Nora Aunor was first choice for Taklub, Brillante Mendoza’s film about Yolanda victims

Nora Aunor hugs her manager Boy Palma, who celebrated his birthday recently. The Superstar has just finished shooting her scenes for Taklub, Brillante Mendoza’s film about Yolanda victims.


Masayang nakipagdiwang ang Superstar na si Nora Aunor sa kaarawan ng kanyang manager na si Boy Palma last October 16 sa Music Box, Timog Avenue, Quezon City.

Bale pangalawang selebrasyon na ito ni Boy, dahil may surprise birthday party para sa kanya ang produksiyon ng indie film na Taklub noong nasa Tacloban sila ni Ate Guy (Nora). Ginanap ito noong October 3, ang last shooting day ng aktres para sa bagong pelikula ni Brillante Mendoza. Nag-shooting si Nora ng Taklub sa Tacloban, Leyte mula September 27 hanggang October 3.

Nu'ng last day shoot nagkaroon ng surprise birthday party para kay Boy, na kasama ni Nora noong panahon na iyon.

Kuwento ni Boy, "Actually, yung production ang naghanda no'n, sina Ruby Ruiz [character actress, kasama sa cast ng pelikula], kasi sinabi sa kanila ni Guy na birthday ko, on October 7."

Pero sa araw mismo ng kanyang kaarawan ay nagkasakit si Boy, si Ate Guy, si Glenda Kennedy, Nora's friend na mina-manage din ni Boy, at halos lahat ng bumalik sa Maynila matapos ang Taklub shoot.

"Dahil siguro sa virus doon, kasi, di ba, ang daming namatay sa Tacloban? Nakakalungkot..." pagre-recall pa ni Boy.

Pero iniwasan ng may kaarawan na ma-dampen ang kanyang spirit ng nakakalunos na alaala ng naranasang sitwasyon, at least, sa gabi ng pagdiriwang.

Ganu'n din si Nora, na masayang naroon ang ilang core group members ng NFF (Nora's Friends Forever), led by Nestor de Guzman, among her many fans clubs here and abroad.

Namataan ng PEP ang halos buong staff ng Centerstage Productions (the company behind Taklub), maliban kay Direk Brillante na maagang umuwi.

Bukod kina Nora at Glenda, dumating ang iba pang kaibigang artista ni Boy Palma para makipagsaya: sina Ricky Lee, Bing Loyzaga, Rosanna Roces, John Rendez, at Yul Servo, na late dumating sa party pero nag-stay nang matagal.

Kasama ang mahuhusay na stand-up singer-comedians ng Music Box, nagparinig ng mga kanta sina Bing Loyzaga, Rosanna Roces, Yul Servo, at mismong si Boy Palma, na sinamahan pa ni Nora sa elevated platform-stage ng venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo emotional si Kuya Boy sa tabi ng kanyang actress-talent:

"Working with Ate Guy is not an experience, for 20 years now," sabi niya. "It's an advocacy na kailangang gawin ko because mahal ko siya."

Unang nagka-trabaho sina Nora at Boy noong June 1994. Through ups and downs ng career ni Nora, sa Pilipinas man o sa Estados Unidos, ay nanatili silang somehow bonded, hanggang umuwi si Nora sa bansa noong August 2011, at nagpatuloy ang kanilang partnership.

Ang impression ng marami, may mabuting pag-kontrol si Boy Palma sa takbo ng career ni Ate Guy, bilang personal manager at kaibigan.

"I don't want to use the word 'control,’" salungat ni Boy, "kasi, ang sinasabi ko lang kay Guy parati, when we talk, 'This is good for you...' ganyan... but I never control her.

"Guy is so intelligent, na alam niya kung tama [o mali] ang isang bagay sa kanya."

BACK TO BACK CELEBRATION. Kagabi rin, inasalto ng mga guests ni Boy si Direk Adolf Alix Jr., ang isa pang nag-birthday, na nataon mismo ang kaarawan on October 17.

Bale dalawang direktors ni Ate Guy ang nasa party na iyon: sina Brillante Mendoza ng Taklub at Adolf Alix Jr.

Si Adolf ang direktor sa likod ng mga sumusunod na proyekto ni Nora: ang short film na Kinabukasan (with Alden Richards and Rosanna Roces); full-length movie na Padre de Familia (with Coco Martin); at full-length filma na Whistleblower, featuring Cherry Pie Picache, Angelica Panganiban, at Laurice Guillen, among many others.

Nabanggit ni Direk Adolf sa PEP na next year ipapalabas ang Whistleblower, habang ang Padre De Familia ay hinahanapan pa ng akmang playdate; iri-release daw ito ng Star Cinema.

"May marketing na nag-aasikaso, hindi ko pa alam kung this year, o next year maipapalabas [ang Padre De Familia]," ani Adolf.

Ang Kinabukasan ay magkakaroon ng Philippine premiere ngayong Nobyembre sa Cinema One Originals Filmest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKLUB ISSUE WITH VILMA SANTOS. Hindi pa tapos ang party nang makapanayam ng PEP si Boy Palma, matapos magpaalam ang mga bisita niyang artista at ilang taga-production.

Marami siyang naibahaging anecdotes hinggil sa shooting ng Taklub.

Nasa venue naman ang isa sa assistants ni Direk Brillante, si Howard Yambao (docu-feature and music video director), na may ginawang paglilinaw.

Tungkol ito sa usap-usapang, diumano, hindi kay Nora Aunor--kundi kay Vilma Santos--unang inialok ni Brillante Mendoza ang Taklub, ang indie project na tungkol sa typhoon Yolanda and its victims.

Sa anumang kadahilanan, hindi umano natuloy ang actress-politician, at lumilitaw na second choice lang si Nora para sa role ng inang nawala ang tatlong anak dahil sa supertyphoon Yolanda na nanalanta sa bansa noong Nobyembre 8, 2013.

Sabi ni Howard Yambao sa PEP: "No. It was really meant for 'nanay' Guy [Nora Aunor].

"There were schedule problems, yes. But the role was really meant for Ate Guy.

"When we were thinking of the whole thing, we already had Nora Aunor in mind."

Bagay na naisatinig din ng screenwriter ng Taklub, si Honylyn Joy "Honee" Alipio, who said in a separate PEP interview, "I was thinking of her [Nora] while I was writing the script and the lead character."

Ang pangunahing character ng Taklub ay hango sa personal na karanasan ng isang Taclobanon, si Bebeth Rolyaston, isang inang nawalan ng tatlong anak dahil sa supertyphoon Yolanda. Ngayon, ang naturang ina (nicknamed Baby) ay kapiling ang naiwang teenage daughter.

Boy shared, "Early this year, we already had a meeting with Direk Brillante [for the Yolanda project]; nu'ng una, ako pa lang ang kinausap niya, then si Guy who told him, 'Direk, kausapin mo po si Kuya Boy, kasi hindi ko alam ang schedules..."

"Yun lang naman ang naging problema. But we didn't say 'no' to the project."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag naman ni Howard: "Correct! The role was really meant for Ate Guy and we're happy we had her."

Natapos ang shooting ng Taklub for 10 days straight (with Nora shooting her scenes within 7 straight days, kasama ang immersion).

Howard happily noted, "Amazing talaga [si Nora]!”

The whole production of Taklub is hopeful for the film's international premiere in 2015.



MEMOIRS. Pagbabahagi pa ng manager ni Nora, "Nu'ng first day shoot namin [ng Taklub], pagdating namin ng Tacloban, sabi ko kay Direk Brillante, 'Direk, I don't know papa'no mo malalampasan ang Thy Womb.'"

Ang Thy Womb ang unang actress-director collaboration nina Nora at Brillante Mendoza noong 2012.

Well-received at critically acclaimed ang Thy Womb, locally and internationally; maraming parangal here and abroad ang napanalunan ng pelikula, nina Direk Brillante at Nora Aunor.

Walang anumang pagbanggit si Direk Brillante hinggil sa bagong pelikula, base sa kuwento ni Boy.

Pero marami siyang naging obserbasyon sa mga kinunang malalaking eksena, sangkot si Nora at daan-daang extras: sa evacuation center, sa Tent City, sa graveyard, na nasa Tacloban, Leyte kunsaan hindi pa makabangon ang residente nito from the onslaught of the killer typhoon.

"First day shoot pa lang ni Guy, ang bigat na agad," sabi ni Boy.

May eksenang natabig ni Nora (as Bebeth) ang tasang naroon ang mukha ng kanyang mga anak na nawala at nabasag iyon.

Matiyaga uling binuo ng character ang nagkapira-pirasong drinking cup, na dadalhin niya sa puntod (na walang lamang bangkay) at ipagtitirik ng kandila.

May eksena rin ng paglikas ng mga typhoon victims, involving some 1,500 Taclobanons as extras, ayon din kay Boy.

At eksena ng pagkasunog ng mga tinitirhang tents ng mga biktima; mga maliliit na bunkhouses, na tumutulo pag umuulan at halos hindi magkasya ang magpapamilya sa liit.

"Naisip nga namin ni Guy, pagkakita namin, 'may gobyerno pa ba tayo?' Nakakaawa ang mga biktima ng bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi naman ni Mayor [Alfredo Romualdez, of Tacloban City], 'Nagkataon lang na ako ay isang Romualdez...'"

UNFORTUNATE LIVES. Going back to his observations on the shoot, matapos raw ang eksena ng pagkasunog ng mga tent, sabi niya kay Brillante, "Direk, I admit, malalampasan nito ang Thy Womb...'

"Kung halos walang ka-dialogue-dialogue si Guy, sa Thy Womb, dito naman [sa Taklub], marami siyang dialogue. At saka iba ang ipinakita dito ni Guy.

"So, sabi ko na kay Direk, 'Now I believe, nu'ng in-offer mo ito, tama ang sabi ni Larry [Castillo, line producer for Centerstage Productions], 'Mabigat man ang kuwento, pero maganda. Nakita ko lahat ng proseso, how you do it.'

"Grabe ang talents dito! Sa evacuation scene may 1,500 [na tao]. Ganu'n kadami ang tao. Sa graveyard, mga 500 extras.

"Sa sunog scene, sa tent, mga ganu'n din karami; yung tents mismo na tinitirhan nila ang nasunod. Gano'n sila kamalas.

"Tapos, inilalabas yung mga nasunog na families, yun ang nangyari talaga.

"Nu'ng makita ni Guy na isa-isang inilalabas yung mga nasunog na katawan, na naaagnas na, yung action ni Guy doon, iba.

"Suwerte si Guy at si Brillante, kasi ang ganda ng rapport nilang dalawa.

"Ang tanong nga ni Guy, 'Kuya, ba't gano'n? 'Pag si Brillante ang nagdidirek sa akin, ang bilis kong maiyak?'

"Is it the motivation, Guy?" balik-tanong naman ni Boy sa aktres.

"Hindi naman po niya ako minu-motivate. Sinasabi lang niya sa akin ang istorya,'" sabi ni Nora kay Boy.

"'You know why? Kasi totoo lahat yung ipinapakita niya sa 'yo. Totoong nangyari. Yun ang nangyari, e.

"Sabi ni Direk sa kanya, 'Ito ang nangyayari, Guy. Hindi ko ito script. Ito ang nangyari. Bahala ka na.'"

Totoo bang madaling araw nang kinunan ang isa sa mabibigat na eksena ni Nora?

"Yung sa graveyard…doon ako nadala. Hindi ko kaya. Grabe!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang klase si Guy dito... walang dialogue; basta nung itinitirik na yung mga kandila, na inilagay sa tabi ng mga tasa ng mga anak niya... oh, my God!" naiiyak si Kuya Boy sa paglalahad.

"Tapos, makikita mo, yung mga talents, lahat, umiiyak. Na hindi OA. Totoo..."

EMOTIONAL PEG. Maging ang nagsilbing peg, o inspiration, para sa ginagampanang tauhan ni Nora Aunor sa Taklub ay hindi naiwasang madala o maapektuhan ng eksenang binigyang-buhay ng aktres sa harap ng kamera.

Kuwento pa ni Boy Palma, "Yu'ng first day scene namin, nang matabig ni Guy yung tasa, at nabasag... si Baby, ang inspiration sa role, biglang humagulgol at pumasok sa kuwarto.

"Kasi naka-relate siya sa eksena. Kaya sa graveyard scene, sabi ni Guy sa kanya, 'Huwag kang pupunta [para manood ng shooting], kasi hindi mo alam ang gagawin ko. Baka lalo kang madala...'

"Hindi pinapunta [ni Guy] si Baby."

Maaaring maaga pa para magpahayag, pero sabi ni Boy Palma, base sa naobserbahan sa shooting, "It's a masterpiece... only Brillante can do it!"

On behalf of the whole production team, nagpahayag din si Boy Palma ng pasasalamat sa mga residente ng Tacloban, Leyte, na naging bahagi ng Taklub.

"We're very thankful sa lahat ng Taclobanon... lahat ng talents doon, kasi kahit hindi sila artista, ipinakita nila na naka-relate sila kasi namatayan sila," saad ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN