Iza Calzado on competing with Judy Ann in MMFF 2019: "Kanya ang award, akin ang cash!"

by Rommel Gonzales
Oct 23, 2019
Iza Calzado talks about being a producer of the MMFF 2019 entry Culion.
PHOTO/S: Noel Orsal

“Huy, huwag mo akong idamay diyan!” ang bulalas ni iza Calzado bilang reaksyon sa isyu ng Culion at Isa Pang Bahaghari.

“Love ko si La Aunor! At saka, huwag tayong mag-away ng dahil lamang sa mga pelikula at proyekto.

“Hindi ako kasali diyan, mahal ko si La Aunor.”

Sa darating kasi na 45th Metro Manila Film Festival ay nakapasok bilang isa sa walong entries ang Culion na pinagbibidahan nina Iza, Meryl Soriano, at Jasmine Curtis-Smith. Samantala, ligwak ang Isa Pang Bahaghari ng Superstar na si Nora Aunor.

Nagpatusadahan ang dalawang panig tungkol sa special participation ni John Lloyd Cruz sa Culion.

Pero iyon na nga, ayaw makisali ni Iza sa isyu.

Nakausap namin si Iza sa announcement ng 8 official entries ng MMFF 2019 nitong Oktubre 16 sa Club Filipino, San Juan City.

Tinanong namin si Iza tungkol sa napipintong labanan nila ni Judy Ann Santos sa pagka-Best Actress sa MMFF sa Disyembre.

Continue reading below ↓

“Kanya ang award, akin ang cash!” ang birong bulalas ni Iza.

Sa lahat ng mga artistang kasali ay kay Judy Ann ba siya kinakabahan?

“Hindi ko pa kasi iniisip talaga yung award-award, kasi, sa totoo lang, today ang iniisip ko lang, gusto kong makapasok kami.

“Iyon ang wish namin.

“Pero yung mata ni Judy Ann kasi, yung mata ni Judy Ann… ganun, ganun! Saka Judy Ann, idol ko yun, e!”

Usap-usapan na kasi as early as now ang husay ni Judy Ann sa Mindanao ni Direk Brillante Mendoza na napili ring entry sa MMFF 2019.

May mga eksena si Judy Ann sa pelikula na mata lamang ang umaakting pero matindi ang impact.

“Alam mo, ang hirap sa ganun. Kasi, di ba, parang pag halimbawa nanonood ka ng Oscars, tapos napanood mo yung mga pelikula, ikaw parang, ‘Grabe, magaling sila, e, magaling silang lahat! Sino kaya yung mananalo?’

Continue reading below ↓

“Yung parang ganun. Sana, ganun man lang, yung kumbaga, pumantay lang sana.”

Mas may pressure ba na ang makalaban ni Iza ay matalik niyang kaibigan at ninang sa kasal na si Judy Ann?

“Actually hindi siya pressure, it’s an honor!

“It is an honor for me to be… alam mo yung pag sinasabi nila na ‘I am honored to be nominated along side these wonderful people?’

“One hundred percent ang aking pagsabi ngayon, talagang I am honoured.

“Because I think this is the first time I would be in the same category as her.

“Kasi normally, support niya ako, like sa Sabel.”

Ipinaalala namin kay Iza na pareho silang nominado ni Judy Ann bilang Best Actress sa PMPC’s 35th Star Awards for Movies, siya para sa indie film na Distance at si Judy Ann para sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Continue reading below ↓

Nag-tie sa awards night June of this year sina Sarah Geronimo (Miss Granny) at Kathryn Bernardo (The Hows Of Us).

IZA THE PRODUCER

Isa si Iza sa producers ng Culion kung saan may mga karakter na foreigner ang gumanap kaya tinanong namin si Iza kung bakit hindi ang mister niyang si Ben Wintle ang kinuha niya para sa isa sa mga naturang role.

“Ay, guys,” at tumawa si Iza. “Gusto nating kumita yung film, di ba? CEO po ng isang kumpanya yung asawa ko, mahal po ang oras nun kung sasabihin niya sa akin, ‘I will bill you per day.’

“Huwag na!” at muling tumawa si Iza.

"Saka hindi niya talaga forte.”

Wala raw talagang hilig si Ben na maging artista.

Ang Culion ay sa panulat ni Ricky Lee, sa direksyon ni Alvin Yapan at produced nina Shandii, Iza, Peter, and Gilie Sing through iOptions Ventures Corp at ng Team MSB.
Nasa cast din ng Culion sina Joem Bascon, Suzette Ranillo, Mike Liwag, Aaron Concepcion, Joel Saracho, Lee O’Brien, Nico Locco, at Rex Lantano.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado talks about being a producer of the MMFF 2019 entry Culion.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results