Lav Diaz's Mga Anak Ng Unos to compete in Copenhagen film festival

Mga Anak ng Unos, a documentary by Lav Diaz (in photo), chronicles lives of the child survivors of Typhoon Ondoy. In the official website of the Copenhagen International Documentary Film Festival, it is described as: “A sublime, cinematic report from a devastating corner of reality.”



Pagkatapos mapili ang award-winning and critically-acclaimed film na Norte, Hangganan Ng Kasaysayan (North, The End of History) bilang Philippine representative sa Best Foreign Language category ng 2014 Academy Awards, muli na namang mamamayagpag sa mga international film festivals si Lav Diaz dahil sa kanyang bagong documentary titled Mga Anak Ng Unos (Storm Children Book One) na tungkol sa mga batang survivors ng killer typhoon Yolanda.

Ang typhoon Yolanda or Haiyan ay isa sa strongest tropical cyclones ever recorded. Isa itong Category 5 Super Typhoon.

Nag-iwan ito ng matinding sakuna sa probinsya ng Tacloban at Samar, Leyte kunsaan ito nag-landfall noong November 8, 2013.

Anim na libong tao ang namatay, 28,000 naman ang mga nasaktan, nawalan ng tirahan at kabuhayan at may isang libo pang nawawala.

Umabot nga sa higit na P89 billion ang halaga ng damages to properties sa mga nasalantang lalawigan.

Kinunan ni Direk Lav in black and white ang Mga Anak Ng Unos at nagkaroon na ito ng world premiere noong nakaraang September 23 sa non-competition section ng DMZ International Documentary Film Festival in South Korea.

Sa November 6 to 16 naman ay magku-compete ang naturang documentary film sa Copenhagen International Documentary Film Festival (CPH: DOX) in Denmark.

Sa official website ng naturang festival, ito ang description nila sa Mga Anak Ng Unos:

“A sublime, cinematic report from a devastating corner of reality.

“There has always been a strong impulse towards non-fiction in Diaz’s comprehensive oeuvre.

“But in the almost dialogue-free ‘Storm Children – Book One,’ one of the most uncompromising of contemporary filmmakers has gone all in.

“The fact that his characteristic, cinematic signature – the long and hypnotic scenes held in patiently observing black and white images – is present in every composition and every instant, underlines the urgency of his vision and its importance in international cinema over the past decade.”

Ito ang pinakamaikling pelikula ni Direk Lav dahil tumakbo lang ito ng two hours and 23 minutes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa November 4 naman ang Philippine premiere ng Mga Anak Ng Unos sa Trinoma Cinema.

Isang fundraising event din ito ng DAKILA, ang Philippine Collective for Modern Heroism in partnership with the Embassy of Canada for the Climate Revolution campaign and the trust fund of the children featured in the film.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN