Rocco Nacino wishes to work with more Kapamilya stars

by Arniel C. Serato
Sep 27, 2019
Rocco Nacino and Yeng Constantino topbill upcoming movie Write About Love from TBA Studios.
PHOTO/S: Arniel Serato

Masayang-masaya si Rocco Nacino na nakatrabaho niya ang tatlong ABS-CBN stars na sina Yeng Constantino, Miles Ocampo, at Joem Bascon sa pelikulang Write About Love ng TBA Studios (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, and Artikulo Uno Productions).

Malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang nasabing pelikula na tumatalakay sa buhay ng mga scriptwriters.

Continue reading below ↓

Gusto rin kaya niyang makatrabaho sa Star Cinema katulad ng ibang Kapuso stars?

Pag-amin ni Rocco, “If ano, gusto nila, why not.”

Naniniwala kasi ang Kapuso actor na hindi na ganun kaigting ang network war ngayon.

Kuwento nito, “I think nag-grow naman parehas, nag-grow na lahat.

“So, grabe parang pawala nang pawala ang naiisip ko tungkol sa network war.

"Kasi kaya na nating gumawa ng ganito as one.

“We have the same goal, to make quality movies.

“Maraming pagbabagong mangyayari.”

Ayon pa sa kanya, mas lalong sisigla ang industriya kapag maisantabi ang bangayan ng mga TV networks.

Saad nito, “Oo naman. Mas healthy kapag walang network wars.

“Kasi naman mas maraming magkakaroon ng trabaho.

“Maganda yung united lahat, this is proof na kaya natin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling showbiz writers si Rocco sa intimate lunch ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na handog ng TBA Studios noong Martes, September 24.

Continue reading below ↓

Isinabay na rin sa papiging ang launching ng trailer ng pelikula. Dumating rin sa naturang event si Yeng upang makihalubilo sa media.

“UNSUNG HEROES OF FILMMAKING”

Nagkuwento si Eduardo Rocha, isa sa mga producer ng pelikula tungkol sa peg ng Write About Love.

Ayon pa sa kanya, “We wanted to do a film about the unsung heroes of filmmaking—the script writers.

Continue reading below ↓

“About their writing process and how they create characters which often turns out to be their alter egos.”

Kung susuriing mabuti ang kuwento, parang isinabuhay nina Yeng at Joem ang proseso ng paghahabi ng kuwento ng karakter ni Miles bilang scriptwriter at ni Rocco bilang director.

Kinunan ang ilang bahagi ng pelikula sa Sagada, Mountain Province.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Mr. Rocha, “And it’s perfect timing since we are celebrating 100 years of Philippine cinema.”

Ibinahagi naman ni Ting Nebrida, isa sa mga taong nasa likod ng TBA Studios, na ilan sa mga kontribusyon ng kanilang kumpanya sa ika-isandaang selebrasyon ng Philippine cinema ay ang dokumentaryong Habambuhay at pelikulang Golden na kasali sa project market ng Busan International Film Festival.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino and Yeng Constantino topbill upcoming movie Write About Love from TBA Studios.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results