Michelle Madrigal stars in her most daring film yet

Michelle Madrigal is the "one and only choice" of award-winning director Edgardo “Boy” Vinarao to play the role of Mayet, the sensuous lass desired by barrio folks, in Bacao.


Official entry sa Sine Pambansa National Film Festival ang Bacao na pagbibidahan ni Michelle Madrigal.

Ito ang biggest break ni Michelle dahil siya ang one and only choice ng award-winning director na si Edgardo “Boy” Vinarao para gumanap sa role ni Mayet, ang sensuous lass na pinagnanasaan ng mga kalalakihan sa isang baryo.

Para kay Michelle, perfect timing ang pagdating ng offer ni Direk Boy na magbida siya sa Bacao dahil tapos na ang kanyang exclusive network contract sa GMA.

Nang tanungin tungkol sa non-renewal ng kanyang kontrata, sagot ni Michelle, “Hindi ko alam, si Tita Annabelle [Rama, her talent manager] yata… sila ang nag-usap.

“Perfect timing na hindi ako nag-renew sa GMA.

“Nag-aaral ako ngayon ng Culinary Arts sa Café Ysabel. Doon din nag-aral si Judy Ann Santos.

“One-year diploma course talaga siya.

“I always, always wanted to study.

“Kapag may kontrata ka, para kang doktor na 24/7.

“Kapag tinawag ka, kailangan nandoon ka [sa taping], walang excuse.”



MOST DARING PROJECT. Ang Bacao ang most daring project to date ni Michelle dahil nakumbinsi siya ni Direk Boy na magpakita ng hubad na katawan.

Pero tiniyak naman ng aktres na may limitasyon at walang frontal nudity.

Itinuturing ni Michelle na late-bloomer ang sarili dahil ngayon lamang siya nagpaseksi sa pelikula, kasunod ang biro na 10 years in the making ang kanyang movie career mula nang sumali siya sa Star Circle Quest ng ABS-CBN noong 2004.

“Ten years in the making ang career ko.

“Ten years in the making... ako na lang ang natira sa kanila [Star Circle Quest batchmates]!

“Hanggang side boob lang po ako… kay Direk lang ako pumayag nang ganoon.

“Binasa ko muna ang kuwento, hindi naman niya ako pinilit.

“Nag-meeting kami, ikinuwento niya sa akin ang story, then binigyan niya ako ng ilang araw para mabasa ko yung script.

“Siyempre, kailangan i-express ko ang sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Michelle, “Ang acting, kahit papaano, handa na ako.

“I mean, nagseseksi ako, like yung pictorials is okay.

“Hindi naman ako nakahubad doon, pero kapag movie, nandoon yung director of photography… kahit papaano, limang tao ang nandoon.

“Kapag nag-shoot, hindi maiiwasan na baka may makita.

“Nagdalawang-isip pa ako, pero nag-usap kami ni Direk, sinabi ko sa kanya ang mga kaya kong gawin.

“Hindi talaga ako puwede na frontal. Hanggang likod lang ang kaya ko.

“Pero kapag frontal, parang masyado na.

“Yung pictorial ko naman sa FHM, once lang ako nag-topless, yung last cover ko.

“Saka kapag nagkakaroon ako ng mga sexy pictorial shoot, I make sure na hindi talaga siya all out.

“Sa akin lang 'yon, preference ko ‘yon.

“Sa iba naman, they don’t care. Ako naman, I care.

“Dito naman sa Bacao, hindi naman all-out sexy.

“Maganda ang story, maganda ang role.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN