Krista Miller narrates how she nearly drowned while shooting Hukluban

Kahit muntik na siyang malunod ay willing si Krista Miller na kunan muli ang eksena kung hindi ito nakunan ng maayos sa unang take. "Opo! Para sa akin kung mali, okay lang sige, ulitin,” sabi ng lead actress ng Gil Portes film na Hukluban.



Ikinuwento ni Krista Miller sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na muntik na siyang malunod habang kinukunan ang isang eksena sa indie horror movie na Hukluban.

Ang Hukluban ay isa sa mga entries sa Sineng Pambansa Horror Plus Movie Film Fest na organized ng Film Development Council of the Philippines.

Mapanood ang mga entries sa mga SM cinemas simula October 29 hanggang November 4.

(Read: What to expect from 2014 Horror Plus Film Fest)


Leading man ni Krista sa Hukluban si Kiko Matos at ang direktor nila ay si Gil Portes.

Kuwento ni Krista, “May eksena kasing kinunan sa pelikula na naliligo siya sa isang ilog at muntik na siyang malunod dahil hinila siya ng malakas na undercurrent ng ilog.

“Sobrang bilis po ng mga pangyayari! Kasi po, hindi ko naririnig yung cue ni Direk kasi malayo si Direk tapos malakas yung tunog nung alon, e.

“So hindi ko rinig, kumbaga nagbe-base lang ako dun sa mga cameraman, kung go na ba, kung ganyan.

“So iyon nga nag-exit frame ako then pagsisid ko, actually dalawang take yung pagsisid ko. Yung una kasi medyo pa-right yung pagsisid ko na hindi pa ganun kalalim.

“As in talagang since simpleng exit frame lang, dun pa lang medyo na-ano na ako, medyo natatangay na ako [ng current] ng konti pero nakontrol ko naman yun.

“So okay naman. So isa ulit, exit frame ulit ng ano, iyon na yung sabi ni direk, mas laliman ko pa daw [ang pagsisid].

“So nung pag-exit ko, iyon nga sa ilalim pa lang natatangay na pala ako. Tapos pag-ahon ko nandun na ako sa may bandang malakas na alon, sa may bandang batuhan.

“Tapos pag-ano ko bigla talagang as in sobrang bilis na lang, e.

“As in natangay na ako, na una nakakapit pa ako dun sa bato.

“Pero sa sobrang lakas nakabitaw ako.

“E, alam mo yung siyempre naka-topless ka, pero hindi ko na naisip yun, e. Basta yung ano talagang ang bilis e, na-blangko na ako na ewan.”

Isa sa mga crew sa set ang maagap na nasagip si Krista.

“Ayun nga yung pagsagip niya sa akin, parang sinunggaban niya ako nun, e, di lubog ulit ako, so nakalunok pa ako ng tubig nun.

“Tapos pag-ahon niya sa akin, yakap-yakap niya ako, tapos as in tulala lang ako nun!

“And then after nun, hindi muna ako tumatayo, nasa gilid lang, sabi ko kina Direk, ‘Direk kung mali, okay lang, okay lang, kung uulitin, ulitin.’

“Pero sinasabi ko yun pero ang utak ko blangko.”

Nakausap ng PEP.ph si Krista noong October 15 sa Annabel's sa Tomas Morato sa presscon ng FDCP para sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival.

Bukod sa Hukluban, ang ibang entries ay ang T’yanak (nina directors Peque Gallaga at Lore Reyes), Bacao (ni Direk Edgardo Vinarao), at Sigaw Sa Hatinggabi (ni Direk Romy Suzara).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN