Zanjoe Marudo respects MMFF 2019 Selection Committee decision to exclude Isa Pang Bahaghari

by Melba R. Llanera
Oct 29, 2019
Zanjoe Marudo is a co-star of Nora Aunor in the movie Isa Pang Bahaghari.

Tanggap ni Zanjoe Marudo ang pagkaligwak ng pelikulang Isa Pang Bahaghari sa 45th Metro Manila Film Festival.

“Ewan ko. Siguro, may kanya-kanya namang reason kung ano ang kailangang ipasok at hindi. Nirerespeto ko yun,” sabi ni Zanjoe.

Nanghinayang ba siya?

“Hindi naman,” tugon ng aktor, na gumanap bilang panganay na anak nina Nora Aunor at Phillip Salvador sa nasabing pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

“Kasi, sobrang proud ako sa project na ito. Sobrang proud na proud kaming lahat dahil napakaganda ng pelikula."

Nakapanayam ng pep.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actor sa Black Magic Halloween Party noong Oktubre 20, Linggo, sa Resorts World Manila.

Abala rin si Zanjoe sa shooting ng digital project nila nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion para sa iWant TV.

Si Jodi ang producer nito.

“Masaya kasi sobrang light nung story saka siyempre, para makatrabaho sina Jodi and Ian.

Continue reading below ↓

“First time ni Jodi para mag-produce, so, excited ako,” sambit ni Zanjoe.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo is a co-star of Nora Aunor in the movie Isa Pang Bahaghari.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results