Allen Dizon portrays a priest who impregnated his girlfriend in indie film Daluyong

In the indie film Daluyong (Storm Surge), Allen Dizon plays a priest who gets his girlfriend (played by Diana Zubiri) pregnant. This movie will be directed by Mel Chionglo from a script by Ricky Lee.



Ang role ni Allen Dizon sa Daluyong bilang pari na may naanakang girlfriend ang masasabi niyang pinaka-challenging na gagampanan niyang role, so far.

Ito ay pamamahalaan ni Direk Mel Chionglo at mula sa panulat ni Ricky Lee. Si Diana Zubiri ang gaganap na girlfriend ng karakter ni Allen. Makakasama rin nila sina Eddie Garcia, Tirso Cruz III, Ricky Davao, at Chanda Romero.

Ani Allen, “Para sa akin, isa ito sa magiging pinaka-challenging na role ko.

Bago sa akin ang maging pari at hindi ko maisip talaga, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na maging isang pari, e.

“Siguro ay kailangan kong mag-research talaga.

"Kailangang malaman ko ang lifestyle talaga ng mga pari.

“Mabuti’t may mga barkada rin akong pari, nakaka-tennis ko sila at pinag-aaralan ko ang kanilang mga galaw at pagsasalita.

"Kaya balak ko rin silang ma-interview bago magsimula ang shooting nito sa November.

“Ang dami ko rin binabasa para mas maging pamilyar ako sa role ng isang pari.

"Kaya sana ay abangan nila itong pelikulang Daluyong, sigurado akong makabuluhan, napapanahon, at importante siyang pelikula,” paliwanag pa niya.

Katoliko si Allen at every Sunday raw ay nagsisimba siya.

REUNION MOVIE. Pahabol pa ng aktor, “Excited na ako kasi reunion movie ko ito with Direk Mel and Sir Ricky after Twilight Dancers and Lauriana.

“First acting award ko ang pelikulang Twilight Dancers at nanalo akong Best Actor sa Pasado Awards last year para sa pelikulang Lauriana.

"Kaya kapag Mel Chionglo-Ricky Lee tandem, saludo ako!”

Si Diana ang leading lady ni Allen sa pelikulang ito, ano ang masabi niya sa aktres?

“Maganda si Diana at siyempre ay magaling umarte si Diana, nanalo na siya ng Best Actress, e.

"Never pa kaming nagkasama sa pelikula kaya excited akong makatrabaho siya.

“Noong nag-i-start pa lang si Diana, parang sabay kami, kumbaga ay contemporary kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa tingin ko ay magiging maayos naman ang trabaho namin dito.

“Bilib din ako sa kanya at nakatapos siya ng college kahit naging busy at nagka-pamilya.

"Ako nang nag-graduate ng college, mga two years na ako sa showbiz.”

Si Diana ay graduate ng Theater Arts sa Miriam College.

INDIE KING. Ano ang comment niya ngayong tinatawag na siya bilang bagong indie King, na dating bansag kay Coco Martin?

“Si Coco naman ay matagal na rin siyang gumagawa ng indie films before, 'tapos ngayon ay nasa mainstream na siya.

"Marami na siyang nagawa, kumbaga ay wala na siyang dapat i-prove.

"Magaling siyang artista at maganda ang paghawak sa kanya ngayon sa ABS-CBN at maganda ang mga soap niya.

“Kung tatawagin akong Indie King, magiging proud siyempre ako.

"Masarap ang pakiramdam kumbaga, kung ako ang may hawak ng trono.

“And siyempre, kung ang papalitan mo ay isang tulad ni Coco Martin na ngayon ay nasa mainstream na, mas matindi iyon, e,” nakatawang saad pa ni Allen.

Kung may alok sa iyo sa TV o mainstream movie, posible bang iwan mo ang indie films?

“Ay, hindi ko iiwan ito! Definitely ay hindi ko iiwan ang indie.

“Kumbaga, kung may kukuha sa akin sa soap o may gagawin akong mainstream film, hindi ko naman siyempre tatalikuran ang indie.

“Kumbaga, dito ako nag-start dati, dito ako nakilala… nanalo ng awards… lahat. Kaya hindi ko iiwan ang indie.

“May mga time siyempre na gusto mo rin gumawa ng mainstream, ng soap…

Pero ako naman, kung mayroon man o wala ay okay lang sa akin.

"Basta maghihintay na lang ako ng darating na projects.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN