Richard Yap on shooting scenes with Praybeyt Benjamin 2 co-star Vice Ganda: "Basta may respeto lang."

In Praybeyt Benjamin 2, Richard Yap is cast as the commanding officer of Vice Ganda.


Nagsimula nang mag-shooting ang aktor na si Richard Yap para sa kauna-unahan niyang pelikula sa Metro Manila Film Festival, ang Praybeyt Benjamin 2 sa direksyon ni Wenn Deramas last Friday. At the same time, puspusan din ang taping niya para sa nalalapit na pagtatapos ng morning drama series niya with Jodi Santamaria na Be Careful With My Heart sa ABS-CBN.

“Well, as of now, basta I’m allotted three days-three days. Three days to shoot, three days sa taping. Sunday, rest ko naman,” bungad ni Richard nu’ng makausap namin siya sa thanksgiving party para sa first anniversary ng kanyang restaurant, ang Wang Fu Chinese Bistro along Tomas Morato last Friday.

Umaga na siya natatapos ng taping?

“Inuumaga,” sagot niya. “Kanina 3 o’clock na ako na-packup. Naka-sleep ako mga five hours before going here [Wang Fu restaurant].”

Hanggang kalian ang taping nila sa Be Careful With My Heart?

“Wala pa’ng schedule, e. As of now, nasa schedule ko hanggang November 27 taping day pa rin, e, haha!

“Pero [November] 28 ang last showing, e, so I don’t know if we’re going to reach until 27.”

Ano ang magiging ending ng serye nila ni Jodi?

“Wala pa kaming [idea]. I’m sure it’s gonna be a happy ending. Hindi naman pwedeng maging sad ang Be Careful. Kaya lang hindi pa namin alam kung how it will end.

“Weekly lang dumarating sa amin yung script.

“Ngayon, balik kami kung ano yung na-shoot ipapalabas agad. Balik na naman kami sa ano, kasi malalaking eksena. So, nawawala na naman ulit yung pondo.”


ON HIS 2014 MMFF ENTRY. Sa upcoming Metro Manila Film Fest entry na Praybeyt Benjamin 2, si Richard ang gaganap bilang commanding officer ni Vice Ganda.

Sino kaya ang magka-catch ng more attention sa kanila ni Vice sa MMFF parade?

Natawa si Richard.

“Uh, sa tingin ko si Vice. Mas marami, mas malawak ang followers ni Vice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan ay nagpa-audition si Direk Wenn para sa Praybeyt Benjamin 2.

Sa tingin niya, bakit nagpa-audition si Direk Wenn?

“Ahh, meron kasing isang character na…ka-level niya sa hierarchy nu’ng ano sa military. So, yun siguro ang hinahanap nila.”

Totoo ba na isasama si Alex Gonzaga sa sequel ng Praybeyt?

“Yes,” sambit ng businessman-turned-actor.

Ano ang role ni Alex?

“Ah, abangan ninyo na lang. Haha!”

Sila ba ni Vice ang “magka-loveteam” sa movie?

“Hindi naman siguro lovetam. Ano lang siguro, may angle lang.”

Okey ba sa kanya na wala siya sa title ng Praybeyt Benjamin 2?

“Ah, okay lang naman. Hindi naman kailangan.”

Hindi ba siya naiilang working with gay people?

“Okay lang naman yun kasi marami naman ako’ng kaibigan na gay.”

Paano kung “landi-landiin” siya sa movie ni Vice?

“Okay lang, ano lang sa akin, basta may respeto lang. Hindi yung ano,” naputol na sagot niya kasunod ang malakas na tawa.

May nagsasabi na safe siya kay Vice kasi hindi naman siya basketball player?

“Hahaha! Ah, hindi ako type ni Vice,” ngiti niya.

Kumusta ang first shooting day niya?

“Ah, inaano ko naman, parang ano lang din ‘to, parang taping lang din. Inisiip ko

na lang na parang taping din.”

Pagkatapos ng Be Careful saka totodo ng shooting si Richard para sa Praybeyt Benjamin 2.

“Oo, kasi ano, medyo punung-puno rin kasi ang schedule ni Direk Wenn para sa amin. Kasi before that, he had Maria Leonora Teresa. Then, may ginagawa rin siyang soap? ‘Yun pa may Moron 5.2 pa siya.”



ON KRIS AQUINO’S SON. Nagka-eksena na ba sila ng anak ni Kris Aquino at James Yap na si James “Bimby” Aquino Yap?

“Yes, marami kaming eksena.”

Ano ang connection niya kay Bimby sa pelikula?
“Ah, secret. Hahaha!”

First time niya working with Direk Wenn sa Praybeyt Benjamin 2.

“Yes, but I heard a lot of good things about him. Mabait daw katrabaho and he’s very fast, professional and very creative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, napagusapan na namin ito before, nu’ng My Binondo Girl pa ako.

“Kasi ah, I think, Ms. Ai [Ai-Ai delas Alas], was doing film with him.

“Then, sabi niya sa akin, ‘Sabi ni Direk Wenn, gawa raw tayo ng pelikula.’ Matagal na pero since that time hindi ko siya na-meet. Kaya hindi rin natuloy.

“Ngayon lang natuloy na magkatrabaho kami ni Direk Wenn.”



DREAM PROJECTS. Wish ba ni Richard na magkaroon ng isang straight heavy drama movie?

“Ah, hindi ko alam kung kaya ko’ng mag-drama ng straight.

“Ayokong masyadong umiyak. Ayoko ng iyakan. Magkaka-eyebags tayo niyan,” ngiti niya.

Sino ang pangarap niya na maging leading lady bukod kay Jodi?
“Wala naman ako’ng ano, ah, pinipili. Kung sino lang ang ma-pair sa akin.”

Patunay nito ay ang partnership nila ni Vice sa Praybeyt Benjamin 2.

“Well, actually, magkaibigan kami ni Vice even before the movie, so, magkakilala na kami. We were supposed to have a movie with Jodi [Sta. Maria] last year, yung sa Be Careful. E, hindi natuloy. So, hindi natuloy, sige. Hindi muna namin inisip yung movie.

“E, biglang, sabi ni Vice, ‘Gumawa nga tayo ng pelikula, may idea na ako.’ ‘O, sige.’ So, it was supposed to be some, another film. E, since hindi rin natuloy yun, etong Praybeyt Benjamin naging part ako.”

CHRISTMAS PLANS. Tuwing Linggo na lang daw ni Richard nakakasama ang pamilya niya dahil sa salitang taping at shooting niya.

“Yeah, yun nga for the next two to three months.

“Naiintindihan naman nila. Alam naman nila na trabaho.

“And then, alam naman nila na kapag wala ako’ng trabaho nand’yan lang naman ako sa bahay, magkakasama kami parati.”
This year, maiiba rin ang set up ng Christmas celebration niya with his family.

“Dito lang kami sa Christmas kasi may movie ako. So, after Christmas siguro that’s the time na aalis muna kami. Baka mga December 27 kami magbabakasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Out of the country, somewhere near lang. Asia lang siguro.

“Oo, kasi may pasok na rin ang mga bata by January. Hindi rin kami maka-long vacation.”

Since puno na ang schedule niya for the whole week, paano pa niya naasikaso ang mga negosyoa niya particularly ang Wang Fu Chinese Bistro?

“We have trusted people naman sa restaurant and yung partners ko like si Lester [Pimentel], sila talaga ‘yung hands-on, e. But when I’m around the area or may biglaang free time, pumupunta naman ako. Dito ako usually kumakain.”

Masaya si Richard sa success ng Wang Fu Chinese Bistro sa Tomas Morato and now, magbubukas sila sa UP Town Center by December.

“Surprisingly, ang Wangfu supposed to be within the area lang ‘yung kumakain dito. Pero ngayon mas malakas siya sa mga balikbayan.... because of TFC, yung show namin ni Jodi napapanood nila abroad,” pagtatapos ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN