Angel Aquino asks daughter Iana Bernardez to stop doing this one thing

by Julie E. Bonifacio
Nov 15, 2019
Angel Aquino, the mother of Iana Bernardez (in photo), tells her: "Protect your career." Iana is part of the Cinema One Originals 2019 entry Metamorphosis.
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Apologetic ang indie actress na si Iana Bernardez pagkatapos niyang i-reveal ang talent fee ng mga extra sa pelikula sa press conference ng 2019 Cinema One Originals na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kamakailan.

Kabilang si Iana sa cast ng Metamorphosis na isa sa eight competition entries ng 2019 Cinema One Originals Film Festival na ongoing until November 17.

Ang Metamorphosis ay coming-of-age story na directed by J.E. Tiglao. Ito ay kwento ng 14-anyos na si Adam (Gold Azeron) at ang sikreto niyang pagkakaroon ng ari ng parehong babae at lalaki. Kasama rin dito si Ivan Padilla.

Ang movie na ito ay tumatalakay sa I o Intersex na tinutukoy sa LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual).

“Oh, my gosh! Mali,” sabi ni Iana tungkol sa pagsabi niya na P800 ang bayad para sa isang movie extra.

“Oh, my God, I’m so sorry. Hindi pa po ako sanay, e,” paghingi pa niya ng paumanhin.

Continue reading below ↓

Panganay na anak si Iana ng model-turned-actress na si Angel Aquino.

During the press con, natanong si Iana sa tungkol sa background niya sa pag-arte at mga payong binibigay sa kanya ni Angel.

Pahayag ni Iana, “Meron naman po [experience sa pag-arte]. Kasi since ano, nagpro-produce rin po kasi ako. Para makatipid, ako na lang minsan yung umaarte. Para tipid po sa talents.

“Sabi niya [Angel], stop na raw. Ayaw na niya na gagawin ko yun. Sayang.

“Yun po yung sinasabi niya sa akin na piliin ko yung roles. Na kung raw gawin ng talent na extra, pagawa niyo na sa kanya. Huwag ikaw. P800 lang yun.

“And, P1000 na pala. Pero, ‘pag feeling niya kayang gawin ng aktor, sige, gawin natin. Ayun lang naman.”

REMNDER FROM MOTHER ANGEL AQUINO

Last October 28, nagkaroon kami ng exclusive interview kay Iana sa Stabuck’s sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Bakit siya pinapatigil ni Angel na gumanap ng maliliit na roles?

Continue reading below ↓

“No, kasi, siyempre they’re like if you saw Oda sa Wala [pelikula ni Pokwang], parang, mali, sobrang mali yung P800 doon kasi hindi naman yun talaga.

“Hindi P800 yung bayad sa passersby. Pero, walang dialogue yun. Pero pag kailangang umarte, mataas naman yung rates nila.

“I mean, you value the work that they put in. The hours that they’re there and, skill naman talaga.

“Imagine, ka-eksena mo si Pokwang hindi ka maurnong umarte?

“Joke lang yung P1,000. Walang dialogue yun.

“Pero yun, like yung Oda sa Wala, ako yung naging asawa ni Anthony, di ba, nagka-cameo ako? Very, very minor. Mga dadaan lang, sasaglit lang, ganyan.”

Magkano ang binayad sa paglabas niya sa Oda sa Wala?

“Hindi ako nagpapabayad,” paglilinaw niya.

“Kasi ako na yung staff doon. Ako yung LP [Line Producer], ‘Ako na lang yan. Eto lang naman, di ba?

“O kaya, para hindi na tayo maghanap. Tipid din ng P5000, P4000, ganyan. O kaya, yung sa Past, Present, Perfect. More than two scenes naman ako doon, as kaibigan ni Shaina [Magdayao].

Continue reading below ↓

“Yun na nga, medyo marami na rin akong nilabansan. Pero very, very little, and my Mom minds na lagi lang sumusulpot.

“Kasi, people will think I’m willing to do roles like that lang talaga. Hindi ako seseryosohin.

“So she wants na if I’m gonna get into the acting career, as an actor you take it seriously.

“So, yun lang ang ano niya sa akin na, ‘Iana, alam ko ikaw ang producer. Pero, huwag na.’ Kasi siyempre sa aming mga [producers, sinasabi namin], ‘O, ikaw na ‘to. Sa ‘yo na ‘to.’

"E, kahit AD [Assistant Director] ko, or kahit PA ko nagta-talent, ganyan.

"Para rin, it’s easier. So, ako ganoon din.

“Sabi niya, ‘Iana, if they ask you, say no. Or ikaw mismo, huwag ka nang mag-volunteer.’ Ganyan nga.

‘Kapag kailangang umarte, kapag sa tingin mo talagang acting requirement siya, go. Significant role, cameo role, ganyan.

“Sabi ko nga, ‘Naku, naku. Hindi ko pa mnababansagan ang sarili ko na nagka-cameo.’

Continue reading below ↓

“Kasi ang cameo, di ba, parang a star, tapos magka-cameo. Gaya ng ginawa ni John Lloyd [Cruz]. Hindi naman ako nagka-cameo. Hindi pa naman ako ganoon.

“And, the question was: does your mom help you choose your roles or your projects?

“Sabi ko, ‘Yes,’ based on the script, ganyan-ganyan. Pero sa mga times na hindi ko pinapakita sa kanya, yun nga, yung mga ume-extra ako.

“Dahil doon, pinagsabihan niya ako, ‘Hay naku, Iana, nakita na naman kita. Andiyan ka na naman.’

“Like doon sa Babae at Baril, meron akong eksena na with Janine [Gutierrez] na very, very small. Sabi niya, ‘Iana, nakita na naman kita.’

“Sabi ko, ‘Mommy, maganda naman yung eksena.’

“Oo, pinagsasabihan niya ako, ‘Iana, protect naman your path. Protect your career,’ ganoon.”

Posible kasi na maapektuhan ang value niya as actor, di ba?

“Yeah, yun. Yun ang sinasabi niya, yung value mo,” pagsang-ayon niya.

“So, parang ako, siyempre hindi ko rin naman sineseryoso yun or inisiip yun. But this time, yun na nga, kaya itong sa Tia Madre that I produced, coming out sa Cinema One Originals also, there was a role na, ‘Si Iana na lang kaya?’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Hindi na.’ Saka may Cinema One na ako, e. Parang ang sugapa ko na, di ba?

“Saka kasi, support ako sa Metamorphosis tapos extra ako sa [Tia Madre], di ba?

Kaya iniisip ko na siya, yung mga ganun. Naintindihan ko naman si Mommy.”

What about yung sinabi ng mother niya na magpa-double na lang kapag may intimate scene siya gaya ng eksenang ginawa niya with Soliman Cruz sa indie film na Gusto Kita With All My Hypothalamus?

“No, wala…wala. But protect yourself.

“I mean limit...if ever I will show half my butt, or whatever, choose as long as it’s needed, and choose your director. Choose who you’re gonna do it with, oo.

"And I guess, the co-actors are also very important na you know you’ll be safe with him.”

ON SHOOTING METAMORPHOSIS

Si Iana ay gumanap bilang kaklase ng lead character ng indie film na Metamorphosis.

“Yung movie namin sa Cinema One Originals na Metamorphosis is directed by J.E. Tiglao.

Continue reading below ↓

“It stars Gold Azeron and he is an intersex, or what we commonly know as hermaphroditus.

“So, yung type niya ng intersex is meron siyang both reproductive organs ng male and female. So, pinalaki siyang lalaki kasi siguro nung bata siya mukha naman siyang lalaki. Tapos pinalaki siyang lalaki but then, nung naging adolescent siya, nagkaroon siya ng period. Niregla siya.

“Nangyayari raw talaga yun.

“So, at that point of his life niya ako makikilala.

“Ako si Angel sa pelikula. Isa akong 24-year-old girl na pumunta sa probinsya para tumakas sa buhay niya sa Maynila."

Sinadya ba na Angel ang name niya sa movie gaya ng name ng mommy niya?

“Hindi,” sabay iling ni Yana.

“Meron nga akong linya doon sa pelikula na, tinanong niya ang totoo kong pangalan.

“Sabi ko, ‘Eto, pero tawagin mo na lang akong Angel, mas mabait kasing pakinggan.’

“Kasi ang tunay kong [pagkatao], ire-reveal ko kay Gold—or sa karakter ni Gold na si Adamna pokpok ako sa Manila.

Continue reading below ↓

“Prostitute ako sa Manila na, gusto kong tumakas, siguro may tinakbuhan ako. Pumunta ako sa probinsya, supposedly, bagong buhay, ganyan.

“Importante yung role ni Angel kasi siya yung naging sexual awakening niya sa pagiging lalaki.

"Tapos si Ivan Padilla, ang pangalan niya Dr. Abraham, siya naman ang nag-sexual awakening doon sa babae.

“So, dahil nandoon yung dalawang characters namin, may conflict tuloy si Adam kung ano ba siya? Kung saan ba niya nararamdaman...

“Ang difference lang namin ni Dr. Abraham is mas naging kaibigan ko si Gold. So, mas malapit sa akin si Adam. Mas naging magkaibigan kami. Kasi, sa kanya ko lang din ni-reveal kung ano ako, e. Na, prositute ako. Sa kanya ko sinabi yung napaka-dilim na secret ko. Doon kami nagkaalamanan ng secret.

“Sa trailer makikita mo binuksan ko yung shorts niya. Binaba ko. Tapos nalaman ko. Nakita ko na dalawa [ang sex organs niya]. ‘Ano ‘to?’

Continue reading below ↓

“Hindi ko naiintindihan noon, e. Bilang hindi naman ako educated, bilang hindi naman aware ang mga tao sa intersex.

“So, nagulat ako. Doon kami nagusap ni Adam, ng mga sikreto namin.”

Based ba ang Metamorphosis sa true story?

“Yes, it’s really a proven fact na there are 1.7% in the population that are intersex. And then, in the spectrum of intersex...

“Ay, basta. May number pa, may iba-iba pang types ng intersex pa. Pwedeng meron kang male reproductive organ ka sa loob, pero ang genitalia mo ay babae, parang ganoon. Basta iba-ibang mix siya, e.”

Kailangan bang tanggalin yung isang sex organ?

“Sa case ni Adam, ang usually nangyayari abroad ay may premature operation.

“Meaning, kunyari meron siyang both male and female. Bata pa lang, magde-decide ang magulang na tanggalin, ang pinakamadali kasing tanggalin ay yung male. Puputulin lang nila.

“Pero kapag lumaki sila, pag lumaki yung tao, babae man siya o lalaki, nadi-discover niya na lalaki pala siya.

Continue reading below ↓

“Siguro mas strong yung male sensibilities niya. Pero wala na siya.

“Tinanggalan na siya ng organ.

“Ang goal ng movie ay iparating sa mga tao na bigyan mo ng choice ang intersex and make him decide.

“Uhm, when she or he already knows , he identifies himself or herself to be, siya na ang magdecide kung ano ang tatanggalion or ano ang tatahiin, ganoon. Kasi katawan niya yun, ganoon.

“Yun ang rampant kasi magde-decide yung magulang at a young age. Kapag tumanda, may confusion. Gusto niyang maging babae pero wala na. Or gusto niyang maging lalaki, pero wala na.”

May intimate scenes ba siya sa movie?

“Ang intimate, hanggang ano lang naman kami kissing scene. Kasi nga nung nakita ko yung, parang, ‘Ay, ‘di ata dapat mangyari ‘to.’

“And ano din naman, nung shinu-shoot namin actually, medyo na-realize namin na sensitive scene siya kasi yung character ko kasi supposedly, based siya sa short film ni J.E. [Tiglao] about Onang na na-rape siya nung bata. Nira-rape siya ng tatay niya.

Continue reading below ↓

“And then, lumaki siyang ano, so medyo connected yung character ko doon sa short film. Yun yung back story ko dapat. Uh, pero ang nangyari dahil I was gonna take advantage of Adam, kiniss ko siya na hindi pa siya ready, e, wala pang 18 si Adam dito sa story.

“So, parang, buti na lang napigilan ko rin yung sarili ko, natigil yung act kasi it could have been rape. I mean, I was taking advantage of the boy, Adam, because I was in a vulnerable place. He was there.”

Kumusta ang kissing scene nila?

“Easy, hahaha!

“Because before the shot, marami na kaming naging eksena ni Adam. Tapos, magkasundo kami. Friends kami. Para ko siyang, little brother. Kasi mas bata siya. Gold is only 21, ako 26.”

Wala na ba siyang hesitations about doing kissing scenes in a film?

“Naisip ko rin kasi, wala naman akong…pumasok naman ako sa industriya na artista hindi bagets. Pumasok na ako sa age na 25.”

Continue reading below ↓

RELATED STORY

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Aquino, the mother of Iana Bernardez (in photo), tells her: "Protect your career." Iana is part of the Cinema One Originals 2019 entry Metamorphosis.
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results