Nova Villa happy over inclusion of 1st Ko Si 3rd in Hawaii International Film Festival

Nova Villa says about her leading man Freddie Webb: "Nung una, nahirapan ako, kasi si Freddie is so aloof, sosyal 'yan." They eventually warmed up to each other and have been onscreen partners for over a decade.


Ipinagmamalaki ni Nova Villa na ang pelikula niyang 1st Ko Si 3rd opposite Freddie Webb ay naimbitahan sa 34th edition ng Hawaii International Film Festival na gaganapin ngayong November .

Ang pelikulang 1st Ko Si 3rd ay entry nina Nova at Freddie sa 10th Cinemelaya Independent Film Festival na ginanap last August. Ito rin ay napili bilang entry sa 2nd QCinema International Film Festival na organized ng Quezon City Film Development Commission. Ipapalabas muli ang 1st Ko Si 3rd sa Ayala Mall cinemas simula November 12.

Personal raw siyang ni-request ng organizers na dumalo sa Hawaii International Film Fest na libre ang lahat nang gastusin.

Bukod sa 1st Ko Si 3rd, ang ibang pelikula na kasama sa Hawaii IFF ay ang Hari ng Tondo ni Carlos Siguion-Reyna, Quick Change ni Eduardo Roy Jr., M (Mother’s Maiden Name) ni Zig Dulay at ang documentary ni Janice Villarosa titled Shunned.

Pahayag ng beteranang komedyana nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainent Portal) sa mini-presscon para sa pelikula, "Sabi kasi ni Direk Real [Florido], 'O, magpi-personal appearance tayo sa Hawaii Film Fest kasi isu-showing ito dun.'

"Siyempre, 'di ako makapaniwala, ang nasabi ko na lang, 'Ganun ba?'

"Masayang-masaya yun, maganda yun kasi, magkakasama ulit kami, at mami-meet namin all our kababayans out there.

"Matagal din kasi akong nag-host sa Overseas Workers' Welfare Administration [OWWA], maraming taon and we travelled all over the world.

"Wala kaming ginawa kundi ang magpaiyak at magpatawa sa mga kababayan natin abroad."



ON WORKING ANEW WITH FREDDIE WEBB. Tungkol sa muling pagsasama nila ni Freddie Webb naging madali ba para sa kanya ang umarte dahil ito nga ang ka-partner niya, this time sa isang seryosong pelikula.

Ang tema ng pelikula ay tungkol sa dalawang matanda na dating magkasintahan, nagkahiwalay, nagkaroon ng sariling pamilya at muling nagkita.

Matagal na nagsama sa TV ang dalawa bilang mag-asawa sa TV show noon na Chick To Chicks (1984).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Nova, "Hindi kasi, kaya ko namang gampanan kahit hindi si Freddie.

"Kaya kung gawing natural na parang mag-on tayo nung araw.

"Ganun naman, e, kung matatandaan niyo, fourteen years kami ni Freddie, fourteen years din kami ni Dolphy [sa Home Along Da Riles].

"Pero, ganun din ang ibigay ko kay Dolphy, di ba? Talagang buhos ako kay Dolphy.

"Ang ginagawa ko, para maibigay ko kung ano ang role ko, talagang masyado akong nagiging malapit sa aking leading man.

"Kahit ano, kahit at the back of the camera. I make sure ha every week, feeling ko ay asawa ko sila, para 'pag nag-take na, lalabas ang natural na walang malisya."

Marami raw ang nag-aakalang si Freddie Webb ang tunay niyang asawa.

Natatawang pagbabalik-tanaw niya, "Akala talaga nila si Freddie ang asawa ko, e, Freddie din ang pangalan ng napangasawa ko.

"Pero, automatic na kami ni Freddie [Webb], 'pag nagkikita kami, para na rin kaming mag-asawa rin.

"Yung talagang ganyanan kami," sabay muwestra sa 'paglalambingan' nila.

"Kaya, it was so easy for us pagdating na sa shooting, at sa drama, mararamdaman niyo na kami kasi, binuhay namin yun, e, yung relationship na ganun.

"Na wala kaming malisya, hindi kami nag-on, nothing."

Mabuti nga raw at hindi nagselos ang kani-kanilang tunay na asawa.

Pagsisiguro niya, "If you gonna ask my husband, no, natatawa pa siya.

"Oh, nung nanonood siya ng Chicks To Chicks, natatawa pa.

"Kasi comedy. I mean, natural na yun sa mag-asawa, 'yan noon.

"Nung una, nahirapan ako, kasi si Freddie is so aloof, sosyal 'yan.

"Titingnan ka pa ng ganyan, e, maliit lang ako, ang asawa niya ay 5'7".

"E, matangkad siya gusto niya tall girls."

Nakaka-relate ba siya sa kuwento ng pelikula na tungkol sa “first love never dies”?

Natatawang sambit ni Nova, "Ang dami kong love noong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First love? E, 'di yung asawa mo, siya yung napili mo, 'di ba? Maaaring siya na talaga ang love mo.

"Siyempre, noong kabataan, maraming lumiligaw, maaaring akala mo, yun na.

"Feel na feel mo talaga yung love na yun, and then, wala rin, walang nangyari.

"So, ang masasabi ko lang, kung sino ang nakatuluyan mo, napangasawa, yun na talaga ang love mo, yun na fate mo, siya na yung destiny mo."

Sobra nga raw ang saya niya na siya ay ang title role ng pelikula, nag-iisa lang ang mukha niya sa poster at higit sa lahat, ipapadala nga ito sa international film fests.

Nakangiting saad ni Nova, "Ang totoo niyan, ay hindi ko maipinta ang kasiyahan ko.

"Of course, sa 51 years ko sa showbiz, nalalagay din naman ako sa mga poster pero, second lang.

"Nagli-lead din ako sa mga FPJ [Fernando Poe Jr.] movies, pangalawa nga lang, ganun.

"Ito hindi, ako talaga ang bida, tuwang-tuwa talaga ako!

"Oh, yes! nagpagawa tuloy akong ganun kalaking frame. Sabi ko, 'this time, ako ang bida dito.'

"Sobrang happy talaga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN