Alexa Ilacad's reaction when offered lead role in a movie: "Walang manonood diyan!"

by Rose Garcia
Oct 10, 2019
Alexa Ilacad explains why she almost turned down the chance to be the lead character in the horror movie Santigwar.
PHOTO/S: Rose Garcia

Taong 2017 pa raw ang huling pelikula ng ABS-CBN star na si Alexa Ilacad bago siya napapayag magbida sa horror movie na Santigwar.

Muntik na raw niyang tanggihan ang movie dahil nakakaramdam siya ng matinding pressure.

“Noong sinabi nilang lead, sabi ko, 'Walang manonood niyan!'

"Natakot po akong talaga. Ayoko naman na magka-movie ako na sabihin nila na flop or ganun.

“Pero naisip ko rin na ‘wag mo nang isipin ‘yan. You can’t do anything with things beyond your control.

“So, sayang yung opportunity.

"Kung hindi ko tanggapin, I’ll be stupid and sayang yung chance na makatrabaho ko sina Direk.”

Ang director ng movie ay si Joven Tan, na nagdirek ng Petmalu, Wander Bra, Otlum, Pansamantagal, at And Ai, Thank You.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alexa sa last shooting day ng Santigwar noong Oktubre 1, Martes, sa Bulacan.

Continue reading below ↓

WHAT IS SANTIGWAR?

Kasama ni Alexa sa Santigwar si Marlo Mortel, pero hindi sila magkapareha sa pelikula dahil wala raw siyang ka-love team.

“Ako po ang santigwar, at ang santigwar ay para siyang healer or kalaban. Pumapatay sa mga aswang.

"Pero sabi rin ng iba, ang santigwar rin ay yung kutsilyo na pamatay.”

Halloween presentation ito dahil sa October 30 raw ito ipalalabas.

Mas gusto ba niya yung walang romance at wala siyang kapareha sa movie?

“Opo. Well, hindi naman mas gusto pero for a change.

"Hindi naman hinihingi ng istorya ang romance at parang buo na naman ang istorya kahit na magbabarkada lang, wala kaming koneksiyon sa isa’t isa.”

Na-challenge siya nang husto sa fight scenes niya.

“Kasi, nakakaubos talaga siya ng lakas. Lahat ng lakas—mentally, physically, emotionally.

“Ngayon ko lang kasi nagawa na may fight scene and wala naman po akong practice or past experience with that.

Continue reading below ↓

"Pero masaya. Nag-enjoy ako,” nakangiting sabi niya.

Ang pagiging santigwar ay namana niya sa ama niya na ginagampanan ni Dan Fernandez.

IS SHE OPEN TO HAVE ANOTHER LOVE TEAM?

Nanggaling si Alexa sa Nlex love team nila ni Nash Aguas nang ilang taon.

Ngayon ba, gugustuhin pa rin niyang magkaroon ng bagong ka-love team?

“Okay naman, kahit ano po, okay ako,” saad ni Alexa.

“Iba rin po kasi ang mundo ng may love team at iba rin naman po ang mundo ng solo ka. Mas may freedom ka po talaga kapag solo ka.

“Ngayon po, sa The Killer Bride, wala akong love team at mas nae-express ko ang sarili ko in terms of being an artist and ayoko ho talagang magka-jowa ng artista, ayaw na.”

Si Alexa na rin ang nagsabi na hindi iyon dahil na-trauma siya sa nangyari sa kanila ni Nash.

“It’s not because of trauma or anything, pero ayoko na.

Continue reading below ↓

"Pero kung magka-love team, kasi yun naman talaga ang kinakapitan ng mga tao.

“Kung bibigyan ako ng love team na magwu-work, of course, tatanggapin ko po yun and I know, hindi imposible na ma-develop.

“Pero ngayon, mas masaya ako na naka-focus ako sa sarili ko.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad explains why she almost turned down the chance to be the lead character in the horror movie Santigwar.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results