Carmina Villarroel talks about Sunod replacing Kris Aquino's supposed MMFF 2019 entry

by Rose Garcia
Oct 20, 2019
Carmina Villarroel gets anxiety attack while shooting Sunod, which replaced Kris Aquino's supposed MMFF 2019 entry titled (K)Ampon.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagkaroon ng anxiety attack si Carmina Villarroel sa shooting ng horror movie na Sunod, isa sa walong official entries ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Hindi ko lang masabi yung eksaktong scene. Pero kapag napanood nila, masasabi ko na yun ang eksenang yun. That particular scene with my daughter,” lahad ni Carmina noong Oktubre 16, Miyerkules ng hapon sa Club Filipino, San Juan City.

“Nabasa ko naman siya sa script. Na-blocking naman namin, na-rehearse na namin siya. For some strange reason, bigla na lang akong nagkaroon ng anxiety attack.

“Bigla na lang akong hindi nakahinga, kasi, ang creepy, e.”

Natakot ba siya mismo sa eksenang ginawa nila?

“Hindi natakot, more of creepy, parang kinilabutan,” paglilinaw ni Carmina.

“Kasi, yung movie namin, hindi Pinoy na mananakot. Parang mind-boggling. Although may gulat factor din but that scene, hindi siya nanggugulat, e.

“Mangingilabot ka na lang talaga.”

Continue reading below ↓

Dalaga pa si Carmina the last time na may movie siya sa annual film fest, kaya excited siya na may entry siya sa MMFF 2019.

REPLACING KRIS AQUINO'S MOVIE

Ang Sunod ay pumasok nang mabakante ang isang slot nang hindi na tumuloy ang (K)Ampon na pagbibidahan ni Kris Aquino.

“Noong ini-offer nila sa akin ‘to, sinabi nila na iyun talaga ang ina-eye nila, pam-filmfest, kaya ang aga naming nag-shoot.”

Nalungkot ba siya nang malaman niyang hindi sila nakapasok sa Top 4?

“Oo,” pag-amin ni Carmina.

“Noong nagsu-shooting kami, ini-announce na ang first four. Hindi kami nakapasok, so lahat kami, ‘Ay!’ ‘Pero hindi, may pag-asa pa. Submit natin ang finished product.’

“Hindi naman sa ano, pero I’m confident with our movie. At saka si Direk, iba iyung atake niya sa horror. Parang slight confident ako na kaya ‘to.

Continue reading below ↓

"Pero sabi ko nga, kahit maganda, kung ang dami-rami namang magaganda, hindi ka rin makakapasok.

“So kami, kung ano na lang ang gusto ng producer, iyon na lang ang pinagdadasal ko.”

Magka-text sila ni Kris kaya alam nito ang tungkol sa movie niya na horror din.

Ayon kay Carmina, “Magka-text kami ni Ninang Kris and sabi nga niya sa akin, ‘Sana, inaanak, kayo ang makapasok.’ Sabi ko, ‘Naku, sana magdilang-anghel ka!’”

Nag-congratulate sa kanya si Kris nang makapasok sila.

"Alam ko na sincere at very... siyempre, mabait si Ninang Kris. Kahit hindi kami nagkikita, alam ko na inaanak niya ako, alam ko na mahal niya ako.

“Siyempre, alam ko na sincere iyung pag-congratulate niya sa akin.”

Binasag na agad ni Carmina ang anumang pagkukumpara na puwedeng gawin sa kanila ni Kris nang matanong siya kung may pressure na kilalang Horror Queen ang pinalitan niya.

Continue reading below ↓

“Huwag na lang i-compare,” sansala ni Carmina.

“Siyempre, iba siya, iba ako. Wala naman sigurong dapat i-compare because nagkataon lang na horror din iyung sa akin.

“At saka, hindi lang naman kami ang horror na pinagpilian, meron pang iba pa which is that, siguro nga, kami lang ang iba.”

Dagdag ni Carmina, “Ayokong mag-isip ng pressure or expectation. Ayokong maglagay ng pressure sa akin na ako ang pumalit kay Kris Aquino, wala kasing dapat ganun.

“Wala akong pinalitan.

“Basta ako, nandito lang kami to enjoy. We just want to enjoy. First time ni Direk Carlo [Ledesma] na maka-experience ng film fest and ako naman, like I’ve said, dalaga pa ako.”

CASSY AND MAVI TO JOIN FLOAT PARADE

Suportado si Carmina ng kanyang pamilya. Sinamahan siya ng asawang si Zoren Legaspi sa announcement of official eight entries for MMFF 2019 sa Club Filipino.

Continue reading below ↓

“Sobrang support and even my kids, sabi nila, sasakay sila sa float,” saad ni Carmina.

“Excited na rin ako sa parade kasi, gusto ngang ma-experience ng kambal," pagtukoy ni Carmina sa anak nilang sina Mavy at Cassy. "At saka, parang reliving of the past.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel gets anxiety attack while shooting Sunod, which replaced Kris Aquino's supposed MMFF 2019 entry titled (K)Ampon.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results