Maine Mendoza reveals having a slight crush on Carlo Aquino

by Rose Garcia
Oct 2, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Magkaiba ng network ang mga bida ng pelikulang Isa Pa, with Feelings.

Eat Bulaga mainstay at GMA-7 artist si Maine Mendoza samantalang ABS-CBN talent si Carlo Aquino.

Sa grand mediacon ng pelikula noong Setyembre 30, Lunes, sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma Mall, tinanong namin ang dalawa sa reaksiyon nila nang malaman nila na sila ang ipapareha.

Ayon kay Carlo, na-excite at kinabahan siya nang malaman niya na si Maine ang magiging leading lady dahil alam niya kung gaano kalaki ang fandom ng AlDub.

Pero mas nangibabaw raw sa kanya ang excitement lalo na at pinapanood lang niya dati ang mga Dubsmash nito.

Tahimik lang daw si Maine noong umpisa, pero hindi niya akalaing kalog pala.

Natatawang nagbiro si Maine, “Nainis po ako!”

Binawi niya agad at sinabing, “Siya po talaga ang gusto kong maging leading man. Kasi, noong napanood ko yung movie nila ni Bela [Padilla], yung Meet Me at St. Gallen, talagang yung admiration ko sa character niya, ewan ko... parang noong napanood ko siya, naging crush ko siya nang slight.

Continue reading below ↓

“Pero noong paglabas ko ng sinehan, nawala rin,” natawang sabi pa ni Maine.

“So siya talaga. Sabi ko, iba siya sa sinehan, iba siya sa big screen. Kaya sabi ko, kung magkaka-movie ako, sana, magbigyan ako ng chance na si Carlo ang makatrabaho ko.”

Tinanong din namin si Maine kung ano ang pakiramdam niya na kahit na nanggaling siya sa isang napakalaking loveteam, ngayon ay nagagawa na niyang mag-solo at nakakawala na siya sa phenomenal loveteam nila ni Alden Richards.

“Okay din po siya kasi, naisip ko, it’s a chance to grow and to explore and to work with actors in different networks.

“Nagpapasalamat po ako sa aking management na talagang pinayagan po ako na gumawa ng pelikula under Black Sheep.

“At sa Black Sheep po na kinonsider nila ako and kay Carlo—na pinagtitiyagaan mo ko, maraming salamat.”

Continue reading below ↓

Nakilala namin si Maine na may pagka-reluctant pagdating sa pag-arte lalo na ng drama. Pero sa trailer ng Isa Pa, with Feelings, nakikitang hindi siya nagpapatawa lang dito, nagdadrama talaga siya.

Posible kayang isunod na rin niya ang teleserye?

“Hindi ko pa po masasabi sa ngayon, depende pa rin po sa proyektong io-offer sa akin in the future. Pero, tingnan po natin kung kakayanin ko po.

“Kung hindi, babalik na lang ako sa comedy. Since yun po talaga ang comfort zone ko.”

Ayon kay Maine, kahit na sinasabi na ng mga nakapaligid sa kanya na okay siya sa drama, iba kasi ang pananaw niya sa sarili pagdating sa ganitong karakter.

"Iba po kasi ang standard ko sa sarili ko and mahirap din po akong ma-convince,” saad niya.

“Alam ko na kapag may proyekto akong ginawa at hindi maganda ang ginawa ko, ina-admit ko. At alam ko na deserve ko yung bashing ng tao sa akin.

Continue reading below ↓

“Pero feeling ko naman may improvement ako na .2%,” saad niya.

Sa ginawa niya sa Isa Pa, with Feelings, nakumbinse naman niya ang sarili niya?

“Hindi pa masyado,” natawang pag-amin ni Maine.

“Alam ni Direk [Prime Cruz] yan. Every time na may heavy scene kami, alam ni Carlo na parang ayokong tumigil hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko.”

Nag-congratulate daw sa kanya si Alden at napag-uusapan naman nila ang pelikula.

Pero hindi pa masagot ni Maine kung magpapakita rin ng suporta sa kanya ang dating ka-loveteam tulad ng pagpu-post nang ipalabas ang pelikula nito na Hello, Love, Goodbye.

Katwiran ni Maine, “Wala pa rin naman po, hindi pa rin naman po showing ang pelikula.

“Pero before po, nagkakuwentuhan na rin po kami kung tungkol saan po ang pelikula. Tinatanong niya ako about it and very open naman po kami sa mga ginagawa naming projects.

Continue reading below ↓

“Pinag-uusapan namin and very happy kami sa success ng isa’t isa.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results