Piolo Pascual excited to shoot reunion movie with Claudine Barretto

by Melba R. Llanera
Sep 24, 2019
PHOTO/S: Raymund Isaac

Excited si Piolo Pascual sa balik-tambalan nila ni Claudine Barretto sa pelikulang ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

“I'm so excited, schedule na lang talaga ang hinihintay. We have a beautiful script,” masayang pagbabalita ni Piolo.

“I already spoke to Direk Cathy and Inang [Olive Lamasan]. I hope and pray that this will push through some time soon.

“I'm done with Fluffy and Fream next week, the [movie] with Alessandra [de Rossi]. Naka-line up na yung sa Star Cinema after.”

Ano ang kaibahan na maaasahan ng mga manonood sa reunion movie nila ni Claudine?

“We are talking about 15 years; Milan was 2004. We've grown so much and the roles that we can tackle are definitely more broad.

"So I guess, I'm just really excited about the experiences that we have gone through individually. We're both excited, we're in a different place where we enjoy what we do especially with our craft.”

Continue reading below ↓

Para sa aktor, isa si Claudine sa pinakamahusay na aktres ng kanilang henerasyon, kasama ang isa pang dating ka-loveteam na si Judy Ann Santos.

“She's definitely one of the best, if I may say. Di naman magiging Teleserye Queen yun, sila naman ni Juday before ang magka... di naman competing with each other, kasi, magkaiba naman talaga sila. But definitely they are both good.

“Hindi naman sila mag-i-stand out sa batch nila kung hindi sila magagaling."

Masaya rin ang Kapamilya actor sa malalim na pagkakaibigan nila ni Claudine.

“Personally, feeling ko, mas marami kaming magagawa ni Clau ngayon because of all these years na naghintayan kami na magkatrabaho uli.

“Magkaibigan kami, inaanak ko ang mga anak niya. Her family is my family."

Inaabangan din ng marami ang balik-tambalan nila ni Judy Ann. Biro ng aktor, sana ay matuloy ito nang di pa sila matatanda.

“Ang tagal ko nang hinihintay si Juday. Alam naman ng lahat iyan na ako, I'm just really waiting and hope it happens before our hair is all gray, kasi, kalahati ng ulo ko, gray na.

Continue reading below ↓

“Sana, bago pa kami tumanda at maging lolo’t lola na, makagawa kami ng pelikula."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa meet-and-greet niya bilang Ambassador ng Mega Sardines nitong Setyembre 21 sa Robinson's Galleria supermarket.

ON MARAWI MOVIE

Kinumusta rin namin kay Piolo ang movie nila tungkol sa Marawi siege na balak nilang i-produce ni Direk Joyce Bernal under Spring Films.

“We are still waiting actually. We're doing something underground, not naman necessarily underground but we're doing a lot of researches.

“We are not allowed to shoot there... It’s not safe. We have no choice but to put it on hold, we’re working on the script. Even the actors, we have to let go of them because of the schedule."

Marami ang nakakapansin sa mahabang buhok ngayon ni Piolo.

“I always want to grow my hair out ever since. Pag puti na ang buhok mo, pag maigsi ang buhok mo, everytime na tutubo 'yan, puti.

Continue reading below ↓

“Siguro, para lesser yung pagpapatina, it's really that. I also want to look different as well para iba naman ang looks.

“I think as an artista, it's important to sport new hairstyles to look someone different, para mayroon namang variety sa itsura mo.

“I'm cutting it soon. It's been 16 months. I started growing it on May last year, Since I Found You, yung last show ko.”

RELATED STORY

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Raymund Isaac
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results