Jane de Leon “sobrang ready” to be new Darna

by Melba R. Llanera
Oct 22, 2019
Jane de Leon (in photo) gets asked: did they change the Darna story when she replaced Liza Soberano?

Nagpasalamat si Jane de Leon sa suporta sa kanya ng mga naunang gumanap na Darna, partikular si Angel Locsin.

"Almost seven years since kay Ate Angel Locsin. Siguro, may purpose and reasons kung bakit nangyayari ito,” sambit ni Jane.

“Una talaga, siyempre, coming from Angel Locsin at sa iba pa, masayang-masaya ako na iyung tiwala, ibinigay nila sa akin."

Kahit si Liza Soberano na dapat ay gaganap na Darna ay nakipag-dinner sa kanya.

Ani Jane, "Nag-uusap kami lagi ni Liza, nag-dinner na rin kami. Looking forward naman ako kay Ate Angel Locsin."

Nainterview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jane sa Black Magic Halloween Party ng Star Magic nitong Oktubre 20, Linggo, sa Resort's World Manila.

Nagte-training na si Jane bilang paghahanda sa Darna role.

“For now, I'm doing the fitness training and probably next month, I guess yung stunts na,” saad ni Jane.

Continue reading below ↓

“Ngayon talaga kasi, more on fitness training pa, di pa talaga yung pinakamahirap."

Okay kay Jane kahit sino ang mapili na leading man niya.

"We'll see. Ako naman, kahit sino, importante dito, chemistry. So, hayun. Abangan natin."

Halos pareho pa rin daw ang story ng Darna movie na gagawin niya kumpara sa gagawin sana ni Liza.

Inamin ni Jane na may napili nang Darna costume na isusuot niya.

Hindi rin itinago ni Jane na may nararamdaman siyang pressure sa pagkakapili sa kanya bilang Darna.

“Oo naman, sobrang normal naman ang kahit na sinong malagay sa posisyon ko. Sobrang excited ako.

“Kinakabahan ako which is normal naman. Gusto ko lang mapasaya ang mga tao."

Sa kabila ng kaba at pressure, handang-handa si Jane para sa Darna movie.

“Oo naman, sobrang ready na talaga ako. Di ko in-expect ito, sobrang ibinigay ni Lord itong opportunity na ito, so, bakit di ko tatanggapin?"

Naka-Lara Croft costume si Jane sa Black Magic Halloween Party.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwa na naging part ako ng isang event, itong Black Magic. Bago ito sa Star Magic and excited ako na ma-meet ang mga friends ko and makita yung iba pa nilang costume,” lahad ni Jane.

“Kasi, pag nagte-training talaga ako and may mga parts na sobrang nahihirapan ako, iniisip ko lang talaga si Lara Croft. ‘Ako si Lara Croft,’ something like that.

“It's more realistic, kasi, human siya, not like Darna na may power. I would like to be Lara Croft for now."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon (in photo) gets asked: did they change the Darna story when she replaced Liza Soberano?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results