido si Vince na pagsabayin ang kanyang pag-aaral ang pag-aartista