Ryzza Mae Dizon helped come up with ideas for MMFF entry My Big Bossing's Adventures

In her Instagram account, Nikki Gil shared a photo taken during the pictorial of My Big Bossing's Adventures with Vic Sotto and child stars Alonzo Muhlach and Ryzza Mae Dizon.




Patapos na ang shooting ng Metro Manila Film Fest entry na My Big Bossing. Masayang kinuwento ni Vic Sotto na may mga suggestions si Ryzza Mae Dizon na ginamit sa naturang MMFF 2014 entry.

Kaya raw nila ginawang trilogy dahil may mga gusto ang child wonder ng Eat Bulaga na gawin sa naturang comedy film.

“Gusto niya maging prinsesa. Gusto rin niyang mag-sirena kaya naisip namin gawin ng trilogy,” paliwanag ni Bossing Vic.

“Itong Sirena episode, halos script niya [Ryzza Mae] 'to, e.

“Pati yung mga sitwasyon na inuwi ko siya sa bahay na kailangan sa tubig siya na maalat, palagyan niya ng patis, sa kanya nanggaling yun,” patuloy na kuwento ng bida ng My Big Bossing.

Nung sa taping daw sila ng Vampire ang Daddy Ko ay sina-suggest na raw yun ni Ryzza Mae na gawin nila, pero sinabi niya kay direk Bibeth Orteza na gawin na lang nila sa pelikula iyon.

Pag-amin ni Ryzza Mae: “Dream ko po talaga ni maging sirena, e.”

Bukod sa Sirena episode ay meron din daw silang Prinsesa episode na gusto rin gawin ng child star pero bandang huli ay nahirapan na raw siya.

“Mahirap po kasi ang damit, mahaba. Saka nasa castle lang siya,” komento naman ni Ryzza Mae sa role niya bilang isang prinsesa.

Ang isang episode naman daw ay may pagka-ghost story na pambata na gusto rin daw gawin ng bagets.

“Siguradong mag-enjoy ang mga bata kasi iyon din ang dream ng mga bata na gustong maging princess, at maging sirena,” pahayag ng Eat Bulaga host.

Tinitiyak niyang magugustuhan ng mga bata ang MMFF entry na ito dahil isang bata gaya ni Ryzza Mae ang may ideya nito.

Dahil sa closeness nina Bossing Vic maituturing bang guardian na rin siya nito kahit nandiyan naman ang magulang niya?

“Mas guardian ito,” sabi ni Vic habang itinuturo ang girlfriend niya na si Pauleen Luna.

“Ako bossing nun, e. Marami siyang kinukuwento kay Pauleen na hindi puwedeng ikuwento sa akin,” sabi pa ni Bossing Vic.

Natatawang pahayag ni Pauleen: “Parang meron talaga kaming friendship, nagpi-facetime kami, nagti-text kami. I can say that she’s very comfortable with me.

“Siguro dahil din mahilig ako sa bata, lagi kami naglalaro. Baka nakaka-relate kami sa isa’t-isa in a way. Kasi nga I like kids. Iyon siguro ang rason bakit naging close kami.”

Nung nakaraang Linggo ay sumama pa si Ryzza Mae na nag-swimming sa tahanan ni Pauleen. Nag-enjoy daw silang nag-bonding dahil buong araw sila sa bahay ng GMA-7 actress. Kaya nangitim daw siya lalo dahil halos buong araw siyang nakababad sa swimming pool at nakabilad sa araw.

Gusto rin matuto ni Ryzza Mae na mag-swimming para sa ilang eksena niya sa Sirena episode ng My Big Bossing.



RYZZA MAE AS FLOWER GIRL? Sa shooting ng My Big Bossing kahapon ay muling nakausap namin si Ryzza Mae at hindi rin ito nakaligtas sa isyung balak na pagpapakasal ni Vic at Pauleen.

Tinanong namin si Ryzza Mae kung sakaling ikakasal na sina Vic at Pauleen, gusto kaya niyang mag-flower girl?

“Sabi po ni Ate Pauleen, e,” mabilis na sagot ng child star.

Pero nang tinanong uli namin kung paano sinabi sa kanya ng Ate Pauleen niya, napangiti na ito at “secret” lang ang nasabi niya na halatang nabigla lamang siya.

Hiningan namin ng reaksyon si Pauleen sa sinabing iyon ni Ryzza Mae, pero natawa lang ito.


Nikki Gil shared a photo taken during the pictorial of My Big Bossing with Vic Sotto, Alonzo Muhlach and Ryzza Mae Dizon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN