"Desperadas" stars wear pink for breast-cancer awareness


(L-R) Marian Rivera, Rufa Mae Quinto, Ruffa Gutierrez, and Iza Calzado wore pink not only during the premiere night of Desperadas but also during the 33rd Metro Manila Film Fest parade that took place last December 24.


Bilang pag-promote sa pelikulang Desperadas ng Regal Entertainment, hinikayat ni Ruffa Gutierrez ang kanyang mga kapwa artista at mga manonood na magsuot ng kulay pink sa kanilang premiere night noong December 23, 2007.

Hindi lang ito fashion statement. Isang paraan na rin ito to raise awareness para sa Pink For Life Foundation, isang grupo na binuo para sa kapakanan ng mga kababihang may breast cancer.

"Noong premiere night ng aming movie sa SM Megamall ay talagang I obliged lahat ng manonood na magsuot ng pink na damit bilang pagsuporta sa Foundation," kuwento ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa aktres, nagsimula ang kanyang pagsuporta noong plano pa nilang gawin ang movie kasama ang orihinal na mga bida ng Desperadas-sina Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, at Pops Fernandez. Ang Desperadas ay isa sa siyam na kalahok sa 33rd Metro Manila Film Fest.

"When we're starting the original cast of Desperadas, kami pa nina Gretchen, Dawn at Pops noon. Naisip ko talaga na kailangan may relevance 'yong movie namin because hindi lamang basta-basta pelikula 'yong comeback namin.

"You know, Desperadas, something like Sex In The City and Desperate Housewives combined into one, kailangan may mapupulot din silang aral, and kailangan we should also help people."

Ayon sa aktres, gusto nitong suportahan ang foundation for women na may breast cancer dahil ang istorya ng kanilang pelikula ay tungkol sa half-sisters na malalaman na ang isa sa kanila ay may cancer.

"Why breast cancer? Because I have some family members on my mother side who died of breast cancer," confides Ruffa. "It's something we should be aware of and how to prevent it, and in case mayroon tayong kakilalang may breast cancer, support the person who has cancer."

Ayon sa aktres, hindi siya ang namumuno ng Pink For Life Foundation kundi si Ms Aireen Martel-Francisco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya naman sila ang napili namin because we really know they have a heart for the poor and we know when we raise awareness for them, and we donate funds, alam namin kung saan pupunta ang pera."

Ang Regal Entertainment movie na Desperadas ay mapapanood sa mga sinehan simula January 1, 2008. Bukod kay Ruffa Gutierrez, kasama sa pelikula sina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Marian Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN