Daniel Padilla says yes to possible project with Sarah Geronimo

by Rommel Gonzales
Oct 21, 2019
Daniel Padilla comments on winning Himig Handog 2019 for the song "Mabagal," his collaboration with Moira dela Torre.
PHOTO/S: Danielle Louise Talabis


Looking forward si Sarah Geronimo to work with Daniel Padilla, at sana raw, ang material ay perfect, kakaiba, at hindi formula.

“Tama si Miss Sarah,” mabilis na pagsang-ayon ni Daniel.

“Tama siya. That was perfect! Totoo naman, di ba? Totoo iyun. Hindi ba kayo papabor doon na dapat iyung perfect, hindi masyadong formula?”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa mediacon ng Himig Handog 2019 winners nitong Oktubre 13, Linggo sa Star Music conference room sa 2nd floor ng ELJCC Building, Quezon City.

Sina Daniel at Moira dela Torre ang interpreters ng kantang "Mabagal" na sinulat ni Dan Tañedo, at grand winner sa Himig Handog 2019.

Nag-flashback kay Daniel ang pagkapanalo niya sa Himig Handog 2013 para sa awit na "Nasa Iyo Na Ang Lahat."

“Nakaka-miss, ang tagal ko lumay-low din sa ganitong mga events.

“Nakaka-miss at nakakatuwa at the same time, kasi, iba yung journey nitong kanta na ‘to sa akin, coz musically importante siya sa akin.

Continue reading below ↓

“Kasi, pinayagan akong medyo gumalaw rito sa music konti, sa music video rin.”
Pinaghalong standard at jazz ang kantang "Mabagal."

“Ang saya, di ba? Ang saya na mabalik ang ganitong genre at ma-appreciate lalo ng millennials, with this kind of music now.

“Ang sarap, refreshing, di ba? At saka na-appreciate nila ulit so ang saya!”

Bukod sa pagwawagi bilang Best Song sa Himig Handog 2019 ay hinakot ng "Mabagal" ang limang special awards — MOR Phils Choice Award, MYX Choice for Best Music Video, One Music PH Choice for Favorite Interpreter, Star Music’s Choice, and Listener’s Choice for Most Streamed Track.

P1 million ang premyo ng "Mabagal" bilang Best Song, at P50,000 bawat special award.

Tila sanay na si Daniel na tumanggap ng award sa Himig Handog dahil laging winning song ang napupunta sa kanya.

“Wala, hindi ka naman masasanay diyan,” pagtanggi ni Daniel.

Continue reading below ↓

“Laging iyan, e, hindi mo naman inaakala, kanina naman, hindi naman…

“Hindi mo naman iisiping ikaw lagi ang mananalo, tsaka para isipin mo yun, baka isa kang hangal para isipin yun, di ba?

"Laging challenge yun, e, di ba? At saka hindi mo naman maiisip yun dahil ang gaganda rin ng mga kalaban mong kanta. So iyon.”

Labis ang pasasalamat ni DJ sa fans.

“Kasi, hanggang ngayon, di ba, after so many years, nandiyan pa rin sila, ganun pa rin kainit ang pagtanggap.

“At hindi lang yun, alam mo yun, sabay-sabay kaming naggu-grow with everything na ginagawa naming magkakasama.

“Ako, masaya ako na naihandog namin sa kanila itong kanta and I’m just very happy.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla comments on winning Himig Handog 2019 for the song "Mabagal," his collaboration with Moira dela Torre.
PHOTO/S: Danielle Louise Talabis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results