Moron 5.2 stars ride the MRT in their superhero costumes

Nabulabog kaninang hapon, October 29, ang mga pasahero ng MRT dahil sa pagsakay ng lead stars ng pelikulang Moron 5.2 The Transformation. Tawag-pansin ang pagdating at pagsakay sa MRT nina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano, at Matteo Guidicelli dahil suot nila ang kanilang superhero costumes sa Moron 5.2.


Nabulabog kaninang hapon, October 29, ang mga pasahero ng MRT dahil sa pagsakay ng lead stars ng pelikulang Moron 5.2 The Transformation.

Tawag-pansin ang pagdating at pagsakay sa MRT nina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano, at Matteo Guidicelli dahil suot nila ang kanilang superhero costumes sa Moron 5.2.

Pumila ang apat na aktor sa pagbili ng tickets at nang sumakay sila sa MRT, nagpista ang mga pasahero sa pagpapakuha ng litrato na kasama sila.

Siksikan sa loob ng train kaya naranasan ng Moron 5.2 stars ang araw-araw na dusa na tinitiis ng MRT passengers.

Parang paslit na bata na palinga-linga si Matteo at panay ang pagpapatawa ni Luis habang bumibiyahe ang MRT.

Sumakay ang Moron 5.2 stars sa North EDSA station ng MRT at bumaba sila sa Shaw Boulevard station.

Hindi nila nakaligtaan na ipaalaala sa mga pasahero na panoorin ang kanilang pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa November 5.

Naiwanan ng grupo si Matteo sa paglabas sa Shaw Boulevard station dahil biglang naging invalid ang MRT ticket na hawak niya kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na dumugin at pagkaguluhan siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN