Bela Padilla cries unabashedly while watching Aga Muhlach, co-stars during shooting

by Rose Garcia
Oct 21, 2019
Bela Padilla (in photo) gets asked about replacing Nadine Lustre in MMFF 2019 entry Miracle In Cell No. 7.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi big deal kay Bela Padilla kung supporting man ang karakter niya sa pelikulang Miracle in Cell No. 7, isa sa walong official entries ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Ayon sa ABS-CBN actress, “I would be very happy to support Kuya Aga [Muhlach] in any movie. Hindi po siya big deal sa akin.

“Kung napanood po ninyo ang Korean, konting-konti lang po ang eksena ko. Sa umpisa at sa huli.

"I’m happy na Viva parang announced my name as one of the leads. Regardless po kung hindi man po ako sinali sa listahan ng lead actors, masayang-masaya na ako.

“Honestly, I’m so thankful for everything.

“Yung instances that let me here, yung incident that let me here... Kasi, grabe iyung makatrabaho mo si Aga Muhlach, tapos, powerhouse cast.

“Alam mo yun, minsan, kapag hindi ko na shot, hindi ko napapansin, pinapanood ko sila. Kasi, sobrang galing nilang umarte. Grabe!”

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Bela, “Yung shinoot namin noong isang araw, yung lahat ng cellmates ni Kuya Aga, yung eksena nila, natulala ako. Kasi, hindi ko napansin na lumuluha na ako sa scene nila.

“Hindi naman ako part ng scene, nanonood lang ako, pero iyak ako nang iyak.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela noong October 16, Miyerkules, sa Club Filipino, San Juan City.

Nag-host doon si Bela sa announcement ng eight official entries para sa 45th MMFF.

Orihinal na kay Nadine Lustre ang role ni Bela sa Miracle in Cell No. 7. May dapat bang panghinayangan si Nadine na hindi ito tumuloy gawin ang movie?

“Naku, hindi ko po alam!” bulalas ni Bela.

“Kasi, iba-iba naman tayo ng perception. So, yung puwedeng panghinayangan ko, baka hindi naman niya panghinayangan.”

Kahit maikli lang ang papel ni Bela sa pelikula, kung ano ang mga ginawa ng child actress na si Zia Vigor, damang-dama at bitbit niya.

Continue reading below ↓

“Kung napanood ninyo siya at kahit noong nagsu-shoot ako, binitbit ko lahat ng eksena ni Zia kahit hindi ko naman napanood iyung mga eksena ni Zia.

“Binasa ko iyung buong script. So, lahat ng pain and happiness nung bata, ang bigat, sobrang bigat.

“Lahat ng eksena, kahit hindi ko kailangang umiyak, naluluha ako. Kasi, nai-imagine ko yung pinagdaanan niya kapag dinadalaw niya si Kuya Aga sa prison.”

Dagdag ni Bela, “It’s weird kasi, ang ikli ng role ko, pero markadung-markado naman. And I’m thankful with Direk Nuel Naval, kasi, binigyan niya talaga ako ng moment.

“Meron kaming konting twist, so, abangan niyo po. Meron kaming konting twist sa Korean version at doon talaga ako napapalakpak kay Kuya Aga, e.

“As in, grabe ka, Kuya Aga!”

Pa-Japan si Bela para dumalo sa 2019 Tokyo International Film Festival (October 28-Nobyembre 5), kung saan kalahok sa Main Competition ang pelikula niyang Mañanita, na idinirek ni Paul Soriano mula sa screenplay ni Lav Diaz.

Continue reading below ↓

Wala siyang ano mang expectation sa pagpunta sa naturang film fest.

“Honestly, wala naman akong ine-expect. Kahit naman two years ago na nagpunta ako roon for I America, may networking na, marami kang makikilalang ibang directors, ibang producers...

“Kahit naman noon, may mga nagtanong if I wanna collaborate in a project with them abroad, pero parang I’m there to represent the Philippines.

“I’m very loyal to the film company or film outfit that brings me there.

“Wala namang expectation. Kung may mami-meet ka roon na makakatrabaho mo in the future, that’s a good blessing,” lahad pa ni Bela.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla (in photo) gets asked about replacing Nadine Lustre in MMFF 2019 entry Miracle In Cell No. 7.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results